CHAPTER 10

110 15 0
                                    

10

•Aicha's POV•

'Neil Benedict Oswin' basa ko sakanyang pangalan. Sa librong ito ay kailangan may pangalan ka. Habang inililipat ko ang page ng libro ay may nakita akong nakasiksik na papel at nakatupi ito. Kinuha ko ito at binasa.

"Hello, Aicha! Sana makita at mabasa mo'to. Alam mo nagtatampo ako sayo. Nakakainis e. Bakit si Harry pa kasi ang partner mo? Pwede kahit iba wag lang si Harry! Hayyyss. Wala na e tapos na, may magagawa pa ba ako?. Sige good luck sayo. Read well."

-Neil

Basa ko sa sulat niya halos hindi ko maintindihan dahil halatang binilisan niya ang pagsusulat nito. Tsk. Iiling iling nalang ako.

Hay buhay! Ano ba ito? Hay Benedict. So ayun halos walang pumasok sa utak ko habang nagbabasa. Laging paulit ulit sakin ang sinabi at sinulat kanina ni Benedict.

Simula nang magkasundo ang magulang namin ni Benedict ay parang gumulo ang buhay ko. Yes, pinagkasundo kami ni Benedict na magpakasal. Last last month ko lang nalaman. Syempre hindi ako pumayag at alam kong hindi din pabor si Benedict sa gusto ng magulang namin. Pero dumaan ang buwan ay parang lumalapit si Benedict sakin.

Siguro narealize niya na kapag nagpakasal kami ay lalakas at yayaman ang kompaniya nila kaya siguro pumayag siya sa choice ng magulang niya. Tsk tsk. Kaya ayaw ko ay alam ko ang ibig sabihin nito at isa pa ayaw ko kay Benedict. Babaero siya, Nagpapaiyak ng babae at higit sa lahat ang yabang niya! Tapos ang kagwapohan niya lang ang maayos sakanya.

Pero kahit gwapo siya at maganda ang ugali niya ay hindi ko parin siya papakasalan. Bakit? Dahil gusto ko kapag nagpakasal ako mahal talaga ako hindi yung dahil sa pera o dahil sa mukha o ano pa man yan. Ang gusto ko ay TRUE LOVE. Ang sabi nila ay LOVE WITHOUT REASON ang pagmamahal ay walang rason.

Nagsilabasan na ang mga kaklase namin at kami nalang ni Zoe ang natira sa loob ng classroom.

"Tara na." paglabas namin sa classroom ay nagulat ako dahil nakasandal sa pader si Benedict.

"Anong ginagawa mo dito?" agad kong tanong.

"Hindi ba obvious? Nandito ko para sunduin ka."

"Tss. Hindi na kailangan."

"Ahh, Aicha mauna ako! Babye!" at kumaripas na ng tumakbo si Zoe. Wow, talagang iniwan ako ng gaga. Hayyyyss!

"Utos ng Mama mo Aicha."

"Na?"

"Na sunduin daw kita."

"Nako wag na! Ako nalang bahala kay Mama. At isa pa mukhang napipilitan kalang yata e."

"Hindi ah! Tara na kasi." Hindi na ako nakipagtalo pa. Nauna na akong maglakad sakanya.

"Teka! Hintayin mo ako, Aicha!" sigaw ng mokong. Tss. Babagal bagl kasing maglakad, sinadya kong bilisan ang paglakad ko halos lakad takbo nga ginawa ko e.

"Bagal, pero kapag babae ang bilis bilis!"

"Ito naman napakasungunit." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Pagdating namin sa parking lot ay agad niyang pinatunog ang sasakyan niya.

Binuksan ko na ang pintuan at sumakay na ako. Narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng kabilang pintuan. Agad ko siyang tinignan.

"Diba jowa mo si Monica?"

"Hmm. Nope, fling fling lang."

"Wow! Fling fling lang daw. Tss." at inirapan siya.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now