CHAPTER 08

128 16 1
  • इन्हें समर्पित: chreiestein
                                    

08

Zoe's Pov

Pagkarating namin sa classroom ay nagsimula na ang klase.

"Late!" yun lang ang sabi ni Ma'am Rivera. Buti nalang at si Maam Agatha ang adviser namin ngayon.

"Sorry, maam." yun lang ang sabi namin at umupo na sa pwesto namin.

Pumunta na ako sa pwesto ko nang masulyapan ko si Yves. Seryoso siyang nakatingin sakin kaya pinagkunotan ko siya ng noo. Naalala kong may tanong nga pala ako sakanya.

"Uyy. Yung libro ko sa science?"mahinang ko tanong nang naiibaba ko na yung bag ko.

"Nandito." tipid niyang sabi.

"Akin na."

"Sa friday ko nalang ibibigay dun ko palang kasi makukuha yung libro e."

"Okay." yun lang ang sabi ko at umupo na. Sabagay wednesday palang naman ngayon. Ang problema namin ay wala kaming book ni Aicha! Shit! So no choice, manghihiram kami kila simon.

Halos sa boung oras ng klase ni Maam Agatha ay lumilipad ang isip ko at inaalala ko ang nangyari kanina na hindi ko maintindihan. Hindi ako makapagfocus sa klase.

"Class dismiss. You may take your 20 minutes break." anunsyo ng sumunod na adviser namin.

"Zoe. Lalabas kaba?" tanong ni Aicha.

"Nope. Tinatamad ako tapos baka mamaya hindi na bola ang tumama sakin."

"Haha. Okay. Pero may ipapabili ka?"

"Oo. Bibili kaba?"

"Hindi. Ipapabili ko kay Gelic. Hehe." sabi niya at humagikhik.

"Tch. Gagi." sabi ko at umirap. "Basta yung dati kong kinakain na snacks." dugtong ko.

"Okay." sabi niya at lumapit kila Angelic.

Mga ilang minuto ay lumapit na sakin si Aicha at umupo sa tabi ko.

"Ano? Meron daw yung libro?"

"Sa friday niya nalang daw isusuli."

"Ahh, okay. Meron naman kila Simon." sabi niya kaya tumango ako.

Dumating na yung pinabili namin kaya nilantakan namin agad. Pagkatapos ng breknow ńbv ak namin ay P.E na namin kaya pumunta kami sa covered court.

"Goodmorning, class! Today we are going to do the romatic dance. By partner, girls and boys."
Pagsabi ng ganon ay nagsihanap na ng partner ang mga kaklase ko.

Si Aicha ay partner ni Harry. Ako nalang ang wala kaya naghanap ako. Palinga linga ako, ngunit wala akong makita halos lahat sila ay may partner na. Kaya humarap ako sa likod ko. Pagharap ko ay nakita ko si Yves sa likod ko. Naka tagilid ang ulo niya, para bang pinag aaralan niya ang boung mukha ko. Wala siyang partner, naghahanap siguro siya.

Ngunit bigla nalang siya nagsalita. "Yeah. No choice, tayo ang magpartner. Tara?" sabi niya sabay lahad ng kamay. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Okay." sabi ko at nauna nang maglakad. Hindi ko pinansin ang ginawa niya.

"Guys. So nakapili na kayo ng partner niya ay magsisimula na tayo. Pagkatapos nito ay mag-performe kayo. By partner at ang background music ay Love me like you do. Diba, ang romatic! Haha!" sabi maam at humalakhak.

'Tss. Ang corny.' sabi ko sa isip ko at umirap.

"Okay, lets begin. Face your partners!" sabi niya at ginawa ko. Humarap ako kay Yves.

Light in the Dark Night (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें