PROLOGUE

689 45 2
                                    

Prologue

Naramdaman ko ang isang malamig na metal saking sentido.

Halos manginig ako sa takot ngunit nilalabanan at pinipigilan ko ito.

Isang baril....

Hindi ko inakalang isang baril pala ang tatapos saking buhay.

Kitang kita ko sa gilid ng aking mata ang malamig na bibig ng baril na nakatutok sa aking sentido...

Nagulat ako nang unti-unti niyang kalabitin ang gatilyo kaya napasigaw ako.

"W-wag!" ngunit halakhak lamang ang tangi kong narinig.

Nakakabinging ingay, dulot ng mabilis na pagpintig ng aking puso. Sobrang bilis! Tila nakikipagkarerahan sa bilis. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I-bab-ba mo 'y-yan!" ngunit maslalo pa niyang diniinan ang bibig ng baril saking sentido.

Mas lalo akong hindi nakagalaw saaking kinauupuan. Nakatali ako sa isang upuan at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala at tila mas humihigpit ang tali na nakagapos sakin tuwing ako ay gumagalaw

Kakalabitin na sana niya ang gatilyo, ngunit may narinig akong boses...

"Wag!" Habul-habol ko ang aking hininga at kasabay no'n ang pagtulo ng luha kong parang gripo.

"Zoe, anak. Shh... Panaginip lang 'yun," niyakap niya ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Ang panaginip ay kathang isip lamang.," ngunit alam kong may mga panaginip na nangyayari sa tunay na buhay...

"Tahan na..," Patuloy niyang hinahaplos ang likod ko at patuloy ding umagos ang mga luha ko at sinabayan ng mga hikbi.

"Natatakot po ako..."

"Don't be. Walang mangyayaring masama, Zoe. I'll assure you that," Tango lang ang sagot ko.

"Alright." inilayo niya ako sakanya. "Drink this," inabot niya sakin ang isang baso ng tubig.

"Thanks, mom." nagpilit ako ng ngiti.

"Yeah... Ituloy mo na ang tulog mo at maaga ka pa bukas. I will be here until you fall aslee,." At matamis siyang ngumiti.

"I love you..." Halos pabulong kong sinabi.

"I know. I love you, too forever. Sleep now," Hinalikan niya ang noo ko kaya pinikit ko na ang mga mata.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga..

Isang panaginip na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Isa ba itong babala? Kung babala para saan

Humugot ako ng malamim na hininga at ibunuga ito kasabay ng paglimot sa panaginip na 'yun.

Sanay na ako dahil halos lagi ko itong napapanaginipan at lagi kung inaalala ang sinabi ni mommy na... Ang panaginip ay gawa lamang ng ating imahinasyon. Hindi ito makatutohanan.... Pero alam ko.. nagkakatotoo ang mga ito.

***


Warning. Hindi pa edited ang story na'to kaya asahan ang mga wrong grammar, wrong spelling, mga typographical errors and so on.

Pasesnya, bago pa lang ako dito at inaaral ko pa kung pano magsulat ng story. Hindi po ako perpekto. Hihi.. Salamat =)

~LadyOnFireee ♤

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now