Chapter 10 [Ice-cream]

1.9K 114 7
                                    

Chapter 10

Kinabukasan, sumama ako kay Luke na uwi sa bahay nila. Nakasuot naman na ako ng casual clothes para pumasok.

"Just wait for me here, okay? 10 A.M. pa naman ang first class natin today." I nodded and he went to his bathroom to wash himself. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa para tingnan kung anong oras na-alas siete pa lang.

Nilapag ko ang bag sa kama at naglakad patungo sa mga litratong nakahilera sa bookshelf. Walang tulak-kabigin ang pamilya ng Fontabella. Maayos ang kanilang mga pananamit, pustura at hitsura. Hindi ko nga mawari bakit hindi pantay ang patakbo ng mundo.

Kahit na kailan ay hindi ko pa nararanasan ang mapunta sa ibabaw. Sa ibabaw ni Luke oo pero ibang usapan naman iyon. Ang ibig kong malaman ay bakit ganito ang takbo ng buhay ko. Mabuti nga ay hindi pa rin ako laman ng lansangan at nilubugan ng araw o nawalan ng pag-asa.

I still have this hope inside of me burning. Balang araw, makakamit ko rin ang mga bagay na gusto ko. Balang araw, hindi na ako aasa sa tulong ng iba at balang araw, mabubulag sila sa aking ningning.

"Kanina ka pa riyan?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig at nasaksihan si Luke na nagsusuot ng itim na tee shirt at simpleng jeans. Binitawan ko ang picture frame kong hawak at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

"Oh, what happened? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."

Bumuntong hininga ako at pinakiramdaman ang aking sarili. "Parang..."

"Parang ano?" Nakita kong lumuhod sa harapan ko si Luke at pinagpantay ang mata naming dalawa. Nakita ko ang mata niyang nalulumbay at nakikisimpatya sa akin.

"Wala. Tara na, pumasok na tayo."

Lulan ng kaniyang sasakyan, pumasok kami sa eskwelahan na magkasabay. Sinalubong kami ng tatlo na may ngisi sa mga labi habang ako ay nagmumuryot pa rin. Hindi naman nagtatampo pero kinukwestyon ang sarili kong buhay.

Dumarating lang talaga ako sa puntong ganito. Kaya ko itong lagpasan, tiwala lang.

"Why do you look so pessimistic?" bungad ni Wilbert sa akin. Tinignan ko siya nang panandalian at nagbaba rin agad ng tingin sa lupa. Hindi ko siya tinugon at hinatid na nila ako sa klase namin ni Luke na English Literature.

Buong klase namin, napansin na rin siguro nitong katabi kong si Jaycee ang kawalan ko sa sarili.

"What's wrong with you?" he whispered that just the two of us could hear. I let out a heavy sigh and didn't answer his question. Buong umagang klase ay ganoon lang ang pakiramdam ko.

Wala sa sarili o kaya naman ay naaagaw ng mga taong naglalakad sa classroom ang atensiyon ko.

"You can have your break. Good day." Umalis na sa harap ang professor namin kaya tamad na tamad akong tumayo.

Jaycee helped me with my things and we brought it to our usual spot at the cafeteria. Naroon na si Rowena na nagsusuklay sa harap ng maliit niyang salamin saka naglagay ng pulbos.

"Musta..." bati ko kay Rowena nang makaupo ako. She lifted up her gaze to me and smiled.

"A-ayos lang naman. Ikaw ba?"

"I lost my interest. Everything feels like an endless cycle, a tiring cycle to be exact." Ngumiti ako nang hilaw at dumukmo sa lamesa. "I don't know why but today just feels different.

"Classes from first year to third year college will be dismissed this afternoon due to our meeting. Have a great day, students," ani ng isang malaking speaker kaya mabilis akong tumayo at kinuha ang bag para makauwi kahit na wala na akong enerhiya para gawin ito.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now