Chapter 1 [Lupa]

5K 236 66
                                    

Chapter 1

"Tristan! Anak, gumising ka na!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni mama galing sa kung saan. I fixed my bed then afterwards I went out of my roomml. Nakita ko silang nasa lamesa at nagkakape.

"Ma, grabe napakaaga pa," reklamo ko sa kaniya. Alas singko pa lang ata ng umaga gising na silang lahat. Ganitong oras baka gising pa ako or nag-i-scroll lang sa feed ng Facebook ko.

"Anak, dito sa probinsya mahirap ang buhay. Kailangan mong maagang gumising dahil maraming gagawin katulad ng pagpapakain ng mga manok natin. Kapag mag-uulam naman meron diyan sa bakuran at maagang maglalakad papunta sa palengke..." Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinabi ni lola. Hindi ko rin alam kung tinatalakan niya ba ako o pinapangaralan.

Parang ang stereotype naman masiyado ng mga sinasabi niya like gigising ng maaga, may mga tanim na sa bakuran na puwede nang makain at maglalakad papuntang palengke. Is it just me or hindi lang ako nasanay sa gano'ng klase ng buhay dahil halos buong buhay ko ay sa siyudad ako nakatira?

Tinungo ko si lola sa lamesa at naupo sa kaniyang harapan. Nginitian niya ako ngunit bagot na bagot akong humilata sa mesa

"Ma, timpla mo ako ng kape," marahan kong sabi at nakitang kumuha na ng baso si mama at nagsimula nang magtimpla.

Naisipan ko na munang lumabas kaya lumabas ako ng bakuran at sinalubong ang malamig na hamog. I inhaled the cold air when a strong fucking smell of poo entered my nostrils. Napaubo ako sa nalanghap ko na mabahong tae ng baboy. Grabe nanunuot sa ilong ko ang amoy puta! Tumakbo ako sa loob ng bahay para uminom ng tubig.

"Painom, tubig-" sabi ko at aligagang uminom. Inabutan naman ako ni mama ng isang tasa saka ako uminom.

"Putanginaaa!" sigaw ko pagkatapos ibuga ang napakainit na tubig na nahigop ko sa tasa na iniabot sa akin.

"Ano ba 'yan! Napakainit naman no'n, ma!" sigaw ko at pinapakiramdaman ang dila kong napaso ng mainit na tubig.

"Oh, may kape ba na malamig?" Tumingin ako sa kaniyang Mukha at ngumisi lang siya sa akin.

"Sabi ko tubig, at saka akala ko fresh air malalangahap ko rito pero bakit puro tae ng baboy?!" Narinig kong nagtawanan silang tatlong nakaupo sa lamesa dahil sa sinabi ko.

"Anak, malinis naman iyon at walang halong kemikal." Napailing na lang si lola habang kumakain ng pandesal na nakahanda sa lamesa. Kasama niya si Tito at Papa na pangiti-ngiti lang.

"Ano ba 'yan, napakamalas naman ng araw ko ngayon." Tinapos ko ang iniinom kong kape at umirap sa hangin.

"Ma, nasaan po 'yong cr, maliligo na ako." tanong ko kay mama at umakyat sa taas saka kinuha ang puti kong shirt, pants saka tuwalya bago bumaba.

"Anong cr sinasabi mo? Wala tayo cr dito, do'n ka sa poso maligo!" sigaw ni tito habang tumatawa pa. Napatingin naman ako sa isang gawi ng bakuran namin na kaniyang itinuturo at may nakitang tagpi-tagping sako na haligi at pundasyon na gawa sa kawayan. Kapag nakatayo ay kita lang ang taas ng balikat at ulo. Napailing na lang ako sa nakita sabay irap ang mata.

"Tito, masisilipan ako ro'n!" protesta ko sa kaniya.

"Anong masisilipan! Pare-pareho lang tayong lalaki, ang babae lang ang lola mo at mama mo. Pwera na lang kung may kaibigan o bisita kang pupunta rito." Sumibol sa mukha niya ang demonyong ngiti.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon