Chapter 2 [Lubricant]

3.3K 213 16
                                    

Chapter 2

Unti-unti kong iminulat aking mata nang makarinig ako ng mga paghikbi. Slowly, I gazed around the room and saw mama sitting at the edge of the bed, wiping her own tears. Na alarma ako nang dahil doon kaya nilapitan ko siya at hinagod ang kaniyang likuran.

"Ma, bakit ka na naman umiiyak?" marahan kong tanong sa kaniya at tinignan ang kaniyang mukha. Nakaramdam ako ng sakit nang makita kong lumuluha si mama. Aking pinalis ang kaniyang luha at mas hinagod pa ang kaniyang likod.

Nang hindi sumagot si mama ay hinanap ko kung saan nakatuon ang kaniyang pansin. Dinala ako ng sarili kong mata sa sahig. May isang papel dito na pinulot ko para basahin.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang malaman kung kanino galing ang sulat. Fontabella Construction Firm Industries. Napalingon ako kay mama nang sandali at binasa ang sulat

I, Luke Collins Valiente Fontabella, the Lord of this land, is taking up your land from the next two weeks. You may now start preparing and packing up your things or your whole shits would be buried all together with your house. 

This letter is for the Barcelona Family, due to your debts getting much higher and even a cent of money has not been paid. If you still want your land back, you can pay at the office in Fontabella Industries in the city.

Sincerely,

LandLord Luke Collins Valiente Fontabella

Napanganga na lang ako sa nabasa. Hindi… Hindi nila pwedeng kunin ang lupa namin. Amin ito at hindi sa kanila!

"Ma, gaya ng sabi ko akong bahala. Gagawin ko lahat ng kaya ko mabawi lang natin ang lupa natin," ani ko at niyakap ang ulo niya papunta sa dibdib ko.

"Maraming salamat, anak. Hindi ko na alam kung ano gagawin kung wala ka," saad niya at narinig ko siyang humikbi. Matapos kong mapatahan si mama ay hindi na ako nag atubili pang tumakbo papunta sa may banyo namin at naligo bago ako nagbihis. 

"Apo, mag-agahan ka muna…" tawag ni lola sa akin na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na, la. Nakapag-toothbrush na po ako saka kumain naman na ako kagabi."

Dala ang sulat sa aking bulsa kasama ang isang daang pisong pamasahe ay lumabas ako sa bahay at nag-abang ng masasakyan. Nakita kong padaan si Rowena kaya tinawag ko siya.

"Wena!" Napalingon siya sa akin at ngumiti saka ako nilapitan.

"Oh? Bakit wala kang bag? Second day natin ngayon ah?" tanong niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam pero hindi ako kompertable kapag may tumitingin sa akin nang ganito. Pero well, wala akong pakialam sa kanilang lahat. Mga dukha sila.

"Ipagpaalam mo na lang ako sa mga teacher natin. Kukunin daw lupa namin sh, kailangan kong puntahan."

"Oh sige sige. Basta kapag ayos ka na pumasok ka na ha?" nginisian ko siya at tumango. Nang may masalubong akong tricycle ay mabilis akong sumakay dito.

"Saan po?" tanong ng driver.

"Sa building po ng Fontabella." sagot ko saka kami muling umandar. Napaisip-isip tuloy ako. Napakasama niya, hindi man lang ba niya kami pagbibigyan ng ilang taon pa para mabayaran namin 'yong lupa? Paano kung tumigil muna ako sa pag-aaral at mag trabaho na muna? 

Pero mukhang hindi papayag sila mama sa gugustuhin ko. Pipilitin pa rin nila akong mag-aral. Kung ipasabutahe ko kaya siya? Hindi naman kakayanin ng pera namin. Ugh!

I stood in front of this huge building. Binasa ko 'yong napakalaking karatula sa may taas.

Fontabella Construction Firm Industries

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now