Chapter 19

171 8 3
                                    

"Kailan ka ba aalis sa pamamahay na 'to?" Biglaang tanong ni Bella kay Clyden Dylan

Nasamid na lang ang binata at tinignan siya nito ng masama. "Bakit mo naman ako pinapaalis sa bahay na 'to? Eh bahay naman ito ng fiancè ko at magiging ate naman kita... soon," nakangising sambit ni Clyden Dylan

Kasalukuyan silang kumakain ng almusal. Bale magkaharap lang silang dalawa ni Clyden Dylan. Wala ang kaniyang kapatid dahil may emergency meeting ito sa ibang bansa at kailangan nitong asikasuhin.

"Ate your face! Baka nga mas matanda ka pa sa akin ng isang taon," naiinis na sambit ni Bella sa binata

"Alam mo simula nang umapak ako sa pamamahay na 'to lagi na lang mainit ang ulo mo sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa'yo not unless..."

"N-not unless? Puwede ba, Clyden Dylan kung may sasabihin ka sa akin huwag mo ng putulin? Kanina pa ako late sa trabaho," naiinis na sambit ni Bella

"Not unless may past relationship tayo at ang kakambal mo ang papakasalan ko at hindi ikaw," seryoso nitong sambit

Biglang natawa si Bella sa sinabi ng binata na siya namang ikinataas ng kilay nito.

"Anong nakakatawa, Bella?"

"You. Are you kidding me, Clyden Dylan? Tayo may past relationship? Ni  ngayon lang tayo nagkita. Haha." 

Nakita niyang napangiwi ang binata dahil sa sinabi niya. Parang nasaktan.

"Yeah, you're right. Isang milagro na lang yata kung mas nauna pa kitang nakilala kaysa sa kapatid mo." Tumawa pa ito ng mapakla.

Biglang natigilan si Bella sa kaniyang kinakain at tila nawalan na siyang ganang ubusin ito. Tinamaan siya sa sinabi ng binata.

"Sige pa Bella saktan mo pa ang iyong sarili. Sino ang pinagloloko mo? Ginusto mo di bang lumayo sa binata at masaktan ng paulit-ulit? Puwes panindigan mo," ani niya sa kaniyang isip

Pagkatapos nilang kumain ay saka umakyat ang binata sa kuwarto nito at nagkulong. Doon na lang nakahinga ng maluwag si Bella at inayos niya ang kaniyang sarili para sa pagpasok sa eskuwelahan.

Nakaligo na siya kanina bago siya kumain ng almusal kaya magbibihis na lang siya ng uniporme. She's wearing a red fitted teacher's uniform. Naglagay siya ng headband sa kaniyang buhok. She put pink lipstick instead of red. Ayaw niya kasing gayahin siya ng mga dalagita niyang estudyante. She's a simple woman yet elegant.

Dali-dali niyang isinuot ang sandal sa kaniyang dalawang paa at pinagdadampot niya sa mesa ang pinagpuyatan niya kagabing lesson plan at instructional material upang gamitin niya sa pagtuturo sa mga bata.

Binitbit niya ang handbag at saka lumabas na siya ng kanilang bahay. Bumungad agad sa kaniya ang boyfriend niyang nakasuot ng motorcycle jacket habang nakasandal na naman sa motor nito. Tinanggal nito ang sunglasses nito nang nakita ni Drake si Bella.

Kaagad naman lumapit si Bella sa kaniyang boyfriend at binigyan niya ito ng halik.

"Mukhang good mood yata tayo ngayon," nakangiting sambit ni Drake sa kaniya

"Masaya lang ako dahil nandito ka palagi sa tabi ko," nakangiting sambit ni Bella

Napatingin siya sa gawing kuwarto ni  Clyden Dylan at kitang-kita niya na nakatingin din ang binata sa kanila. Parang itong nagmamasid kaya naisipan na lang ni Bella na yakapin ang boyfriend niya. Halatang nagulat si Drake sa ginawa ni Bella pero hinayaan niya lang itong nakayakap ang dalaga sa kaniya.

Kumalas sa pagkakayakap sa boyfriend niya at isinuot na niya ang helmet saka sumakay siya sa motorsiklo ng boyfriend niya.

Kinuha naman ni Drake ang mga gamit niya at inilagay niya iyon sa may unahan. Pinaandar na nito ang motorsiklo papunta sa eskuwelahan na kung saan nagtuturo si Bella.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now