Chapter 8

172 10 4
                                    

"Sige basagin mo na ang lahat ng plato!" Singhal sa kaniya ng mayordoma

Kanina pa siya nagdadabog at buwiset na buwiset din sa araw na ito. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa banyo nang isang araw.

Tinignan niya ng masama ang mga kasamahan niya na kanina pa nagtatawanan. Mukhang siya ang pinagtatawanan ng mga ito. At saka wala siyang pakialam kung basagin niya ang lahat ng plato dahil may pera naman siyang pambayad para rito.

"Nakakainis kasi manang," pagmamaktol niyang sambit sabay irap.

"Ano ba kasing nangyari?" Nagugulumihanan na tanong nito sa kaniya

Kumibit balikat lang siya at hindi makasagot sa tanong ng matanda.

Paano niya ba kasi sasabihin na ang binata ang dahilan kung bakit nasisira ang araw niya? Hindi siya maka-concentrate sa kaniyang ginagawa.

Isa pa sa kinabubuwiset niya ang pawala-walang signal ng cellphone niya. Minsan susulpot, minsan naman wala.

"Manang, wala po ba talaga ritong signal?" naiinis niyang tanong

Balak niya sanang tawagan ang boyfriend niya para kumustahin niya ito.

"Subukan mong lumabas ng bahay at nakatitiyak akong may mahahagilap ka roon na signal."

Sinunod naman niya ang sinabi ng matandang babae at lumabas nga siya ng bahay.

"Yes!" Nagtatalon pa siya sa sobrang tuwa na saktong paglabas niya ay nagkaroon ng signal ang kaniyang cellphone.

Binuksan niya ang inbox message at doon niya nakita na tinatadtad pala siya ng boyfriend niya ng mensahe.

Pakurap-kurap niyang binasa ang txt ng boyfriend niya at mukhang nag-aalala na ito sa kaniya.

"Where are you?!"

"Bakit hindi kita ma-contact?"

"I miss you so much, babe."

"Saan ka na? Pumunta ako sa condominium mo pero hindi kita nakita."

"Nakausap ko ang private investigator mo at sinabi niya sa akin na pumunta ka ng Caramoan. The heck!? Anong plano mo Bella?"

"Pupunta ako riyan! Hintayin mo ako Bella!"

"See you."

Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella nang nabasa niya ang huling mensahe ng kaniyang boyfriend.

Mayamaya pa may narinig siyang may nag-door bell at doon na siya kinutuban na baka ang taong iyon ang kaniyang boyfriend.

"Sandali lang!"

Mabilis siyang tumakbo papunta sa gate upang pagbuksan niya ng gate ang tao.

Hindi pa rin tumitigil sa pagdoor bell ang taong iyon at doon na nairita si Bella.

"Sandali lang! Hindi ka ba marunong maghintay!?"

Dahan-dahan niyang binuksan ang gate at doon tumambad sa kaniya ang nakangiting malapad na boyfriend niya.

Her jaw dropped. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung anong gagawin niya nang nakita niya ulit ito.

"Surprise babe?" Nakangiting sambit nito sa kaniya

"W-why are you here? I mean paano mo ako natunton dito?" nauutal at kinakabahan niyang tanong sa boyfriend niya

"Whoah! Iyan agad ang sasabihin mo sa akin sa pagdating ko? Did you miss me, Bella?"

Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hinila at inangkin ang kaniyang mga labi. Tinulak niya ang kaniyang boyfriend upang matigil na ang lumalalim nilang halikan.

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon