CHAPTER 42

60 9 1
                                    

42

•Zoe's POV•

Sa buong oras na pagkain ko ay pinanood niya lang ako.

"Tapos na ako," agad siyang tumayo at akmang kukuhanin na niya ang pinagkainan ko ay pinigilan ko siya.

"Sandali. Bakit ka nagtratrabaho kay Silvester?" kumunot ang noo niya.

"Kailangan ko ng pera," at kinuha ang nga pinggan at kutsara. Iniwan niya ang baso at kinargahan niya ulit ito ng tubig.

"Kahit masama?"

"Oo."

"Kailangan mo ng pera bakit hindi ka humanap ng trabahong disente at walang ginagawang masama?"

"Mas madali kasing kumita at mas malaki ang makukuha mong pera," aniya.

"Kung gusto mong magkapera. Tulungan mo akong makalabas dito," tinignan niya ako kaya tinaasan ko siya ng pera.

"Bibigyan kita ng pera kahit ilan ang gusto mo basta tulungan mo akong makalabas dito ng buhay."

Bumuntong hininga siya at umiling, "Hindi pwede, papatayin niya ako."

"Kahit kalahating milyon?" napatigil siya. Mariin siyang pumikit. Akala ko papayag siya. Bwisit!

"Hindi," at tinalikuran niya ako at tuluyan niyang sinara ang pintuan.

At dahil sa inis ay nahampas ko ang mesa at tumilapon ang basong at nabasag ito. Bwisit.

Tinitigan ko ang mga basag na baso at doon pumasok ang idea kong tumakas. Kumisa ako dahil nakalimutan niyang itali ang kamay ko. Inabot ko ang isang piraso ng basag na baso at inumpisahan kong kalasin ang tali na nakapulupot sakin.

Tagatak ang pawis ko dahil kinakabahan akong baka mahuli ako at katapusan ko na. Binilisan ko ang pagkalas sa tali at tanging sa paa ko nalang ang nakatali.

Sa wakas! Nakalas ko na ang lahat ng tali. Tumayo ako at nangapa sa paligid, may kunting ilaw pero hindi sapat dahil sa tingin ko ay malawak ang kwartong ito kung saan ako nakakulong. Sa tingin ko ay dinala nila ako sa abandonadong bahay.

Nakapa ko ang switch ng ilaw at binuksan ito. Malabo na ang ilaw at pipitik pitik na ang ilaw. Nilibot ko ang paningin sa paligid at puro lumang gamit ang nandito. Tinignan ko ito at mga walang kwentang gamit lang ang mga nandito. Mga damit at papel.

Inumpisahan kong tinahak ang daang papuntang pintuan. Dahan-dahan akong naglakad dahil lumalangit-ngit ang sahig dahil gawa lang ito sa kahoy na may red carpet lang. Pinihit ko ang doorknob at puta. Naka-lock!

Muntik ko nang masipa ang pintuan. Napasabunot ako sa buhok ko at impit na sumigaw.

Zoe isip, isip, isip kong pano ka makakatakas sa lugar na'to. Walang bintana ang kuwartong 'to. Dead end na. Shit.

Naupo ako sa sahig at tumingala sa kisame. Wala na ba akong pag-asang makatakas dito? Bumuntong hininga ako at hinayaan kong tumulo ang lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ito na ba ang regalo ko ngayong debut ko? Mamamatay na ba ako sa mismong birthday ko?

Napakagat ako sa aking labi at mariing pumikit. Pinunasan ko ang mga luha ko at napalunok. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan ako ni Marcus, ang kapatid ko. Tumayo ako at buo na ang desisyon kong tatakas ako dito.

Pumunta ako sa mga lumang gamit at naghanap ng manipis na bagay na kakasiya sa doorknob para mabuksan ang lock. May nakita akong hair clip at masasabi kong okay na'to.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now