Chapter 14 [Abot-tanaw]

1.6K 111 4
                                    

Chapter 14

"Kamusta naman ang grade mo, 'nak?" usisa ni mama as akin. Narito kami sa kusina na nag-aagahan.

"Baka sa Friday daw may assembly para sa distribution ng grades for this sem, hindi ko lang sure. Ang sigurado ko ay mataas mga grado ko. May dos siguro pero iilan lang." Tumango-tango siya sa akin.

"Kayo naman, ma, anong balita sa trabaho n’yo kila Hyden? Madali lang ba?" Bumaling ang tingin ko kay Tito. "Bakit hindi po kayo sumama kila mama sa factory?"

Isang buntong hininga ang natanggap ko mula sa kaniya. "Mahal ko ang pagbubukid, pamangkin. Siguro, kapag wala na akong buhay na mahanap sa putikan saka lang ako lilipat sa mga factory na 'yan." Bigla namang siniko ni papa si Tito Rodel. Magkapatid silang dalawa.

"Asus! Ang sabihin mo eh pinopormahan mo 'yong byuda roon! Pipili ka lang eh hindi pa virgin." Napailing si papa saka natawa bago sumubo ng kangkong na ginisa. Masarap na ito sa bagoong at talong kapag niluluto ni lola.

Napanguso si tito at napansin kong namula ang kaniyang tenga. "Tigil-tigilan mo nga ako, Cezar!" Sinunggo rin ni tito ng kaniyang balikat si papa dahilan ng lalo nitong pagngisi. Napailing at tumayo na ako dala ang plato sa lababo dahil baka mahuli pa ako sa klase ngayon.

"Naku, 'tol, kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba d'yan. 'Wag na 'yong may anak na kasi sinasabi ko sa 'yo papahirapan ka lang niyan."

Kinuha ko ang bag sa mahabang upuan at isinukbit sa aking balikat. Nakipagbeso na ako kay lola at kay mama dahil ako'y papasok na.

"Pasok na po ako."

Lumabas ako ng gate at naglakad nang mag-isa sa daan. Tiningala ko ang kalangitang nagdidilim at nagbabadyang ulan. The sky seems gloomy. Who would have thought that something as colorless as water could make the clouds dark.

"Wala pa naman akong payong. Tsk." Binilisan ko nang kaunti ang lakad ko dahil malayo pa ang distansiya ko mula sa unibersidad.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang nagsimulang umiyak ang langit. Napatakbo ako nang mabilis sa isang malaking silong ng puno saka napamura nang sunod-sunod.

"Fuck, malalate na naman ako nito…" bulong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at para ma-chat sila mama kaso saka ko lang napagtanto na hindi pala ako nag-lol-oad man lang para magkaroon ng internet. I also noticed that it's already Wednesday.

Apat na araw nang wala si Luke.

Bakit ko naman siya iniisip? Gago ba siya.

Humalukipkip ako at nagdasal sa isip na sana tumila na ang ulan. Imbis na humupa ito ay mas lalong lumakas ang pagpatak ng ulan kaya nabalot ng putik ang kalsada. Suddenly, it turned into an endless music of water droplets hitting the hard ground.

Wala pa namang dumadaan na sasakyan. Paano na ako nito?

Muli kong tiningnan kung anong oras na at aking namataan na alas otso trenta na. Halos kinse minutos na akong huli sa klase. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit may isang kotse ang huminto as harapan ko.

"Sumakay ka na."

Sinubukan kong kilalanin ang boses ng lalaki ngunit hindi ko masiyado itong naintindihan dahil sa lakas ng ulan. Kaninong kotse ito?

"Sasakay ka o iiwan kita rito!?"

Nang dahil sa sigaw na iyon ay mabilis kong sinuong ang ulan at sumakay sa back seat ng sasakyan. Pagkapasok ko ay isinara ko rin agad ang pintuan at nakita sa passenger seat ng kotse si…

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now