Chapter 24

180 5 7
                                    

"Good morning padaba ko," malambing na sambit sa kaniya ni Clyden Dylan

Iyan agad ang bumungad sa kaniya pagkagising niya sa umaga. Tinignan niya ang itim at mapupungay na mga mata ng binata.

"Good morning din," inaantok na sambit ni Bella sa binata.

"How's your dream?"

Humiga rin ito sa kama niya kaya isiniksik niya ang kaniyang sarili sa dibdib ng binata.

"Okay lang naman. Hehe," nakangiting sambit ni Bella

Dinampian siya nito ng halik at tumugon naman siya rito hanggang sa umalab iyon...

--

Nagising na lang si Bella sa tunog ng kaniyang alarm clock. Sinadya niyang mag-set ng alarm clock para kung sakali mang makatulog siya sa tanghali ay magiging siya pero hindi niya akalain na iyon pa ang mambubuwiset sa kaniya.

"Buwiset na orasan nito panira ng panaginip," inis niyang sambit

Kinuha niya ang alarm clock saka binato sa pader.

Sa panaginip na lang nga siya nangangarap na nagkatuluyan silang dalawa ni Clyden tapos sisiraan lang ng alarm clock.

Ginulo niya pa ang kaniyang buhok sa frustration. Mayamaya biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa nito ang kakambal niya.

"Oh? Ano na naman bang problema mo ate Bella?" nakangising sambit ni Belle

"Wala kang pakialam kung may problema ako," naiinis na sambit ni Bella sabay irap kay Belle

"Sa bagay kung ako naman kasi 'yong babaeng pinangakuan ng kasal pero hindi pakakasalan ni Clyden Dylan ay talagang maiinis talaga ako. Sobrang suwerte ko pala sa kaniya dahil ako ang kaniyang pinili at hindi ikaw." She chuckled.

Sasampalin niya sana ang kakambal niya kaya lang naunahan siya ni Belle at sinampal siya ng malakas.

"Huwag na huwag mo akong kakantihin ate Bella dahil hindi mo pa ako nakikita kung paano magpalit," nanglilisik nitong sambit

Hindi na lang nakaimik si Bella at hinawakan na lang niya ang pisnging sinampal ng kaniyang kakambal.

"Ayokong i-stress ang sarili ko sa taong kagaya mo ate Bella dahil ngayong araw ang pinakahihintay ko... ang ipakilala ako sa pamilya ni Clyden Dylan at ipakilala niya ako bilang fiancè sa napakaraming tao," nakangiting sambit ni Belle sabay alis sa kaniyang kuwarto.

Napahawak na lang si Bella sa kaniyang sentido sabay hugot ng malalim na hininga  nang naalala niya na ngayon pala ang araw ng engagement party nila. Muntikan na niyang makaligtaan iyon.

Isinabay na lang ng kaniyang ama at mga magulang ni Drake ang engagement party nila sa mismong engagement party din nina Clyden Dylan.

Sunod-sunod na napabuntong hininga si Bella saka niya napagdesisyunan na lumabas ng kaniyang kuwarto.

Nadatnan niya si Clyden Dylan na nakatingin din sa kaniya kaya siya na lang ang umiwas.

Kailangan na rin niya kasing mag-ayos para magmukha naman siyang tao sa party.

Tanging siya lang ang nag-ayos sa kaniyang sarili, hindi na siya kumuha ng make up artist dahil simpleng ayos lang ang gusto niya. Kinulot na lang niya ang buhok niya at nilagay iyon. Naglagay din siya ng eye lashes at contact lens para sa kaniyang mata.

Light make-up lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha at pink lipstick saka minasa-masa niya ang labi gamit ang kaniyang laway. Mag-dadalawang oras din siyang nag-ayos at nagbihis ng kaniyang susuotin.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now