CHAPTER 02

296 30 1
                                    

02

•Zoe's POV•

Last class na namin to at uwian na pagkatapos ng last subject namin. Maya-maya lang ay nagtanong si Aicha sa akin.

"Zoe, pwede mo ba akong samahang bumili diyan sa malapit na mall?" tanong niya.

"Hm, okay!" sabi ko sabay tango.

"Wala ka bang gagawin mamaya?"

"Wala naman. Boring sa bahay ehh kaya sasama nalang ako sayo," sabay ngisi ko sakanya.

"Sige gala tayo mamaya pagkatapos kong bumili, tapos isama natin si Simon para masaya, hahaha.."

"Game!"

Nang natapos na ang huling klase namin ay lumabas na agad kami sa classroom at hinintay si Simon sa gate ng school. Makalipas ang ilang minuto ay nakita na namin si Simon.

"Simon, dito!" sigaw ni Aicha sabay kaway sakanya.

"Tara, sama ka may bibilhin daw si Aicha sa mall," yaya ko at ngumisi ako sakan'ya.

"Okay, tara na!" sigaw ni Simon.

Naglakad lang kami patungo sa mall dahil hindi naman siya masyadong malayo. Habang naglalakad kami ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami kaya hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa mall.

"Hahaha grabe."tatawa tawa pang sabi ni Aicha dahil hindi siya maka get over sa kwento ni Simon na puro kalokohan lang naman. Kaya napahinto muna kami sa tapat ng mall.

"Zoe, halika nga dito" tawag sakin ni Simon napa kunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Lapit ka dito bilis"sabi niya at lumapit naman ako sakanya.

"Ano ba 'yun?"takang tanong ko sakanya.

"Tignan mo 'yun oh sa may entrance.."sabay nguso sa may entrance ng mall at may nakatayo na lalaki at nakatingin saamin.

"Ohh, tapos?"tanong ko sakanya.

"Nakatingin sayo bakla!"bulong ni Simon.

"Oh eh ano naman ngayon? Baka may tinitignan lang.."sabi ko sabay tingin sa lalaking nakatayo sa entrance ng mall. Nanlaki ang mata ko ng nagtama ang mga mata namin, kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Ang gwapo niya bakla!"kini kilig na sabi ni Simon. Kaya inirapan ko siya, buti nalang at nagsalita si Aicha.

"Ehem, baka nakakalimutan niyong may tao rito, hello?!"sakristong sabi ni Aicha.

"Haha. Sorry sis.."sabi ng baklang Simon.

"Tss."singhal ni Aicha kay Simon.

"Tara na nga!"aya ko sakanila. Nang nakarating kami sa entrance ay wala na ung lalaking nakatayo kanina.

"Deretso tayo sa grocery store."sabi ni Aicha.

"Sige tara!"sabi ni Simon. At naglakad na kami papunta sa Grocery store.

"Ano bang bibilhin mo Aicha?"tanong ko sakanya.

"Alam mo na, mga girls thing. Hehe."

"Ahh okay!"at pumunta na kami sa loob ng grocery store at namili. Bumili narin ako ng mga junkfood para may kakainin kami mamaya..

Pagkatapos naming bumili ay naglalakad lakad muna kami sa loob ng mall at nagtingin tingin ng kong anu anu. Nagpahinga muna kami sa isang bench habang kinakain namin yung binili kong junkfood... nang natapos na kaming kumain ay tumayo na kami at nagpasyahan na naming umuwi.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now