CHAPTER 41

58 8 1
                                    

41

Yves's POV

Nagising ako nang tumigil ang bus. What's going on? Sumilip ako sa mata ko at nagsibabaan ang mga iba. Sumilip ako sa bintana at tumigil pala kami sa isang bus stop. Nilingon ko ang pwesto nila Zoe at nagulat ako nang wala siya doon. Agad akong tumayo.

"Si Zoe ba?" tanong ng President namin, tumango ako.

"Don't worry, nag-cr lang siya kaya 'wag kang mag-alala. Babalik siya," aniya kaya naka hinga ako ng maluwag. Bumalik na ako sa pwesto ko at sinandal ang ulo. Naghintay ako ng mga ilang minuto pero wala parin siya kaya kinabahan na ako. Bumalik narin ang mga ibang classmate namin.

Tumayo ako at lumabas. Hinanap ko ang girls comfort room at nakita ko ito sa may bungad. Agad akong tumakbo papunta doon at binuksan ang pintuan, bumungad sakin ang madilim na cr. Hinanap ko ang switch pero hindi pwedeng umilaw.

"Fuck!"

Sinipa ko ang pintuan at kinapa ko ang bulsa ko at nandoon ang flashlight. Inisa-isa ko ang mga cubicles kaso wala si Zoe doon.

"Where are you, Zoe?" lalabas na sana ako nang may natapakan akong ano. Tinutok ko ang flashlight at nakita ko ang isang panyo at ang kwintas...

'Yung kwintas na binigay ko sakanya; pinulot ko at binulsa. Tinitigan ko ang puting panyo. Kay Zoe ba 'to? Hindi naman siya mahilig sa mga panyo. Inamoy ko ito at agad ko ding nilayo. Isang pampatulog ang nilagay nila sa panyong ito. Nakuyom ko ang kamao ko at agad lumabas.

Nagsimula na ang kinakatakutan mo Zoe..

Naka salubong ko si Dairen na umiiyak.

"S-si Zoe..."

"Nasan siya?!"

"M-may kum-midnapp s-sakaniya.. At t-tinutukan ako ng b-baril," aniya at umiyak.

Hindi ako umimik.

"Saan niya siya dinala?"

"Doon," tinuro niya ang madilim na daan.

"Salamat. Bumalik kana sa bus."

Tinalikuran ko na siya at tinahak ang madilim na lugar. Buti nalang at tumila na ang ulan at tanging ambon nalang.

Papunta na ako, Zoe. Huwag kang mag-alala. Matatapos na ang lahat.

Zoe's POV

Nagising ako sa ingay ng mga kalabog at puno ng tawanan ang paligid. Ang sakit ng ulo ko. Gumalaw ako kaso ang sikip, para akong sinasakal sa sikip. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at sumalubong sakin ang madilim na lugar.

Nasan ako?

Wala akong maalala na napunta ako dito sa lugar na'to. Akmang tatayo ako nang naramdam ko ang mahigpit na tali na nakapulupot sakin. Napapikit ako sa inis. Sinubukan kong igalaw ang kamay at paa ko pero mahigpit talaga.

Bwisit. Sino naman ang walang hiyang nagtali sa'kin sa gan'tong lugar?

Nilibot ko ang paligid at ni katiting na ilaw ay wala akong maaninag.

Sisigaw na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at nagkaroon ng nakakasilaw na ilaw kaya agad akong napapikit.

"Boss, gising na"

"Kumusta, Zoe?" tanong ng isang lalaki pero diko makita ang mukha niya. Sumara ang pintuan at nagkaroon ng kunting ilaw, sapat na makita ang mukha ng isa't isa. Wala silang takip sa mukha at pamilyar ang mukha ng taong nasa harap ko ngayon na tinawag nilang Boss.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora