CHAPTER 21

75 11 0
                                    

21


Zoe's POV

Lunch time na kaya lumabas na kami.

"Whoo! Isang batch nalang at tapos na tayo mamaya!" ani ni Benedict. Dito na kami ngayon sa canteen. Hindi talaga ako binigo ng canteen na'to. Para kasi siyang restaurant dahil glass wall siya, canteen pa ba ang tawag dito? Ang ganda ng view dahil puro puno sa right sides samantalang sa left sides naman ay mga buildings. Ang canteen ay para siyang nasa center.

"Mall tayo after ng exam!" Suggestion ni Simon.

"Yeah, good idea!"

"Oo nga para ma-rellax tayo after ng exam."

"G. Sama ako."

"Nood tayo cine may bagong movie daw."

"Yippee. Maleficent!" Parang batang ani ni Aicha.

"Libre daw ni Benedict!" dagdag ni Aicha.

"Huh? Hindi ah!" Pinanlakihan siya ng mata ni Aicha. "Ikaw, lang ang libre ko." sabi ni Simon kaya tumango nalang si Aicha.

"Edi kayo na!" sigaw ni Simon.

"Bitter. Haha."

"Ako nalang yata ang walang love life dito e."

"Ako pa kaya." sabi ko.

"Hoy, Zoe! Wag ka ngang magmaang maangan diyan!"

"Huh? Bakit?"

"Alam kong may tinatago kayo ni Yves!" Muntik ko ng naibuga sakanya ang tubig na nasa bunganga ko.

"Ha?! Ano naman yun?"

"Tss. Maang maangan pa." bulong niya.

"Kung ayaw sayo ng lalaki maghanap ka kasi ng babae. Diba, pareng Yves?" tanong ni Benedict.

"Yeah, right." Pagsangayon niya.

"Ako naghahanap ng girl? No way!" sabi ni Simon.

"Baka halik ni Dairen ang makapagbabalik." saad ni Simon.

"Tama!" Na sinang ayunan namin. Matagal ng may gusto si Dairen kay Simon at dahil bakla nga siya wala siyang pakialam.

"Yucky!"

"Ulol! Kapag talaga naging lalaki ka puputulin ko ang ano mo..." biglang sabi ko.

"Anong ano?" curious nilang tanong.

"Puputulin ko ang braso mo!"

"Braso lang?"

"Oo. Ano pa ba?" inosente kong tanong.

"Akala ko 'yung ano niya..." sabi naman ni Aicha.

"Yung ano?" sabay ulit naming tanong. Muntik na akong matawa.

"Yung ano. 'Yung paa niya!" sabi niya.

"Hahaha."

"Akala ko kong 'yung ulo." Saad ni Benedict.

"Anong ulo?"

"Yung ulo niya. Pfft. Kayo ha! Kung ano ano ang iniisip niyo."

"Naimpluwensyahan yata kay Maam Sanchez!" sabi ni Simon.

"Ano 'yun? Naimpluwensyahan ang alin?" Narinig namin ang boses ni Maam Sanchez sa likod. Lagot na.

"Naimpluwensyahan sa history, Maam!" Buti nalang at magaling magpalusot ang bakla.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now