CHAPTER 18

75 9 0
                                    

18

Zoe's Pov

"Si... Vivian, Dean..," parang wala sa sariling sabi ni Angelic. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

"What?! Me? Ako ang nag-utos sa inyo?" namumutlang sigaw ni Vivian.

"Bakit naman iu-utos sayo ni Vivian 'yan?" singit ni Megan.

"Dahil, galit siya kila Aicha at Zoe," saad naman ni Sharlyn na parang wala sa sarili. Nilingon ko si Yves at kita ko kong pano niya mariing tinititigan sila Angelic at Sharlyn.

Eh?

"Okay, base sa sinabi ni Ms. Secretary ay pinagdugtong dugtong ko. Matagal kana palang gumagawa ng katarantaduhan dito Ms. Silvester. Kababae mong tao," iiling iling na saad ni Dean. "And kaya pala hindi ka nakakarating sakin ay dahil may mga backer ka."

"Ms. Silvester, mukhang ikaw din ang nagpapahamak sa sarili mo," Napatango ako sa sinabi ni Dean. Tama siya, siya rin naman ang gumagawa ng gulo kaya babalik din naman sakan'ya.

'Yes, karma!'

"And my decision is... You and Ms. Mortis will leave in this school. Except your twin Ms. Mortis," Saad ni Dean.

"But..," apila ni Megan.

"No, buts Mortis. Pack your things and get out in this school. I will talk to your guardians later," Pagkatapos no'n ay lumabas na si Dean. Naiwan namang tulala si Megan samantalang matalim naman ang tingin sakin ni Vivian.

"Wait, for my vengeance," naglakad na siya palabas ng Dean's Office.

'Vengeance, huh? Tss.' alam ko kong gano makapangyarihan si Vivian kaya hindi na'ko magtataka kong may mangyayaring masama sakin.

"Aicha, let's go," rinig kong aya ni Benedict. Hindi ko mailarawan ang saya sa aking pakiramdam. Sa wakas! Peacefully na ang buong school! Wala na ang bruhahaha! Hintayin ko nalang daw 'yong vengeance niya. Psh.

"Tara," tumayo na ako at nilagpasan sila Angelic at Sharlyn na tulala. Bala kayo diyan. Naabutan ko naman ang ibang kaklase ko sa labas at biglang nagliwanag ang mata nila ng nakita nila ako.

"Okay, na ba?" nakangiting tanong ni Dairen habang pinipunasan ang luha niya.

Nginitian ko siya. "Yes. Napaalis na ang bruhaha."

"Hay... Buti nalang. Payapa narin ang buong school."

"Pero mag-ingat ka, Zoe," saad niya bago umalis. Huh? Ang weird naman niya.

"Oh, nandito ka pa pala," biglang sulpot ni Yves.

"Yeah. Nag-usap pa kasi kami ni Dairen."

"Una na tayo. Susunod nalang daw sila Benedict," sabi niya at tinalikuran ulit ako. Wow. Hindi man lang maghintay. Tsh.

Ngayon ko lang napansin na ang tangkad niya pala. Hindi siya payat at hindi din siya mataba, katamtaman lang.

"Ano kumusta si Aicha?" bungad na sakin ni Harry.

"Okay na. Na-expell na sila Vivian at Megan."

"Buti naman," naglaho ang ngiti niya nang tumingin siya sa likod ko. Ganon nalang ang pag ngisi ko ng makita kong nagtatawanan sila Benedict at Aicha.

"Maghanap ka nalang ng iba," bulong ko kay Harry bago ko siya tinalikuran. Umupo na ako sa aking upuan at hinintay si Aicha. Good mood na siya at pwede na siyang inisin. Haha.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon