CHAPTER 04

177 18 0
                                    

04

•Zoe's POV•

Pagkatapos ng apat na klase namin ay lunch time na. Kaya lumabas na kami at dumeretso sa canteen. Pagkarating namin dun ay nandoon na agad si Simon sa lamesa namin. Linapitan namin si Simon at mukhang may nasagap na naman siyang bagong chismis dahil hindi siya makapakali..

"Oh my gaawdd teh!!"

"Ohh, bakit nagkakaganyan ka?"tanong ni Aicha na nakahalukipkip.

"Alam ko na kung bakit nagpatawag ng emergency meeting si Dean kahapon!" aniya.

"Syempre, ikaw pa! Wala yatang nakakalampas na balita sayo, ehh."sakrito kong sabi at nginisian siya.

"Grabe ka naman, Zoe ha!"sabi niya at pinandilatan pa ako.

"Aba! 'Tong baklang 'to talaga! "iiling iling kong sabi.

"Ano ba 'yun Simon?"kunot-noong tanong ni Aicha.

"Ito na nga. Mga teh, may lilipat daw dito na student.." ani Simon.

"Oh tapos?" walang ganang tanong ko.

"Fourth year din mga 'teh"

"Oh? Diba bawal ng magtransfer o lumipat kapag fourth year kana?" ani Aicha.

"Oo nga, tapos malapit na din ang third grading examination natin."dagdag ko.

"Kaso, pinayagan ni Dean. Dahil 'yun daw ang desisyon ng mga ibang teacher."sabi ni Simon.

"Ah, okay."sabi ni Aicha.

"Yun lang ang sasabihin mo?"tanong ko kay Simon.

"Hindi pa 'teh meron pa!!"

"Ayy meron pa? Grabe naman 'yang radar mo 'teh." natatawang sabi ni Aicha.

"Lalaki daw ang magtratransfer tehh!" mangisay ngisay na sabi ni Simon..

"Eh? happy kana gurl?" tanong ko sakanya.

"Syempre, naman teh madadagdagan nanaman yung pagpapantasyahan ko gabi-gabi.. hehe."malanding sabi Simon. Kaya napa-iling nalang ako..

'Hayyss bakla!'

"Tama ka teh may pagpapantasyahan ka nanaman gabi-gabi.."naka ngising sabi ni Aicha.

"Naman, hehe.."nahihiyang tawa daw ni Simon.

"Kaya lang... hanggang imahinasyon mo lang!"sabi ni Aicha sabay tawa.

"Hahaha!"

"Ohh ahh! Ano ka ngayong bakla ka..
"singit kong sabi at tinawanan siya.

Napa tingin ako kay Simon at pinaliitan niya ako ng tingin sabay irap.

"Tseee! Kayo ha mga dimonyu kayu!Huhu isusumbong ko kayo kay fafa Benedict!" umiiyak kunwaring aniya

"Sige lang teh." ani Aicha.

"Pero tehh, alam niyo matalino daw 'yung lilipat dito.."biglang seryosong saad ni Simon.

"Oh? Baka sa star section siya malamang at kaklase namin."sabi ko.

"Malamang, kaya nga pinayagan ni Dean na makapasok dito kasi may ibubuga."sabat naman ni Aicha.

"Syempre."ani Simon.

"Tama na nga yan. Mag-order na nga kayo, gutom na ako ehh.."sabi ko sabay pacute..

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now