CHAPTER 43

55 11 1
                                    

43

(Lyss: 3 chapters to go. Ready to say goodbye?)

•Zoe's POV•

May hawak siyang baril.

"Mapipilitan akong gamitin 'to sayo dahil pagod na ako," aniya at kinasa ang baril sabay tutok kay Alfredo.

Humalakhak lang si Alfredo at umiling iling. "Hay, nako hijo. Ang tapang mo naman. Kung ayaw mong ibigay sakin si Zoe... sabay ko nalang kayo papatayin para 'til death do us part," humalakhak na parang demonyo.

"Baliw kana."

Tumatawa lang siya at may biglang tumulong luha sa mata niya.

"Hindi niyo na maibabalik ang buhay ng anak ko. Dahil sayo nagpakamatay siya! Dahil sayo namatay siya! Punong-puno siya ng inggit sayo, Zoe. Bata palang kayo hinahangaan ka niya at kinaiinggitan. Kaya ang dapat sayo ay mamatay din!" kinasa niya ang baril at mabilis niyang tinutok sakin.

Umalingaw-ngaw ang putok ng baril at akala ko ako ang nabaril. Naunahan siya ni Yves. Deretsong tumama ang bala ng baril sa kaliwang dibdib ni Alfredo at unti-unti siyang bumagsak sa sahig.

Bumuhos lahat ng luha ko at agad niyakap si Yves kahit na masakit ang balikat ko.

"Umalis na tayo dito at dadalhin na kita sa hospital. Ang daming dugong nawala sayo."

Pinunit niya ang damit niya at iyon ang ginamit niyang pangbenda sa balikat ko para kahit papano ay matigil ang pagdurugo nito. Inalalayan niya akong maglakad dahil nanghihina na ako. Nanlalambot ang tuhod ko at muntik na akong mapaluhod.

"Zoe, let's go. Kaya mo 'yan," naka labas na kami sa malaking bahay at ang dilim na ng paligid. Gabi na.

"A-anong oras na?" nanghihina kong tanong.

"11:50 lapit ng maghating gabi."

"Inaantok na ako."

"Wag muna, Zoe. Dadalhin muna kita sa hospital. Kunting minuto nalang birthday mo na," aniya at ngumiti.

Mapait akong napangiti. "Y-yeah," niyakap niya ako.

"Okay na ang lahat. Tapos na ang lahat kaya dadalhin na kita sa hospital at magpagaling ka dahil... hindi ko maipapango na mababantayan padin kita."

Tumango ako at pumikit. Pagbukas ng mga mata ko ay kasabay no'n ang malakas na putok ng baril. Tinignan ko siya Yves at mapait lang siyang ngumiti.

Tumingin ako sa likod ni Yves at nandoon si Alfredo na nakatayo at nakangiti. Hinang-hina siyang humahakbang at kalaunan ay natumba rin siya at binawian na ng bahay.

Nagulat nalang ako ng napaluhod si Yves.

"Y-yves..."

May tama siya ng baril sa likuran niya at hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig ang kamay ko. Pinahiga ko siya sa hita ko.

"Y-yves, huwag kang bibitaw. Gago ikaw pa nagsabing ipupunta mo ako sa hospital. Tara na," natatawa kong sabi at tuluy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko.

"H-huwag mo na akong isama i-ikaw nalang," aniya ng nanghihina.

"Gago, hindi kita hahayaan dito. Tara na kasi. Okay lang sana kung kaya kitang buhatin."

"T-tumawag ka ng a-ambulansiya. N-nasa bulsa 'yung p-phone ko," at agad kong kinuha ang phone niya sa bulsa niya. Agad akong tumawag ng tulong.

"Nandiyan na sila. Kunting tiis nalang, Yves."

Umiling siya at ngumiti. "H-happy b-birthday... Ay l-love y-you," nagulat ako nang sumuka siya ng dugo.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now