Chapter 15

158 5 3
                                    

Kinabukasan, maagang gumising si Bella para magsimula nang mag-impake. Hindi pa nga nagbubukang liwayway ay abalang-abala na siya sa pagtutupi ng damit. Ma-mimiss niya ang lahat ng nakasalamuha niya sa Caramoan. Hindi niya ito makakalimutan dahil naging parte na sila ng kaniyang buhay. Balik ulit siya sa dating Bella. Isang Bella na tingin ng karamihan ay walang kuwenta, ang pagkaiba lang... she put light make up on her face. Nagsuot siya ng maiksing damit gawi ng karaniwan niyang nakagawian.
Pumunta siya sa kuwarto ng binata at humiga siya sa kama nito. Naramdaman niyang gumalaw ang binata sa kaniyang pagtulog at niyakap siya nito ng sobrang higpit.

"I love you, Clyden Dylan," she said in sweetly voice. Dinampian niya ng halik ang binata at nakita niya na napangiti ang binata sa ginawa niya.

"Anong oras na ba padaba ko?" Sinisiksik pa ni Clyden Dylan ang kaniyang ulo sa leeg ni Bella.

"Oras na para mahalin mo ako," pabirong sambit ni Bella
Nang dahil sa ginawa niya ay tumawa ng malakas ang binata.

"Sasamahan mo ako sa Maynila?"
Ngumiti ng mapait si Bella sa naging tanong sa kaniya ng binata. Sa Maynila gaganapin ang operasyon ng binata.

"Oo naman," malungkot na tugon ni Bella
Ito na yata ang pinakamahirap na desisyon sa tanang buhay niya. Hindi niya akalain na hahantong siya sa isang desisyon na kailangan niyang palayain ang binata sa kaniyang mga kamay at bitawan ito ng tuluyan.

"I want to marry you as soon as possible, Belle," bulong nito sa kaniyang tenga.

Sa tuwing sinasambit ni Clyden Dylan ang pangalan ng kaniyang kakambal ay hindi siya natutuwa. Pakiramdam niya kasi si Belle ang mahal nito at hindi siya at kailanman ay hindi siya nagpakatotoo sa kaniyang sarili at sa nararamdaman niya para sa binata. Punong-puno siya ng kasinungalingan.

"Nasasabik din akong makasal sa'yo, Clyden Dylan," mangiyak-ngiyak na sambit ni Bella

Nagsisimula na siyang maghikbi. Dinampian niya ng halik ang binata. Ito na ang huling araw na mababalikan niya ang mga labi ni Clyden Dylan kaya lalasapin niya iyon.

"Puwede mo bang mag-selfie ka ng mukha mo," nakangiting sambit ni Clyden Dylan

Kumunot naman ang noo ni Bella sa sinabi ni Bella. "Bakit naman?"

"Para kung sakali mang muling bumalik ang paningin ko ay maalala ko agad ang iyong mukha."

"Give me your phone. Let's take a selfie."

"Kunin mo sa drawer. Nandoon nakalagay ang cellphone ko."

Saglit siyang tumayo at kinuha ni Bella ang cellphone sa drawer. Kinalikot niya ng konti ang gallery ng cellphone ng binata at doon niya nakita ang mga ilan sa mga litrato ni Clyden Dylan nang nakakakita pa ang binata. Halata sa mukha nito na nasabik at nasiyahan sa mga pinuntahan nitong bansa. Kung hindi sana niya nabangga ang minamaneho nitong kotse edi sana nakakakita pa ito at pinagpatuloy nito ang pangarap niya bilang piloto.

Sinira niya ang lahat ng pangarap ng binata. Hindi niya naiwasan ang umiyak habang tinitigan niya ang mga litrato.

"Why are you crying, Belle?"Nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Tumayo ang binata mula sa pagkakahiga at naglakad ito upang hanapin si Bella kung nasaan itong direksyon.

"Belle, where are you?"
Hinawakan ni Bella ang kamay ni Clyden Dylan at hinila niya ito papunta sa kaniya.

"Wala. Napuwing lang ako," pagsisinungaling niya.

"Are you sure?" May bahid na pag-aalala pa rin sa boses nito.

"Oo naman. Hehe. Tara, picture tayo."
Inakbayan niya ang binata at hinalikan niya ito sa pisngi habang kumukuha siya ng litrato sa kanilang dalawa. Kalahating mukha lang niya ang kita sa litrato, tanging noo at mata lang niya ang kita. Sinadya talaga niya iyon para hindi na magkaroon ng sigalot kapag umalis na siya sa buhay ng binata.

Niyakap niya ang binata sa huling pagkakataon. Mangungulila siya sa binata pero kailangan niya itong gawin upang matapos na ang gulong idinulot ng kaniyang kasalanan.
"Ilan ang gusto mong anak, Belle?"
Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata at tinignan niya ito ng masama. Hindi kasi niya inaasahan na tanungin siya ng ganoon ni Clyden Dylan.

"Dalawa. Isang babae at isang lalaki para may mini Belle at may mini Clyden Dylan," nakangiting sambit ni Bella

"Dalawa lang? Ang hina ko naman kung ganoon," natatawang sambit ni Clyden Dylan

Kumunot ang noo ni Bella sa sinabi nito. "Bakit ilan bang gusto mong anak?" takang tanong ni Bella sa binata.

"Isang dosena sana para tatayo ako ng basketball team."
Piningot naman ni Bella ang tenga ng binata. Nagsisigaw naman ito sa sobrang sakit na ginawang pamimingot niya.
"Puwede rin. Basta ikaw ang umere. Alam mo ang landi mo?" natatawang sabi ni Bella

"Sa'yo lang naman ako malandi eh."
Pinalo ng mahina ni Bella ang balikat ng binata. Kay aga-aga pinapakilig siya agad nito.

Pagkatapos ng pananghalian ay doon na sila umalis ng mansyon at sumakay sila sa chopper kasama ang mga magulang ng binata pero bago siya sumama ay pina-utos niya sa kaniyang ama na ipakuha na sa mansyon ng binata ang lahat ng mga gamit niya. Ito ay ayon sa napag-usapan nila kama-kailan lang.
Kapag lumayo siya sa binata ay magiging normal na ang lahat.
Naramdaman niyang mahigpit na hinawakan ni Clyden Dylan ang kaniyang kanang kamay. "Hindi na ako makapaghintay na makita ko ang mukha mo, Belle," nakangiting sambit ng binata sa kaniya 

Ngumiti ng mapait si Bella. Hindi na niya nagawang magsalita dahil ilang oras na lang ang nakalaan upang makasama niya ang binata pagkatapos noon ay ang kakambal na niya ang hahalili sa kaniya.
Nakarating sila sa Maynila bandang alas tres y media. Ipinasok kaagad si Clyden Dylan sa operating room upang doon siya operahan sa mata.
She secretly texted Belle. Sinabi niya na pumunta ito sa hospital kung saan nandoon ang binata.
Pagkatapos ng mahabang oras na paghihintay ay sa wakas ay inilabas na si Clyden Dylan. May benda pa rin ang mga mata nito at nakasakay ito sa wheelchair habang hila-hila siya ng mga nurse. Ililipat na siya sa isang kuwarto upang doon siya magpahinga.
Nagsipasukan naman ang pamilya ni Clyden Dylan maliban lang sa kaniya na nasa tapat lang siya ng pinto, sumisilip lang siya sa nangyayari at saka hinihintay niyang dumating ang kaniyang kakambal.
Lahat ng tao sa kuwarto ay nasasabik na makita na muling magkakaroon ng paningin ang binata.
Tinanggal ng doktor ang benda na nakapulupot sa mga mata nito.
"You can open your eyes, Mr. Newton.

Kitang-kita ni Bella ang unti-unting pagdilat ng mga mata ng binata. Mayamaya pa bigla na lang dumating ang kaniyang kakambal.
Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella nang nakita niya ang itsura ng kaniyang kakambal. Parang siyang nanalamin. Parehong-pareho na sila ngayon ng pagsusuot ng damit, nawala na rin ang pimples sa mukha nito at pumuti na rin ang kutis niya.
Nakasuot din ito gaya ng suot niya pero ang agaw pansin sa kaniya ang singsing na nakasuot sa kamay nito.
Nilagpasan lang siya nito at kumaripas si Belle papunta sa binata at saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Who are you?" takang tanong ng binata kay Belle nang nakita niya ito.

"Ako si Belle. Kay tagal kong hinintay na makakita kang muli," nakangiting sambit ni Belle sa binata.

Nagulat na lang si Bella nang biglang inangkin ni Belle ang labi ni Clyden Dylan at doon parang sinasaksak ng paulit-ulit ang kaniyang dibdib.
Nakita niyang sumilip ng konti ang binata sa pintuan kung saan siya nakatayo at kunot noo siyang tinignan nito.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng hospital at pumara ng taxi. Huminto naman iyon sa tapat niya kaya sumakay siya roon.
Nang nasa loob na siya ng taxi ay doon na lang siya napahagulgol.

Ganito pala ang masaktan. Masakit pero pipilitin niyang kalimutan ang binata dahil may sa mata man o wala si Clyden Dylan ay hinding-hindi siya nito makikita dahil ang tanging mahal lang nito ang kaniyang kakambal na si Belle.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now