Chapter 7

188 10 4
                                    

“Maganda ka rin na pala hija.”

Bigla niyang nabitawan ang suklay na hawak-hawak niya nang narinig niya ang boses na nasa likuran niya.

Dahan-dahan siyang lumingon sa babaeng nagsalita at doon niya nakita ang ina ni Clyden Dylan na nakatayo sa pintuan ng maid's headquarter.

“Pasensya na po nakita ninyo pa po akong ganito ang ayos ko.” sabay tayo at humarap sa matanda

Naiinis na kasi si Bella ba panget ang kaniyang mukha kaya sinubukan naman niyang mag-ayos at magsuklay ng kaniyang buhok.

“No, no! You're beautiful!” Lumapit ito sa kaniya at hinawi nito ang kaniyang buhok. “Unang tingin ko sa'yo alam kong maganda ka.”

Namula naman siya sa sinabi ng matandang babae.

“Matanong nga kita hija may boyfriend ka na ba?”

“Po?” Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella sa tanong ng ginang.

Naalala niya tuloy ang boyfriend niya sa Maynila at namiss niya tuloy ito. Miss na miss na niya itong yakapin at halikan pero kailangan niyang tapusin ang kaniyang nasimulan.

“Irereto ko sana ang anak ko sa'yo," nakangiti nitong sambit.

“Sino pong anak ma'am?”

Natawa na lang ang ginang sa tanong ni Bella sa kaniya. “Sino pa nga ba ang tinukoy kong anak? Edi si Clyden Dylan Maynard Isaac Newton.”

Napangiwi na lang si Bella nang narinig niya ang pangalan ng binata. Sa dami-rami na puwedeng ireto sa kaniya ay 'yon pang hindi niya makakasundo? Lagi silang nag-aaway sa tuwing sila'y magkasama. Mabuti na lang talaga taken na ang dalaga.  

“Naku ma'am may naghihintay sa aking lalaki baka magalit siya kapag hiniwalayan ko siya,” pakamot-kamot sabi ni Bella

Narinig niyang bumuntong-hininga ang matandang babae. “Do you love him?”

Bigla siyang natigilan sa naging tanong sa kaniya ng matanda.

Mahal niya ba ang boyfriend niya? Iyan din ang paulit-ulit niyang tanong sa kaniyang sarili pero ang lagi niyang sagot sa kaniyang tanong ay oo. Mahal na mahal niya ang boyfriend niya nang higit pa sa buhay niya.

Ang boyfriend niya lang ang naging takbuhan sa tuwing pinapagalitan siya ng kaniyang mga magulang, doon siya umiiyak sa tuwing napupuno na siya sa mga taong kinukumpara siya sa kaniyang kakambal.

“Yes,” tipid niyang sambit

“Now I understand. Mahal mo talaga siya kung sino mang lalaki ang tinutukoy mo pero alam mo kung sino mang babae ang tinitibok ng puso ng anak ko siguro ang suwerte nito sa kaniya.” 

Napakunot na lang ng noo si Bella. “Ha? Bakit naman po?”

“My son is not a typical man. Pinalaki namin siya na may respeto sa babae. You know what I mean. He's kind of sweet and romantically.”

“May naging girlfriend na ba ang anak ninyo, ma'am?”

Mukhang napapasarap ang kuwentuhan ng kaniyang amo at nakakaligtaan na ni Bella ang kaniyang gagawin.

Natawa naman ang ginang sa sinabi niya. “Nakakahiya mang sabihin pero ni isa ay walang pumasa ng standard ng anak ko. Hindi ko nga alam kung anong gusto niya sa isang babae.”

“Baka naman ma'am bakla at lalaki ang hanap niya. Hehe.”

“Sa tingin mo bakla ang anak ko?”

“Baka lang naman ma'am di ba sinabi mo na hindi pa nagkaka-girlfriend ang anak mo dahil maarte talaga si Clyden.”

“Do you think so? Alam ko rin kasi medyo pagkapihikan ang anak ko pagdating sa babae. Kusa siyang lumalayo kapag hinahabol siya ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.”

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon