CHAPTER 17

72 11 0
                                    

17

Zoe's POV

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay 'yon parin ang tumatakbo sa aking isipan. Ang ganda niya pala sa personal. Nagkabalikan na kaya sila? Psh.

"Maria Zoe! Ang tagal mo naman. Saan ka ba pumunta?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mommy.

"Mommy, naman! Nakakagulat ka naman e. Nag ikot-ikot lang naman po ako sa village."

"Tara na. Nakahanda na ang pagkain."

"Ayon! Sakto gutom na ako," sumunod na ako kay Mommy papunta sa dinning are. Namataan ko naman sa kitchen si Daddy na nagtitimpla ng kape.

"Niluto ko ang favorite mo!" sabi ni Mommy.

"Wow, caldereta! I'm coming!" agad akong umupo sa upuan.

"Wait. May sasabihin kami ng Daddy mo," nagtaka ako sa sinabi ni Mommy.

"Ano po 'yon?"

"Wala ka bang balak sa Debut mo?"
Ahh, oo nga pala. Next month na ang debut ko. Wala akong planong maghanda ng magarbong debut. Gusto ko 'yong simple lang.

"Mommy, I want a simple debut. Ayoko ng masyadong magarbo dahil marami tayong magagastos."

"Ano ka ba, Maria Zoe. Ikaw lang ang nagiisang anak naming babae at ang debut ay isang beses lang ito nangyayari. Once in a lifetime."

"And don't mind the expenses."

"Basta, ayaw ko po ng magarbong debut."

"Okie. Let's eat."

Nagsimula na kaming kumain at medyo nalibang din ako para makalimutan ko ang iniisip ko kanina. Pilit na sumasagi sa isipan ko ang nakita ko kanina, ngunit agad ko itong iniiwas at nagiisip ng iba.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Charity kanina.

"Charity?" bigkas ko sakanyang pangalan at laking gulat ko ng lumingon siya sa gawi.

"Why? Bakit mo tinawag ang pangalan ko?"

"Uhh, eh.."

"By the way, may nakatira pa ba dito?" biglang tanong niya.
'Hindi niya ba nakita si Yves sa loob?'

"Uhm, may nakita ka ba sa loob?" tanong ko.

"Wala."

"Edi wala."

"Haha. Your so funny," na ngunot ang noo ko dahil tumawa siya. 'Huh?'

"Bakit bukas ang gate?" seryoso niyang tanong.

"Hindi ko alam. Napadaan lang naman ako e."

"Okay. Sorry. Pero wala talagang nakatira dito?"

'Meron, si Yves,' ngunit ayaw kong sabihin.

"Ahh, baka siguro 'yong cousin niya," mahina niyang bulong pero rinig ko.

"Cousin?"

"Yeah, nakatira daw kasi dito 'yong cousin ng ex ko."

"Cousin? Ex?" Hindi niya na nasagot ang tanong ko dahil may tumawag sakanya.

"Sorry. I have to go." paalam niya, tanging tango lang ang isinagot ko.

Wait, sinong cousin? Ang alam ko e si Yves lang ang nakatira doon? Ang gulo! Putik.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now