Chapter 25 [Maisan]

1.4K 80 3
                                    

Chapter 25

Nang magising kami kinabukasan ni Wilbert ay nagwalis muna ako sa bahay dahil baka dumating na sila tita. Sa sala kaming dalawa natulog habang nakahiga ako sa braso niya.

"Gusto mo nang kumain?" tanong ko kay Wilbert at pumunta sa stove. Sa kasalukuyan ay nagkakape siya sa lamesa habang nakatitig sa kawalan. Parang wala pa siya sa sarili pero nang tumango siya, binuksan ko na ang kalan para uminit ang ulam.

I walked towards the dish rack to get myself a cup to make my own coffee. Humikab ako at kinuha ang thermos saka sinalinan ang baso para makainom na.

"Anong oras daw uuwi sila tita?" Naglakad ako patungo sa upuang nasa tapat ni Wilbert. I'm sure that his mind is currently preoccupied dahil na rin kanina pa siya nakatingin sa kawalan. Last night, naalala ko rin na binigay niya ang isa niyang kwintas sa akin. Naupo ako at nilapag ang baso saka tiningnan ang kwintas.

Paper airplane ang design nito at simpleng chain lang. I like it.

"Baka mamaya nandiyan na sila. May ulam pa ba tayo?" he asked and faced me.

Tumaas ang dalawa kong kilay saka ngumiti. "Sakto pa naman iyon kung darating na sila tita ngayon, pero dahil magtatanghali na rin naman na, bakit hindi tayo bumili sa palengke? Para may makain sila pagdating," I suggested.

Wilbert played with his coffee and nodded. Hindi pa rin nagsasalubong ang tingin namin. "Why not. Kain muna tayo para kahit marami bibilhin natin eh busog na tayo." I nodded.

When we finished our coffee, I served the food on the table and we ate together. He shared his nonsensical jokes but still made me laugh, despite being corny—awkwardly corny. Sumakay ako sa passenger seat at umandar na ang sasakyan.

As for our clothes, naka white sando lang kaming dalawa at shorts. Naka cap pa si Wilbert at ang tank top niyang bagay na bagay sa kaniya dahil sa maskuladong braso. Napatitig ako rito at saka pinisil nang manggigil.

"Loh?" saad niya habang natatawa. "You like my muscles, huh?"

I pursed my lips. "Yep. Gusto ko nga rin magkaganito eh. I'm tired of being skinny and so." Natahimik naman ako sa kinauupuan ko nang mapansin ko na papalapit na kami sa palengke.

"Ano gusto mong ulalim mamaya?" tanong ni Wilbert at nag-park sa gilid ng mga motor na nakaparada. Bumaba ako habang nag-iisip ng puwedeng maulam. Nakapag karne na kami kahapon kaya siguro isda o gulay kami ngayon.

"Gusto mo ng isda or gulay? Ano?" Tumabi ako sa kaniya at humilig sa katawan niya. Ang bango bango niya pa rin kahit na kagabi pa ang huling ligo naming dalawa. Sa tansiya ko ng oras ay baka alas siete na dahil mataas na ang araw ngunit hindi pa naman mainit ang sinag nito.

"Ikaw," sagot niya. Napatigil kami sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko sa kaniya.

"What? I mean was ikaw, anong gusto mo," he explained. "Pero ikaw naman puwede na rin."

Nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran mula sa akin kaya umusog siya.

"Tristan! Masakit ah!"

"Gago ka kasi. Kinakausap kita nang maayos tapos ganiyan sagot mo." Umirap ako at humalukipkip.

"Makapag tilapia na lang. Bili tayo do'n—" Tutunguhin ko na sana ang nagtitinda ng isda na itinuturo ng labi ko ngunit kaagad akong pinigilan ni Wilbert.

"Bakit?"

"May isdaan kami, doon na lang tayo kumuha, libre pa."

Kumunot muna ang noo ko bago nag-sink in ang lahat. Oo nga! May palaisdaan pala sila! Muntik ko pang malimutan 'yon.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now