CHAPTER 12

85 10 0
                                    

12

Zoe's POV

Agad kaming nagtungo sa bagong tambayan namin. Nadatnan naming naka higa sa damuhan si Benedict, samantalang si Yves naman ay nagbabasa ng libro at si Simon naman ay abala sa kaniyang cellphone.

"Uyy, meron na!" sigaw ko sabay lapag ko sa lamesa ang hugis puso na kahon.

"Wow. May secret admirer!"

"Kala mo lang yun. Tada!" at binuksan ko ang takip ng kahon.

"Ahh! Yack! Ano ba 'yan Zoe!"

"Hahaha. So patay na daga ang last warning niyo?"

"Yup, it's mean na tayo ang daga. Tayo ang pepeste sakanila. So habang maaga pa papatayin na nila ang peste para hindi masira kong ano man ang balak nila."

"Yeah, natunugan nila tayo. Matalino sila."

"So pano na yan?"

"Another plan?"

"Nope, stick muna tayo sa plan A. Tsaka nalang yung plan B."

"Okay. Fresh pa yung dugo oh."

"Oo nga e. Mukhang kalalagay lang sa locker ko."

"So, yeah. That's for today kita nalang tayo bukas."

"Saturday tomorrow right?"

"Yup. Sa bahay tayo nila Zoe!"

"Wow. Bahay mo Aicha?"

"Sige, sa bahay nalang. Sa garden tayo."

"Okay! Let's go, Aicha!" aya ni Benedict.

"Sabay na naman ako sayo?"

"Malamang, tara na!"

"Babye sa inyo!"

"Bye!

"See you!" at yun naghiwalay-hiwalay na kami. Sila Aicha deretso sa parking lot, si Simon naman ay sa kabilang gate siya dadaan. So, yeah kami ni Yves ang magkasama.

"Saan ka?" tanong niya.

"Sa Villa Grande."

"Ohh. Parehas pala tayo ng village."

"Talaga? Saan banda north, south, east or west?"

"Sa south."

"Malayo yun 'di ba?"

"Yup. Sainyo?"

"Sa tapat lang. Pagpasok mo ng village tapos lagpasan mo lang ang tatlong bahay nandun kana."

"Lapit lang pala."

Lumabas na kami sa gate ng school at nagtungo kami sa waiting shed. Naghintay kami ng masasakyan. Puro bus lang ang dumadaan tapos mukhang puno pa. Sa bus nalang kami sumakay at kung minamalas ka nga naman puno pa!

"Standing po!" saad ng conductor.

"Ano ba yan."

"Tara na, Zoe. Mukhang uulan na oh," ang dilim na ng langit at mukhang uulan nga. Wala na akong choice.

"Sa harapan kita " ani niya.

"Okay," so ayun nasa likod ko siya at naka tayo kami sa gitna ng loob ng bus. Muntik na akong mapapasubsob ng biglang umandar ang bus, buti nalang at nahawakan niya ang bag ko.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now