CHAPTER 05

164 16 0
                                    

05

•Zoe's POV•

Pagkarating ko palang sa classroom ay bumungad kaagad ang mukha ni Aicha na malaki ang ngiti. Hindi ko alam kung bakit laging siyang nakangiti, parang wala siyang pino-problema sa buhay. Happy go lucky lang ang peg niya.

"Good morning, Zoe!" masayang bati niya.

"Morning."

"Ngayon daw papasok yung transferee. " Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ohh, tapos?" Kunot-noo kong tanong.

"Hehe. Wala lang... ito naman sinasabi ko lang naman ehh, uminit kagad yang ulo mo."

"Eh, wala nga akong pakialam. Pwede ba, Aicha tumahimik ka muna?"

"Okay, sorry. Bakit nga pala bad mood ka?"

"Wala to. Kulang lang ako sa tulog. " pagsisinungaling ko. Dahil hanggang ngayon naiinis parin ako kay daddy.

"Ahh, okay." Yun lang ang sinabi niya kaya tinalikuran ko na siya at dumeretso na ako sa upuan ko. Naramdaman kong hindi sumunod si Aicha kaya alam kong lumabas siya. Ganyan siya e, kapag alam niyang bad mood ako at ayaw ko ng may kumakausap sakin ay lumabas siya.

Pagkaupo ko ay agad kong nilabas ang libro ko at nagbasa para hindi na ako guluhin ni Aicha.


AICHA'S POV

Naka-pout ako habang naglalakad palabas ng classroom namin. Lumabas muna ako dahil ayaw akong kausapin ni Zoe dahil bad mood siya.. tapos nabo-bored ako dun dahil wala akong makausap kaya napag-desisyonan kung lumabas nalang muna at buti nalang maaga pa para sa first subject namin.

Pababa nako nang naka salubong ko ang isa sa mga kaibigan ni Vivian. Napatigil ako sa pagbaba kaya napansin niya ako.

"Hi! Good morning!" Akala ko kung anong sasabihin niya. Kaya nakahinga ako ng maluwag napalunok muna ako bago bumati pabalik sakanya.

"H-hello. G-goodmorning." Utal kong sabi kaya nagpilit ako ng ngiti. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya at naka akbay sakanya si... Benedict. Sinalubong niya ako ng nakakalukong ngisi. Nakalimutan kong mga senior high pala ang mga nasa fourth floor.

"Goodmorning." Malanding bati ni Benedict kaya inirapan ko siya ng palihim.

"Sige, una na'ko may pupuntahan pa kasi ako ehh." Paalam ko sakanila bago pa humaba ang usapan.

"Tara! Babe hatid na kita." Narinig kong sabi ni Benedict bago ako umalis.

Ohh, so meron silang thingy? I know Benedict well, he's a playboy and also known as a heartbreaker. Maybe they playing each other. Haha... I don't care!

Dumeretso na ako sa canteen para bumili ng makakain dahil hindi pa ako nag-breakfast.

Pagkarating ko sa classroom ay nakita kong tulala si Zoe. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Zoe, are okay?"

"Yeah. Why?"

"Uhmm, tulaley ka kasi kanina ehh. Parang ang lalim ng iniisip mo."

"Pwede na bang sisirin sa lalim?" Pabalang na sabi ni Zoe. Kaya inirapan ko siya.

"Seryoso Zoe, kung may problema ka nandito lang ako. Okay?"

"Tch. Ang oa mo, may iniisip lang naman ako e." Sabi niya at tipid na ngumiti.

"Okay! Sabi mo eh." Sabi ko at nagkwentohan kami hanggang sa dumating na ang first subject adviser namin. Wala nga si Ma'am Agatha ngayon ehh. Hindi niya schedule.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now