Introduction

8K 274 59
                                    

Introduction Of Fontabella Brothers

Fontabella Lost Chapter | Manghuhula

"Anak, ilagay mo na nga ito sa lamesa." Inabot ni Jimena sa kaniyang anak ang platong naglalaman ng kanin. Lumapit si Nate at ngumiti bago tumungo sa kanilang lamesa.

Si Aljon naman ang kumuha ng mga kubyertos at platong kanilang gagamitin para sa kanilang hapunan. Si Anderson na nagtitimpla ng kanilang maiinom ay kanina pa hinahalo ang tinitimplang malamig na inumin sa kanilang pitcher.

"Ang bango naman niyan, mahal." Hinalik-halikan ni Anderson ang batok ng kaniyang asawa habang niyayakap ito sa mula sa likuran pagkatapos mailagay sa lamesa ang kanilang maiinom.

"Psst, Luke anak, kumuha ka ng mga baso at lagyan mo lahat." Tumayo si Luke mula sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kabinet kung saan inilalagay ang kanilang mga gamit pagkatapos hugasan.

"Si papa ba nabigyan na ba ng makakain?" tanong ni Anderson.

"Nako, pa, hindi pa nga, eh. Si Asher ba nasaan? Tawagin mo nga para mabigyan lolo nila ng pagkain. Paniguradong pagod na 'yon sa trabaho." 

Umakyat si Anderson sa kanilang itaas na palapag at kinatok ang pinto ng anak. Bahagya pang natigilan si Anderson nang mapansin niyang bukas ang pinto at nakita niya lang si Asher na nakatingin sa mga bituin sa langit at may kaunting isinusulat sa kanyang maliit na kuwaderno gamit ang kanyang panitik.

"Keith, anak, pwede mo bang dalhan lolo mo ng ulam?" malambing na tono ni Anderson sa anak. Napatingin ito sa kaniyang gawi at rumihistro ang isang ngiti sa labi ng anak.

"Of course, dad. Nasa'n po ba para madala ko na?"

Tumayo si Keith mula sa pagkakaupo at lumapit sa ama habang kinakamot ang ulo. Napahikab pa siya nang bahagya.

"Nasa ibaba," ani Anderson at ngumiti. 

Tumakbo pababa ang anak kaya naiwan siyang mag-isa. Napatingin si Anderson sa kwaderno ni Keith na kanila lamang ay sinusulatan nito. 

Sa pagiging kuryoso ay hindi napigilang lumapit ni Anderson at tiningnan ang kuwaderno.

Para Sa Iyo

Kung tayong dalawa'y muling magkikita
Sana balang araw at sana ay nalalapit
Dahil ninanais ko nang makita
Ang mukha mong napakarikit

Ito ang aking mumunting panitik
Isinusulat ang lahat ng salitang hindi masambit
Isang damdaming nais pakinggan
Ng isang pusong minamahal kailanman

Natuwa naman si Anderson mula sa nabasang maliit na pirasong katha ng anak. Nailing na lang siya, marahil ay alam kung sino ang tinutukoy dito. Muli niyang inilipat ang pahina at binasa ang kasunod na nakalimbag.

How I Wish

We were on the bike
Riding it until the house lost our sight
You were riding at the back
And the time had lost its track

Seems time goes by so fast
I'm still here thinking about the past
Still hoping that everything's
Gonna lasts

Muling inilipat ni Anderson ang pahina at naagaw ng pansin niya ang isang guhit ng buwan. 

"Ang ganda."

Beneath The Sky

That one summer night we'd run away for a while
Laughing ourselves as we chase each other beneath the sky
To a place that no one knows
That no one could find

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now