Chapter 25

239 8 7
                                    

Kumaripas ng takbo si Bella palabas ng mansyon at sinundan naman siya ni Clyden Dylan.

"Ano bang trip mo, Bella ha? Kailan ka magpapakatotoo sa nararamdaman mo? Kailan ka magpakatotoo sa sarili mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat-lahat? Bakit pinatagal mo pa?" sunod-sunod na tanong ni Clyden Dylan

"Kasi natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa'yo ang totoo ay posibleng masaktan ka. Natatakot akong layuan mo ako," maluha-luhang sambit ni Bella

"Pero sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa mong pangloloko sa akin?"

Hindi na nakapagsalita si Bella at nanatili lang siyang walang imik.

"Pero bakit ganoon? Kahit anong ginawang kasinungalingan sa akin ay hindi ko magawang magalit sa'yo," seryosong sambit ni Clyden Dylan

Nagulat na lang si Bella sa sinabi ng binata sa kaniya.

Kumaripas si Clyden Dylan papunta sa kaniya at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Bella kahit lokohin mo man ako ng paulit-ulit ay hindi ako bibitaw sa'yo," bulong nito sa kaniya

"Congratulations sa ating dalawa pareho tayong ikakasal sa ibang tao," natatawang sambit ni Bella

Napabusangot na lang si Clyden Dylan sa sinabi niya.

"Pero ikaw ang gusto kong pakasalan at hindi ang kapatid mo," malungkot nitong sambit

"Gugustuhin ko man ngunit hindi na maari."

Muli na naman silang nagyakapan dalawa. Bigla silang napakalas sa isa't isa nang narinig nila ang boses ng kaniyang kakambal.

"Wow! Such a dramatic scene." Humagalpak pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula.

Tumago siya sa likod ni Clyden Dylan.

"Ano na naman bang problema mo, Belle? Patahimikin mo na kaming dalawa!"

"Kayo ang problema ko, Clyden Dylan! Akala ko ba ako ang mahal mo? Tapos ngayon malalaman ko na inaahas ka na sa akin ng kakambal ko?" Tumawa pa ito.

"Kasi ang buong akala ko ikaw si Belle na nakasama ko sa Caramoan pero hindi pala."

"Wala ka na bang utak, Clyden Dylan? Siya 'yong dahilan kaya ikaw ay nabulag!"

"Wala akong pakialam kung si Bella nga ang nakabangga sa kotseng minamaneho ko. Nangyari na ang nangyari."

"Tanga ka talaga, Clyden Dylan! Tanga talaga ang pag-ibig!"

Nagulat na lang silang lahat nang biglang pinutok ni Belle ang baril at tumama iyon sa katawan ng binata.

"Clyden Dylan!" buong sigaw ni Bella

Humarap muna ito sa kaniya saka ito bumulagta sa damuhan.

"Son!" sigaw naman ng  mommy binata

"Hulihin ninyo ang babaeng 'yan!"

Kaagad nang kinumog ng mga bisita si Belle at pinadampot sa pulis.

"No, no, Clyden Dylan! Huwag mo naman itong gawin sa akin," mangiyak-ngiyak na sambit ni Bella

Kinalong pa ni Bella ang binata sa kaniyang paa.

"Pakasalan mo si Drake. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko kahit sa sandaling panahon lang tayong magkasama. Mahal kita, Bella. Mahal na mahal."

"Don't say that, Clyden Dylan! Di ba sinabi mo sa akin noon sa Caramoan na bibigyan kita ng mga anak. Please lumaban ka para sa ating dalawa." Nagsisimula nang humagulgol ang dalaga.

"Love him the way he loves you," nakangiting sambit ni Clyden Dylan

"Ang kulit mo naman eh! Ikaw ang mahal ko at hindi siya!"

"Pagod na ako, Bella puwede ko na bang ipikit ang mga mata ko?"

"No, no! Please."

Ipinikit na ng binata ang kaniyang mga mata at doon mas lalong bumuhos ang luha ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

---

Nagising na lang ang binata sa sinag ng araw. Nabuhay siya. Ginalaw niya ang kaniyang daliri at pilit na inaabot niya ang buhok ng dalaga upang magising ito.

"Clyden Dylan!" masayang sambit ni Bella

Kaagad siya nitong pinugpog ng halik na tila bang nangungulila sa kaniya.

"Akala ko hindi ka na magigising. Tinakot mo ako ng husto," maluluha nitong sambit

"Buhay naman ako ah. Anong problema?"

"Ikaw kasi may palaman-laman ka pang ganoong salita akala ko mawawala ka sa akin."

"Ikinasal ka na ba kay Drake? Best wishes," natatawang sambit ni Clyden Dylan

Kaagad naman siyang nakatanggap ng malakas na batok mula sa dalaga.

"Sira! Puro ka biro. Kutusan kita diyan eh," natatawang sambit ni Bella sabay pinunasan ang mga luha sa dalawa niyang mata.

"Masaya akong nandito ka sa tabi ko pero sigurado ka na ba talagang hindi si Drake ang pinipili mo?" taas kilay na tanong ni Clyden Dylan

Nakita niyang umiling-iling ang dalaga sa naging tanong niya.

"Hindi. Alam naman niya na ikaw ang mahal ko at hindi siya," masayang sambit ni Bella

Isang ngiti ang kumorte sa mga labi ni Clyden Dylan.

"Handa ka na bang maging Mrs. Newton?" natatawang sambit niya

Tumatango-tango na lang ang dalaga sa sinabi niya. "Eh ikaw handa ka na bang kumain ng mga niluto kong sunog?"

Humagalpak si Clyden Dylan sa kaniyang narinig. "Sunog man o hindi ay kakainin ko 'yan. Kung wala man akong makain ay ikaw na lang ang kakainin ko," nakangising sambit ni Clyden Dylan

"Sira! Sa tiyan lang naman ang tama mo ng baril pero pinaabot mo na sa iyong ulo," nakabusangot na sambit ni Bella

"Hindi ko naman kailangan ang perpektong asawa. Ang kailangan ko lang ay 'yong babaeng makakasama ko habang buhay at magiging ina ng mga anak ko," nakangiting sambit ni Clyden Dylan

Muli naman siyang binigyan ng matamis na halik ng dalaga.

Pagkatapos na ma-discharge ang binata sa hospital ay kaagad silang sumakay dalawa ng dalaga sa binili niyang chopper.

"This is captain Clyden Dylan Maynard Isaac Newton together with my wife, my padaba Bella Cheschire-Newton."

Hinalikan niya ang kamay ng dalaga at pinalipad na ang eroplano pauwi ng Caramoan.

Pagkarating at pagkarating ng Caramoan ay kaagad nitong ipinatawag ang tito niyang pare at naganap nga ang Island wedding. Hindi man dumalo ang ama ni Bella ay masaya na rin siya dahil sa wakas ang pagmamahalan pa rin nila ang nagwagi.

Maluha-luha si Clyden Dylan habang tinatanaw niya si Bella na naglalakad sa buhanginan. Pilit siyang inaalo ng kaniyang ama at hinahagod pa nito ang kaniyang likod.

"Ayos lang iyan anak, ganiyan din ang naramdaman ko noong ikinasal ako sa mommy mo," nakangiting sambit nito sa kaniya

---

"You may now kiss the bride!"

Kaagad niyang inalis ang belo ng kaniyang asawa at siniil iyon sa halik. Tilang ayaw niya pang bitawan ang labi ni Bella pero napansin niyang nauubusan na ito ng hininga.

"Gusto ko ng isang dosenang anak," natatawang sambit ni Clyden Dylan

"Puwede naman basta ba ikaw ang magbuntis." Sabay kurot sa kaniyang tagiliran.

Muli na naman niyang inangkin ang labi ng kaniyang asawa at tila hindi siya nagsasawang halikan iyon ng paulit-ulit.

Love me in Caramoan (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora