Epilogue

359 15 6
                                    

“So how's your life as husband and wife?” tanong sa kanila ng writer na nag-i-interview sa kaniya.

Kanina pa idinidikta ang mga pangyayaring nangyari sa kanilang mag-asawa. Ang itsura ng manunulat ay medyo mataba, kulot ang buhok at may nunal din sa leeg kagaya ng kay Bella. May nunal din ito malapit sa nguso at may singkit na mga mata.

Nakita nina Bella at Clyden Dylan ang notebook ng manunulat at doon nila nalaman ang pangalan ng manunulat na iyon.

Mary France

“Naku! Itanong mo kay Bella. Under ako diyan eh. Palagi niya akong sinasaktan. Minsan pa nga sinusupladahan ako niyan, paminsan-minsan binalibag ng kaldero kapag hindi ko magugustuhan ang niluluto niya.”

“Wow! Parang kasalanan ko pang maging asawa mo ako ha? Kung sipain kaya kita mula rito hanggang sa labas,” naiinis na sambit ni Bella

“Bagay nga talaga kayong magsama,” natatawang sambit ng manunulat

“Hindi kami bagay, tao kami,” nakabusangot na sambit ni Bella

Umiral na naman ang pagiging suplada ni Bella, sapagkat kabuwanan na ito sa kaniyang pagbubuntis at anuman sa linggong ito ay puwede siyang manganak.

“Maari bang magbigay kayong payo sa mga magkarelasyon o sa mag-asawa?”

Kinagat ng manunulat ang takip ng ballpen at nagsimula nang isulat ang sasabihin ng dalawa.

“Hmm... siguro maging totoo ka lang. Huwag mong hahayaan na lamunin ka ng insecuties mo at matuto ka ring maghintay sa taong nakalaan para sa'yo,” nakangiting sambit nilang dalawa.

“Thank you so much for such an inspiring story, Mr. and Mrs. Newton.” Sabay tayo at nakipagkamay sa mag-asawa

“Sh*t! I think my water broke!”

Namimilipit na sa sakit si Bella at may umagos na ring tubig sa mga lapi nito.

“A-nong gagawin ko?” natatarantang sambit ni Clyden Dylan sa kaniya

“Tanga! Buhatin mo ako!”

“Ano?! Ang bigat-bigat mo kaya,” pagmamaltol nitong sambit

”Isa, Clyden Dylan! Hindi ko iiere ang anak mo kapag hindi mo ako binuhat!”

Pakamot-kamot na lang si Clyden Dylan at wala na lang siyang nagawa kundi buhatin na lang si Bella.

“Sorry, Ms. pero mukhang mauudlot ang usapan natin. Manganganak na kasi ang asawa ko. Babasahin na lang namin sa libro mo kapag na-publish na,” nakabusangot nitong sambit

“Oh! Sure. Ikagagalak ko kayong makilala,” nakangiting sambit ng manunulat

Nagsimula nang maglakad ng mabilis si Clyden Dylan palabas ng silid at iniwan ang manunulat na nakangiti lang na pinagmamasdan sila.

“Love wins... always,” nakangiting sambit nito

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now