CHAPTER 06

146 16 0
                                    

(Good Day! Enjoy reading :))

06

•Zoe's POV•

"Totoo ba yun?" Seryoso at medyo nag aalalang tanong ni Simon.

"Yung ano?" patay-malisyang tanong ko.

"Na may first warning daw kayo." Seryoso paring niyang sabi.

"Oo, meron!" Sabi ko at ngumiti ng malaki. Nakita ko naman ang panla-laki ng mata at pagkunot ng noo ni Simon dahil sa sinabi ko.

"Gaga! May first warning na nga kayo nakuha mo pang ngumiti diyan!?" Hindi maka paniwalang sabi niya.

"Aba! First time kong makakuha ng ganito noh, isa ito sa achievement ko!" Sabi ko at humalakhak.

"Adik ka talaga, Zoe." Iiling iling na sabi ni Simon.

"At tsaka pala, first warning palang naman ito ehh." Mayabang kong sabi at tsaka tumawa. Ngunit natigilan ako ng may naalala akong itanong kay Simon.

"Saan mo pala nalaman 'to?"

"Sabi ni fafa Benedict."

"Ahh, kaya naman pala. Pano niya alam?"

"Diba, girlfriend niya si Monica? Yung isang kaibigan ni Vivian."

"Ahh, okay."

"Kaya naman pala." Biglang singit ni Aicha.

"Kaya naman pala ano?" Usisa ni Simon.

"Magkasama kasi sila kanina." Sabi ni Aicha na nakatingin sa malayo.

"Kailan?"

Ibinaling samin ni Aicha ang paningin niya bago siya nagsalita. "Kanina kasi nung ayaw akong kausapin ni Zoe ay lumabas ako at papunta na sana ako sa canteen nang nakasalubong ko sila."

"Ahh." Sabi ko na tumatango.

"Okay balik tayo sa main topic! Bakit kayo nabigyan ng ganyan?" Mala interview na tanong ni Simon.

"Interview teh?"

"Hindi teh, nagiimbistiga ako." Sakrito niyang sabi at inirapan niya ako.

"Tss. Bakla."mahinang bulong ko sa panghuling salita.

"Bakit nga kayo nagkaroon ng first warning?" Seryoso niyang tanong.

"Kasi aksidente kong nabangga si Vivian." nakayukong sabi ni Aicha.

"Yun lang?"

"Oo, bakit meron pa ba?"sakristo kong tanong.

"No, Zoe meron pa tayong ginawa."

"Ano naman yun?"

"Diba dapat ako lang ang merong first warning? Pero dahil sinagot mo si Megan nung time na yun ay pati ikaw nadamay. Kaya meron karing warning."

"Sorry, Zoe kung pati ikaw nadamay." dagdag niya.

"Ano, ka ba Aicha. Diba sabi ko sayo akong bahala sayo?"mahinahon kong sabi.

"Pero--"pinutol ko ang sasabihin niya.

"Aicha, wag kang magalala dahil wala namang mangyayari satin ehh. Kung meron man hindi ko sila hahayaan, pangako yan."sabi ko at nagpilit ng ngiti.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now