CHAPTER 40

61 8 1
                                    

40

(Lyss: Merry Christmas! And have a safe holidays everyone!)

•Zoe's POV•

Umupo ako sa tabi niya at pinanood ko ang paghinga niya habang mahimbing na natutulog.

Tsk.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang mata niya at deretsong tumama sakin.

"G-gising ka pa pala."

Tumango siya. "It's cold," aniya at bumaluktot.

"Ba't kasi hindi ka naka jacket?"

"Wala na akong jacket," aniya.

"Tsk."

Hinalungkat ko ang bag ko at baka sakaling may extra pa akong jacket. Meron kaso... it's color pink.

Napangiwi ako at nilingon siya. No choice eh..

"Uhh. Meron pa akong extrang jacket dito," nilingon niya ako ng nakataas ang dalawang kilay.

"Kaso... kulay pink," at ipinakita ko sakanya.

Kumunot ang noo niya. "And so?"

Nagtaka ako. "Kulay pink 'tong jacket ko. Gusto mong hiramin?"

"Meron ka pa bang extra? Para sayo? Baka 'yan nalang."

"Meron pa. Isa, kulay pink din."

"Okay," at hinablot niya sakin ang jacket tsaka mabilis na sinuot.

Natulala ako.

Humiga siya at humlukipkip. "Hindi ka ba naiilang na naka suot ka ng kulay pink na jacket?"

"Nope. Why would I?"

"Aaahh."

"Bakit? Hindi na ba pwedeng magsuot ng mga kulay pink ang mga lalaki? Porque, pink pambabae agad at sinasabihang gay?"

"Wala naman akong sinasabi, ah?"

"Tss."

"Ang sakin lang naman. Wala kang ka artehan. Haha," bahagya akong natawa.

Umiling siya at "Come here," senenyasan niya akong lumapit.

Lumapit ako. "Bakit?"

"Malamig parin. I need body heat," aniya ng walang reaksyon.

"Tch," humiga ako at niyakap ko siya.

"Matulog kana," ani ko at tumango siya. Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at mahigpit na niyakap.

"Para kang bata," Wala akong narinig na sagot niya.

Tinitigan ko siya at nagulat ako ng may luhang umagos sa naka pikit niyang mata.

"Hey. Bakit ka umiiyak?"

Hindi siya sumagot at siniksik niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Natatakot ako..."

"Natatakot akong hindi magtagumpay sa'king misyon."

Kahit naguguluhan ako sa ay hindi muna ako umimik.

"Alam kong dadating ang araw na... matatapos ang lahat ng 'to. Makakalimutan ko ang lahat-lahat."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Umiling siya. "Hindi mo pwedeng malaman."

"Malaman ang ano?," kumunot ang noo ko.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now