CHAPTER 22

70 11 2
                                    

22

Zoe's POV

Pagkatapos namin sa sinehan ay dumeretso kami sa photo booth!

"Ihhh!" tili ko. Iwan ko ba kung bakit gustong gusto ko ang mga photo booths.

"Eh, parang bata." sabi ni Aicha, nginusuan ko nalang siya at bahagyang inirapan.

"Tara!"

Hinatak ko sila papunta doon.

"Wag kayong mag-alala libre ko dito!"

"Ayun naman pala e."

So ayun naiwan ako mag-isa dahil nagsiunahan na sila sa photo booth.

"Mga buraot!" sigaw ko at nagtawanan lang sila.

"Lahat tayong lima at gawa tayo ng limang iba't ibang pose." saad ni Simon.

"Okay!"

Pumwesto na kami. Syempre ang bakla ang nasa gitna kaming dalawang babae ay nasa harap at 'yung dalawa ay nasa likod.

Nagpose kami ng iba't iba.

"Oh! Dalawa dalawa naman." saad ni Benedict dahil tapos na.

Syempre bakla ang nauna. Apat na iba't ibang pose ang gagawin. Ang unang kasama niya ay si Yves, tapos sunod naman ni Benedict tapos ako at si Aicha ang huli.

Ganun ang ginawa namin hanggang sila Benedict at Aicha na ang sumunod.

Ang unang pose ay naka ngiti si Benedict samantalang masama naman ang tingin ni Aicha kay Benedict. Sa second naman ay naka duling ang mata nila. Sa third ay nakahawak sa magkabilang pisngi ni Aicha si Benedict at pilit na pinapangiti. Sa last ay nagkatinginan ang dalawa.

"Aaaack! Ang cute!" I giggled.

"Zoe, your turn." nag ngising aso naman si Simon.

"Syempre, hindi papatalo ang ZoVes!!!" dagdag ni Aicha.

"Ahem! Ahem!"

"Tsh." singhalan ko sila.

Ang awkward tuloy! Enebe yen! Aish!!!

Sa unang pose ay simple lang ngiti ko hindi ko pinapansin ang katabi ko basta nagpo-pose nalang ako.

"Gosh! Ka-inlove!"

"Isa pa!"

"Wala  na akong pera!"

"ZoVes lang malakas!"

"Tsk."

"Next, game naman!" sabi ni Simon.

"Sa arcade?" tanong ni Benedict.

"Nope. Gusto ko truth or dare." Nag ngising aso ulit si Simon.

Napa maang nalang kami sa sinabi niya. Pero, game naman kami ang alam ko kasi ay sa arcade. Psh.

"Upo tayo doon." turo niya sa isang restaurant na may mga lamesa at upuan sa labas.

"Baka paalisin tayo diyan?" tanong ni Aicha.

"Hindi 'yan." Umupo na kami doon sa tinuro niya.

Inilabas niya ang isang bottle. Talagang handa!

"Ako ang magiikot, sunod si Benedict, Aicha, Yves at Zoe. Hangga ng dalawang rounds lang."

"Okay!"

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now