Chapter 23

194 8 3
                                    

"Bakit ka pumayag na magpakasal kay Drake?" Iyan agad ang bumungad sa kaniya nang nagising siya nang alinganing oras.

"At bakit naman hindi? Eh boyfriend ko 'yon? Matagal na kaming magkasama at alam ng pamilya ko na magkarelasyon kaming dalawa."

"Ano ako sa'yo, Bella? Sabihin mo nga sa akin kung ano ang posisyon ko diyan sa puso mo." May bahid na lungkot sa boses ni Clyden Dylan.

"Wala," tipid na sambit ni Bella

"Wala? Really? As in wala?"

He pulled her nape and kissed her torridly. But instead of kissing him back, nanatili lang siyang tuod at hindi ibinubuka ang bibig.

"Wala na ba talagang pag-asang maging tayo sa huli? Wala ba talaga akong puwang sa buhay mo? Minahal mo rin ba ako, Bella kahit konting katiting?"

Napailing na lang si Bella. Kinagat niya ang kaniyang dila upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

"Hindi kita minahal," seryosong sambit ni Bella

"Ano 'yong pinakita mo sa akin sa Caramoan? Lahat din ba 'yon isang pagkukunwari? Kailan ka magpapakatotoo sa sarili mo at sa iyong nararamdaman? Kailan mo naman ako pipiliin? Kailan!?"

"Bakit hindi mo matanggap na hindi kita mahal sa umpisa pa lang? Ano bang hindi mo maintindihan, Clyden Dylan? Kapuwa na tayong ikakasal sa ibang tao at dapat matanggap nating dalawa na hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa."

"Please don't leave me, Bella. I'm begging you. I'm ready to be your rebound just don't push me away. Please... please..."

Niyakap siya nito ng sobrang higpit at pilit naman iyon kinakalas ni Bella.

"Ano ka ba, Clyden Dylan? Gumising ka nga sa katotohanan na hindi ikaw ang lalaking mahal ko kundi si Drake! Ikakasal ka na sa kapatid ko at ayoko namang magkaroon pa kami ng away ng dahil sa iyo."

"B*llsh*t!"

Nagulat si Bella sa ginawang pagmumura ni Clyden Dylan.

"Puro na lang kapatid mo ang palagi kong naririnig sa bibig mo! Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan, ha?!"

Hindi na lang nagsalita si Bella at nanatili siyang walang imik.

"Sabihin mo lang sa akin na bitawan ko na ang iyong mga kamay ay gagawin ko talaga 'yon. Hindi na kita kukulitin o suyuin. Sabihin mo lang sa akin na hindi mo na ako mahal at palalayain na kita kung ako pala ang sanhi kung bakit ka umiiyak o nasasaktan. Magpapakasal ako sa kapatid mo kahit na hindi man siya ang babaeng mahal ko," mangiyak-ngiyak nitong sambit

"I don't love you, Clyden Dylan. Please marry my twin sister and be happy with her," buong kumpiyansa niyang sambit

He smiled bitterly at her. His eyes are full of pain. "Wish granted, Ms. Cheschire." Sabay talikod sa kaniya at nagsimula na itong maglakad papalayo kay Bella

Parang gusto niyang habulin ang binata at yakapin ito ng sobrang higpit kaya lang kung gagawin niya iyon ay tinanggalan naman niya ang kaniyang sarili na dangal.

Mas lalo siyang nasaktan nang tawagin siya nito sa kaniyang apelyido. Hindi siya sanay na tawagin siya ni Clyden Dylan ng ganoon. 

Hindi totoo ang pinagsasabi niya sa binata. Ginawa niya lang iyon sa kung  sa alam niyang gawin kahit na alam niyang masasaktan niya si Clyden Dylan.

Ayaw niyang lumaki ang gusot na kaniyang ginawa kaya siya na ang mismong tumapos pero ang buong akala niya magiging madali ang lahat pero nagkamali siya. Maling-mali. Dahil wala ng sasakit pa kung ang lalaking mahal mo na ang nagsabi na sumusuko na siya at hindi ka na niya kayang ipaglaban.

Love me in Caramoan (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora