CHAPTER 11

96 12 0
                                    

11

Zoe's POV

Paggising ko kinabukasan ay ang bigat ng katawan ko. Mukhang magkakasakit yata ako nito a. Tapos tuwing napapanaginipan ko yun ay bad mood ako boung araw.

Habang naliligo ako ay biglang kumalam ang tiyan ko. Ay, oo nga pala hindi ako kumain kagabi puro brownies lang ang kinain ko. Dali dali na akong nag-ayos ng gamit at tsaka bumaba.

So ayun naparami ang kinain ko ngayon. Huhu hindi na ako makatayo! Pero syempre joke lang yun. Sabi nila kapag daw nalipasan ka ng gutom wag ka raw kakain ng madami dahil mabibigla daw ang tiyan mo. Kaya ayun kunti lang ang kinain ko at sa school nalang ako babawi.

Pagkarating ko sa school ay agad sumalubong sakin ang dalawang naglalandian. Grabe ang kapit sa braso akala mo mawawala.

"Tabi!" sigaw ko sakanilang dalawa.

"Who you?" tanong ng reyna ng mga mahaharot na si VIVIAN.

"Your enemy," at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah, yes. Ikaw pala yung kahapon."

"Oo."

"Hintayin mo nalang ang surpresa ko sayo." at kinindatan niya muna ako bago umalis. "Let's go, Yves." tinignan muna ako ni Yves ng nagtatakang tingin.

Hindi ko alam kung bakit nagiinit ang ulo ko tuwing nakikita ko silang naglalandian. Kagaya kahapon. Nagpakilalahan sa isa't isa tapos sabay pang umuwi. Hays!

"Hoy! Zoe, mukhang nakakita ka ng kaaway ah. Nag aapoy sa galit yang mata mo e." biglang sabi ni Aicha. Hindi ko naramdaman ang pagdating niya.

"Ahh, hindi ah. Kanina kapa ba?"

"Actually, kasunod mo akong pumasok e. Pero nakita ko sila Vivian at Yves kaya nagtago ako. At gusto ko ring makita ang reaksyon mo. Haha laptrip! Selos ka yata a!"

"Nandiyan ka pala kanina pa, hindi ka man lang nagpakita sakin. Hinintay mo pang makaalis sila. Tss. Ako selos? Nope, inis lang."

"Ganon na rin yun teh. Kaya hindi ako nagpakita dahil gusto kong makita ang reaksyon mo at pambawi narin kahapon. Iniwan mo ako e." sabi niya at sinimangutan ako. Oo nga pala iniwan ko siya kahapon dahil kasama niya si Benedict.

"Haha syempre! Magmumukha akong third wheel e." sabi ko inirapan siya.

"Tara na, baka kong saan pa mapunta ang usapan." sabi niya.

"Bakit, saan ba mapupunta ang usapan." at nginisian ko siya.

"S-sa kung ano-ano."

"Ahh, okay." Hindi parin natanggal ang ngisi saking labi.

"Tigilan mo nga yang mga tingin na yan!"

"Bakit?" inosente kong tanong.

"Mukhang tinutukso mo ako e."

"Natutukso ka no?"

"Hindi!"

"Hoy! Pasok na kayo!" biglang singit ni Benedict.

"Ikaw pala. Speaking! Aicha, pinaguusapan lang natin kanina siya, tapos dumating na. Haha."

"Ikaw, Aicha ha! Hinihintay mo yata ako e."

"Luh, hindi ah. Sige, mauna na kami." sabi niya sabay hatak sakin palayo. Napahalakhak naman ako.

"Haha!" bigla niya akong kinurot.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now