Chapter 14

150 6 9
                                    

"Kung sakali mang hindi ka naging kasambahay ano sana ang naging trabaho mo, Belle?" tanong ni Clyden Dylan sa kaniya habang pini-piggy back niya ito paakyat ng pinakatuktok na bundok ng  Caglago mountain.

Sinadya talaga nila ang barangay Tagbon Caramoan upang mapuntahan nila ang Our Lady of peace grotto. May kasama silang tour guide na kanina pa salita nang salita patungkol sa history ng imahe.

"Bakit mo naman 'yan natanong, Clyden Dylan?"

"Wala lang. Curious lang ako."

Napaisip siya ng malalim. "Siguro guro na ako. Nagtuturo na sana sa mga estudyante."

"Bakit may sana?" May himig na pagtataka sa boses ng binata.

"I failed. I didn't pass the licensure examination for teachers," malungkot na sambit ni Bella

"But you want to be a teacher, right?"

"Yes," tipid niyang sagot sa tanong ng binata   

"Then pursue it, Belle. Wala naman masama kung paulit-ulit kang nadadapa, ang mahalaga ay yong paulit-ulit ka ring bumabangon. Anong malay mo baka sa isa o sa susunod ka ng taon ganap ka ng isang guro?"

"Ikaw anong balak mo sa oras na nakakita ka?"

"Ako? Bukod sa babalik sa pagiging piloto. Gusto kong pakasalan kita."

Lihim na napangiti si Bella sa sinabi ng binata pero may parte pa rin sa puso niya na malungkot dahil baka ito na ang huling araw na makakasama niya ang binata.

Makalipas ng ilang sandali ay sa wakas narating na rin nila ang lugar.

Pagod, pawisan, gutom at uhaw ang inabot nila mula sa paglalakad pero sulit pa rin talaga kapag nakarating ka sa tuktok ng bundok at makita mo ang imahe ng Our Lady of peace grotto.

Pagod, pawisan, gutom at uhaw ang inabot nila mula sa paglalakad pero sulit pa rin talaga kapag nakarating ka sa tuktok ng bundok at makita mo ang imahe ng Our Lady of peace grotto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow!" Iyan na lamang ang nasambit ni Bella ang lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow!" Iyan na lamang ang nasambit ni Bella ang lugar.

Hindi siya makapaniwalang mapupuntahan niya ang ganitong kagandang lugar. Napakatahimik at marami siyang punong nakikita na siya namang nagpapahangin sa paligid.

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon