Chapter 15 [Hihintayin]

1.7K 100 5
                                    

Chapter 15

Nang magising ako kinabukasan ay isang pamilyar na pabango ang pumasok sa ilong ko habang nagliligpit ng higaan. Pumanhik ako pababa ng hagdan at nasaksihan si Wilbert na nakasuot ng simpleng damit. Not too much fashion, not too casual, just a plain white shirt and his shorts.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ko sa sarili at tumungo muna sa kusina. Abala pa siya masiyado kay papa at tito kaya hindi na niya ako napansing dumaan sa harap niya. Nagmumog, toothbrush at hilamos ako saka nagpunas ng tuwalya sa mukha.

Pagkaharap ko sa salamin ay saktong daan ni mama sa gilid ko.

"Psst! Andoon 'yong binata sa labas. Kaano-ano mo ba iyon?" Tiningnan ko siya sa aking tagiliran saka nagbuntong-hininga.

"Manliligaw ko, ma. Hindi ko naman alam na pupunta pala rito." Halos mapasigaw ako nang biglang kinurot ni mama ang singit ko. Muntik nang madali ang bayag, mabuti nakaiwas. "Ano ba 'yan!"

"Puntahan mo na roon at mukhang naiinip na sa papa mo. Kanina pa 'yan alas sais na nandito."

"Anong araw ba ngayon?"

"Sabado."

"Ay shet." 

Tumakbo ako sa sala at ngayong pagkakataon, nakita agad ako ni Wilbert. Napansin ata nila papa na nawala sa kanila ang tingin ni Wilbert kaya ito'y kanilang sinundan at natunton ako.

"Hi, kamusta tulog mo?" bati bi Wilbert na abot tenga ang ngiti. Dahil hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay siya na mismo ang lumapit sa akin. He wrapped his broad and wide arms around me. Dumikit ang mukha ko sa matigas, maskulado at mabango niyang dibdib.

Shit talaga, Lord. Ang sarap ni Wilbert.

"O-oo masarap naman tulog ko. Let m-me go, napipi katawan ko." Itinulak ko ang katawan ni Wilbert papalayo sa akin dahil masiyado na itong nagtagal na nakayakap. Baka akalain nila papa na naglilibugan kaming dalawa rito kahit na gusto ko ang yakap niya.

"Oh, hehe, sorry." Bumitaw siya at inakbayan ako paupo sa mahaba naming upuan na gawa sa kahoy. Minamasdan lang kami nila papa at tito na hapit na hapit sa isa't-isa.

"Ipaliwanag mo nga sa 'kin 'to, Tristan." Paninindak na bungad ni papa. "Ano ito at manliligaw ka raw niya?" Tinuro ni papa si Wilbert na nasa gilid ko.

"Eh, ano kasi, pa, ang kulit tapos hindi ko naman alam na pupunta pala rito sa bahay. Sabi ko oo ayos lang manligaw pero gusto ko kayo ligawan niya kung magugustuhan n'yo siya bilang boyfriend ko," paliwanag ko sa kaniya.

"Sklodowska ang isang 'yan. Diyan kami madalas bumili ng ulam natin," dagdag ni papa. "Wilbert, papayag ka ba na mag-asin kapag kinapos tayo ng pera? Tandaan mo, mahirap lang pamilya namin at baka mag-asam ka ng marangyang pagkain."

Nakangiting umiling si Wilbert. "Kaya nga po ako nag-aaral para magkaroon ng maayos na kinabukasan ko para sa magiging pamilya namin ni Tristan, eh. Ano po? Ayos lang din ba 'yon sa inyo, Tay?"

Umayos ng upo si papa at sumandal sa rocking chair ni lola. "Aba'y siyang-siya ako r'yan. Sino ba namang hindi? Ang akin lang ay mayaman kayo, mahirap kami, ano naman sasabihin ng magulang mo kapag nalaman na nangliligaw ka sa tulad naming isang kahig, isang tuka? Minsan nga'y wala pang laman ang mga sikmura."

Natawa ang katabi ko. "Kung alam lang po n'yo na hindi rin kami mayaman kagaya ng iniisip n'yo. Sakto lamang po pangkain sa isang araw, kung may sosobra e malaking pasasalamat na po 'yon."

Tumayo si tito at binato sa sahig ang diyaryo niyang hawak. "Wala na 'to, tapos na ang interbyu. Tanggap ka na bilang manugang nitong kapatid ko." Hindi makapaniwalang tiningnan ni papa si Tito Rodel. "Oh siya, sa labas lang ako magbubungkal." Sinundan ni papa ng tingin si tito.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now