Chapter 2

306 18 11
                                    

"To all passengers of flight 4423 please fasten your seatbelts and be ready for take off."

Nagising tuloy nang wala sa oras si Bella nang narinig niya ang pag-balita ng flight attendant. Inis naman niyang tinanggal ang earphones na nakasabit sa kaniyang tenga saka huminga siya ng malalim.

"Ikaw na si Belle at sana maging mabait ka roon, Bella," bulong niya kaniyang sarili

Kilalang-kilala niya ang kaniyang sarili, siya 'yong babaeng maldita at medyo may pagka-amazona. Palaban na babae, ika nga nila. Nasanay kasi siya na tanging siya lang ang nagtatanggol sa kaniyang sarili niya.

Hindi siya katulad ng kapatid niyang nagpapaawa para lang makuha ang simpatya ng mga taong nasa paligid nito lalo na ng kanilang mga magulang.

Pagkalapag at pagkalapag niya sa  airport ay muli siyang sumakay ng bangka papunta sa lugar na pupuntahan niya.

Ang Caramoan.

Napangiti na lang siya habang umaandar ang bangkang de-makina.

Ang ganda ng lugar! Akala niya sa El Nido Palawan ang pinakamagandang isla sa Pilipinas pero ano itong kaniyang nakikita? Isang natatagong isla ang kaniyang nasasaksihan.

Bumaba siya sa bangka. Tila ayaw siyang hawakan ng bangkero dahil sa kaniyang itsura kaya hindi na lang niya pinakawakan ang kaniyang kamay.

Naglakad siya nang naglakad hanggang sa nakita niya ang bahay na tinutuluyan ng lalaki.

Tinignan niya muna ang nakatuping papel na hawak-hawak niya. Naglalaman iyon ng address ng binata.

"Infairness ah! Mayaman din pala ang isang 'to, ang akala ko pa naman hihigitan ko ang kayamanan niya," nakangising sambit niya sa kaniyang sarili

Huminga muna siya ng malalim bago niya pinindot ang doorbell. Mayamaya pa isang matandang babae ang lumapit sa gate. May hawak-hawak pa itong walis tingting.

"Anong sadya mo rito?" mataray na sambit ng matandang babae

Napataas na lang ng kilay si Bella sa inasal nito sa kaniya. Baka hindi ng matanda kilala kung sino ang tinatarayan niya.

"Nandiyan po ba si Mr. and Mrs. Newton? Ako ho kasi 'yong nag-apply na bagong kasambahay. Nandiyan po ba sila?"

Tinignan na naman si Bella ng matanda mula ulo hanggang talampakan.

"Bakit po?" takang tanong niya

Kung siya siguro si Bella ay paniguradong kanina niya pa sinabunutan ang matandang nasa harapan niya. Pasalamat na lang ito dahil siya si Belle.

"Wala. Ako kasi ang mayordoma rito, halika ineng pasok ka!"

Pinagbuksan naman siya ng gate ng matandang babae at saka siya naglakad papasok ng mansyon.

"Nakakaintindi ka ng bikol ineng?"

"Ho?"

Parang gusto niyang lumubog sa lupa kasi sa lahat ng dapat niyang mapag-aralan bago siya pumarine ay ang pagsalita ng bikol ang kaniyang nakalimutan.

"Ito kasi ang dayalekto ng pamilyang papasukan mo hija. Teka-- taga saan ka ba?"

"Taga-Maynila po pero ulilang lubos na po ako."

Parang gusto niyang tawanan ang kaniyang sarili sa pagsabi ng 'po' at 'opo'. Parang sinaniban siya ng mabuting espiritu at puwede na siyang gawing santo.

"Aw? Ganoon ba? Kawawa ka naman."

Pinagmamasdan niya ang buong paligid ng bahay ng pamilya Newton. Mayaman naman pala ang pamilyang ito.

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon