Chapter 27 [Easy]

1.2K 67 6
                                    

Chapter 27

Enrollment na naman for the next Academic Year and our problem is wala akong pang bayad ng tuition, even pang down payment para makapasok ako wala rin. The school year is fast approaching at kung hindi ako makakahanap ng trabaho ay hindi ako makakapag-aral.

Sinipa-sipa ko ang mga maliliit na bato na nararaanan ko habang tinutusok-tusok ang laman ng cup. Rowena and I thought of wandering around so I could gather all of my scattered thoughts.

Last week pa umalis sila mama't papa para magtrabaho sa Manila. Magiging katulong si mama, samantalang si papa naman ay isasama ni Tito Fed sa mga kakilala niya roon para hanapan ito ng trabaho sa construction.

"Alam mo, hindi ko na alam pa'no gagawin ko ngayon… High school ako kahit na hindi magpadala sila mama ng pera eh ayos lang nakakasurvive ako tapos tingnan mo ngayon ni pisong duling wala akong madukot sa bulsa."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Rowena sa gilid. Dama ko rin ang bigat na pinapasan niya, pero mabuti pa siya malapit sa mga magulang. Si Mang Tome ay sa bukirin nila Luke at ang nanay naman niya ay kasambahay.

"Sorry nga pala kung 'yong inutang ko last week hindi ko pa mabalik ah?" usisa niya sa akin.

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko. "Hindi, wala 'yon," tugon ko.

"Walang-wala rin kasi kami kaya tinitipid ko sarili ko," dagdag pa niya. Nagbalik ako ng tingin sa kalsada saka huminga nang malalim.

Sinisingil ko lang naman siya sa utang niya to test if may balak talaga siyang bayaran iyon, but wala sa plano ko na pilitin siya magbayad.

You know, the reason behind that is 'yong pera ko na ni-load sa kaniya ay magse-serve as a token of appreciation because of what she did to me. I never intended for her to pay her borrowed money from me.

Enough na 'yong alam ko na babayaran pa rin niya 'yong utang niya even though wala siyang pera and the effort she did when Wilbert was not around was more than the price ng pinang load ko sa kanya.

If the day has come na babayaran niya talaga 'yong utang niya eh I might as well consider not taking it.

"Ikaw, may plano ka rin ba na umalis dito ng probinsiya para maghanap ng trabaho?" Napalingon ako ulit kay Rowena sa tanong niya.

Kunot-noo at kibit-balikat lang ang sagot ko sa kaniya, ngunit sa loob-loob ko ay napatanong ako sa sarili ko.

Bakit nga ba hindi na lang din ako magtrabaho sa ngayon?

"Pero bakit?" I suddenly asked.

"Anong bakit?" she gazed at me. "Syempre, sacrifice gano'n and para makatulong ka rin sa pamilya mo." Her answer has a point.

"Upo nga muna tayo ro'n." Itinuro ko ang bench saka namin ito tinungo.

"Back to your question, I-i really don't think kailangan kong magtrabaho for now to help my family dahil they insist na sila na magpapa-aral sa'kin." Tinapos ko ang kinakain ko na chichaw saka ito tinapon bago bumalik.

"The only job I have to do right now is to study, that's all. And siguro if too much is happening to me," I shrugged my shoulders. "We'll see…"

"Sabagay…"

Few minutes later, we were enveloped by a random silence, it's doing me a good favor. I got to enjoy the beauty in every single person around me.

I looked up at the sky slowly turning into a light hue of orange fading from a blue one. Everyone seems to be so busy with all their things.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now