Chapter 21 [Soul]

1.3K 85 15
                                    

Chapter 21

Nang magbandang alas dies na ng gabi ay naglatag na kaming lahat ng kani-kaniyang sleeping mats. Suhestyon nga namin ay pagtabi-tabihin ang mga higaan para malaki, kaso tutol ang mga lalaki kaya bubukod kami nang dala-dalawa. Si Hyden lang ang mag-isa.

"Tanginang buhay 'to. Palagi na lang walang jowa, walang kasama. Eh kung pinatay niyo na lang ako?" pagdadabog niya habang nag-aayos. Napangiti pa nga ako dahil sa kapilyuhan ng isang iyon.

Kahit kailan talaga. Kaya walang nagkakagusto sa kaniya, eh.

"Lay your head on my left arm," Wilbert whispered to me. Dahil nakaupo pa ako at naghahandang humiga ay tiningnan ko siya. Narito ako sa kaliwang banda niya para hindi namin magalaw ang nakasemento niyang braso.

"'Wag na, Bert. Baka mangalay ka." Pinulot ko ang unan ko at tinapik. "May unan naman na, eh."

Sumimangot siya at nag-iwas ng tingin. "Sige ka, magtatampo ako sa 'yo."

I smiled in secrecy and reached for Wilbert's face as I slowly turned him to my side. Hinalikan ko na rin ang kaniyang labi na sanhi ng kaniyang pagngiti.

"Oo na. Basta sabihin mo kapag nangawit ka na, aalis na 'ko." Ngumiti ako at ako na rin mismo ang nag-ayos ng braso niya na hinigaan ko rin kalaunan. Yakap-yakap ko ito gamit ng aking kaliwa rin na kamay habang dikit na dikit sa kaniyang katawan.

"Gusto ko na kasama kita hanggang sa pagtanda…" Wilbert softly whispered as we looked up above the sky. The feeling is a little bit intoxicating, but I'm loving it.

"Yeah. I would love to…" Tiningnan ko siya nang palihim dahil nasa langit pa rin ang mata niya. Tumagilid ako ng pagkakahiga at ipinatong ang kaliwa kong binti sa kaniyang katawan at yumakap.

"Balang araw magpapagawa tayo ng magandang bahay. Malayo sa lahat. Simple pero magara. Maingay ngunit tahimik. We will live far from this world we are used to. Gusto ko habang buhay kitang masosolo kasama ng mga magiging anak natin." Hinagod ni Wilbert nang marahan ang buhok ko habang bumuntong-hininga.

"Nangangamba kasi ako palagi na paano na lang kung iwan mo 'ko, pa'no na lang ako?" tanong niya kaya napaisip din ako. "Ayaw kong iwan mo ako sa mga pangarap na sabay nating binubuo. Ayaw na ayaw kong iniiwan akong mag-isa," aniya at tinapik ang aking balikat.

"Ikaw, kung bibigyan ka ng pagkakataong magmahal ng iba bukod sa akin, sino at bakit ang kapal ng mukha niyang angkinin ka?" Mahina akong natawa at tinapik ang tiyan ni Wilbert.

"Fuck," he softly cursed.

"Para kang nana! Ang OA mo pero siguro pipiliin kita palagi," sagot ko sa tanong niya. Umalis ako mula sa pagkakahiga sa kanyang braso at umunan na sa unan kong dala. Dama ko na ang pangangawit niya kaya umalis na ako.

"Sigurado ka?"

"Oo." Idinantay ko pa rin ang hita ko sa kalahating katawan niya at humikab. Bumaling ako sa kaniyang banda at nakitang nakatingin pala siya sa akin kanina pa.

"Mahal kita."

"Mahal din kita." Ako ang humalik sa labi niya at bumalik sa dating ayos. "Matulog na tayo. May pasok pa kami bukas."

Ang mga sumunod na araw at linggo ng pagsasama namin ni Wilbert ay naging maayos at kaaya-aya naman. He gives me roses sometimes at kung magkakapera naman ako ay inililibre ko siya ng pagkain sa canteen.

Not until my parents are both struggling with something that I don't know. Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga alam ang dahilan o ayaw lang nila ipaalam sa akin kung bakit. Simula nang matapos ang usapan namin ni Luke, huminto na rin ako sa pagtratrabaho sa kaniya. Tanging fish pond nila Wilbert ang isa sa pinagkakakitaan ko kapag tumutulong ako kila Tito at Tita sa pag-aangkat ng isda.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon