CHAPTER 29

56 7 2
                                    

29

Zoe's POV

Kumain at kwentuhan ang ginawa namin habang hinihintay na mag-open and dance floor.

"Simon, kausapin mo naman si Dairen," ani ko at nginuso si Dairen na mukhang out of place.

"So, Dairen how are you?" seryosong tanong niya at lalaking lalaki. Gosh! Namula ang pisngi ni Dairen.

"I'm good. How about you?" at nilingon niya si Simon at nagkatinginan ang dalawa! Agiikk!

"Fine."

"Okay." at tipid na ngumiti si Dairen.

"Ngitian mo din," rinig kong bulong ni Benedict. "Wag 'yung pilit," dagdag ko at nginitian niya si Dairen ng walang halong ka-plastikan at ayun namula ang pisngi at kinikilig yata ang babae. Psh. Ang cute!

"Umaariba ang bakla!"

"Let's celebrate for the new, Simon!"

"Sunggaban na 'yan!"

"Girls! Lalaki na po si Simon!" ani namin kaya napatingin ang mga babae at halata ang gulat sa mga mata nila.

"Really?!"

"Whaaa!"

"Gosh!" at nagtilian ang mga girls.

"Isayaw mo ako Baby Simon!"

"No, ako ang una!" ani ng isa.

"Last dance kita, ha?"

"Wala akong isasayaw sa inyo dahil isasayaw ako ni Dairen buong gabi. Right, Dairen?" Binaling niya si Dairen at halatang gulat pa.

"A-ahh, y-yeah," nginitian niya si Dairen at ibinaling na niya sa pagkain ang atensyon niya.

"Naks!"

"Halikan mo Dairen para dumeretso na!" suggest ni Benedict.

"Haha. Gagi talaga!"

"Students of CSU the dance floor is now officially open! So grab your partners now!" announced ng mc at nagsitayuan na ang iba samantalang kami ay naka upo parin. Nag-play ang perfect na kanta pero in a violin siya.

"May I?" tanong ni Simon at inilahad niya ang kaniyang kamay kay Dairen.

"Sure!" tinanggap niya ang kamay ni Simon at napakagat labi pa. Asus! Grabe na 'to!!!

"Ito yata ang pagbibinata ni Simon 'no?" Wala sa sariling tanong ni Aicha.

"Oo nga e! Masyadong late!" ani ko.

Tumayo na si Benedict at inaya na niya si Aicha at agad ding tinanggap. Yeah, kaming dalawa na naman ang naiwan. Nakita ko sa side view kong nilingon ako ni Yves kaya nilingon ko rin siya.

"Let's dance." tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay.

"Sure!" inabot ko na rin at naglakad na kami patungong dance floor at nagulat ako dahil nag give way ang mga sumasayaw at hanggang sa napunta kami sa gitna.

"Ang cute!" naging medyo madilim na at may kumikislap sa taas na parang bituin.

"Yeah, amazing." aniya kaya binaling ko sakanya paningin ko at deretso siyang nakatingin sakin. Gosh! Medyo awkward. Medyo tahimik muna hanggang sa naka hanap ako ng topic.

"Sino kaya ang magiging face of the night?" tanong ko.

"Maybe, you." Deretsong sagot niya kaya kinunotan ko siya ng noo.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now