Prologue [Enough]

5.7K 274 69
                                    

Prologue

Nagkagusto ka na ba sa isang guwapong lalaki? 'Yong sobrang anghel ng mukha niya, tipong sobrang nakakaakit talaga at hindi ito maipapagkaila. Siya 'yong tipo ng lalaking isang tingin lang, mahuhulog ka agad.

Makahulog panty ba! Haha!

I know this person named Peter Lackson. He's very cute, charming, kind, and most of all, mayaman. Noong una, nahihiya akong lapitan siya dahil na nga nakakahiya at hindi hamak na ganito lang ako.

Kung ano-ano na ang nangyayaring senaryo ang nasa loob ng utak ko pero nang malaman ko ang totoo niyang ugali, nandiri na ako sa buo niyang pagkatao.

"Ano ba 'yan, Tristan! Ginamit mo lang ako para yumaman ka! Para sumikat ka! You're just a gold-digger!" Lumagutok ang kamay ko sa kaniyang mukha na umalingawngaw sa buong court ang sampal kong ginawa kaya napalingon ang ibang tao sa gawi naming dalawa.

"How dare you say that to my fucking face!? Yumaman? Bakit wala pa kaming sariling bahay at lupa ngayon? Bakit walang laman ang wallet? At ano sumikat? Mas gugustuhin ko na lang maging isang sanggre sa Encantadia para nakakapaglaho ako!" bulyaw ko sa kaniya at saka iniwan silang lahat sa bleachers na nakatayo.

Kakatapos lang ng finals exam at mabuti na lang ay tapos na ang klase at kahit kailan ay hindi na muna ako babalik sa school na 'yon. Ugh! They all sucks!

On my way to my house, my phone rang.

"Anak, nasaan ka na ba?" tanong ni mama sa kabilang linya.

"Nandito na po ako sa bahay, kakauwi niyo lang po ba galing trabaho?" Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Hintayin mo kami riyan, diyan tayo sa bahay mag-uusap." My eyes widened on what she just said. Ano raw? Mag-uusap kami sa bahay?

"You're joking, ma. Nasa New York ka," sabi ko sa kaniya at kunwaring natawa.

Parehas sila ni papa nagtratrabaho as Overseas Filipino Worker sa New York. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust dahil hindi ko na sila kasama sa bahay. Nasanay na kasi akong nagigising na nandiyan silang dalawa ni papa.

Tuwing pagkagising ko ay may pagkain nang nakahain, may malinis ng damit kada linggo at sila rin ang namamalengke. Ginawa ko ang lahat ng ito ngayon nang mag-isa magdadalawang taon na rin. Pagkatapos kong magbihis ay nagsaing na ako ng kanin, niligpit ko na rin ang mga nagkalat na women's magazines sa coffee table. I love to look at those men in the morning.

But ang senaryo kanina hindi ko naman talaga nobyo si Peter o kahit kailan ay itinuring. Pampalipas oras ko lang siya. Masaya naman siyang kasama pero tingin ko tama na.

Kapalit-palit ba ako? Pangit ba ako? Then why?!!

Natawa na lang ako sa naisip ko. Lyza Soberano, tama ba pangalan niya? The ex and why's. Nagwalis na rin ako kahit papaano para kahit dumating sila ay may maabutan man lang sila na malinis na bahay.

Minutes after cleaning the messy table, I heard the doorbell ring.

"Maids, paki tingnan kung sino ang tumatawag..." utos ko.

"Ay shit, ako lang pala mag-isa." Sabay tawa sa kagagahan ko.

Madalas talaga akong mag-ilusyon, wala namang masama kaya bakit hindi.

"Wait! Sandali lang!" Sigaw ko nang marinig kong sunod sunod iyong tumunog. Pagbukas ko ay naglagay ako ng malaking ngiti sa aking labi at nawala ito nang bigla nang makita ko ang sitwasyon nila mama at papa.

"Hala! Pasok po kayo!" Nakita kong may maleta silang dala. Nauna na silang dalawa sa loob at ako naman ang naiwan sa pintuan kaya hinila ko na ang mga ito papasok sa loob.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon