Chpater 22 [Aalis]

1.2K 76 15
                                    

Chapter 22

Wilbert dragged me out of the mansion, making me yell at him things I don't mean to. Nang madala niya ako sa mismong sasakyan ay pinakatitigan niya ako sa aking mga mata. Hinabol ko ang aking hininga at nang tumingin ako sa kaniyang mga mata ay napansin kong hinihingal din siya.

"Why did you do that?!" His voice thundered inside the car. I turned the other way and chose not to pour my rage all over him. Ayaw kong may magawa akong bagay na pagsisisihan ko rin sa bandang huli.

"Tristan, please, I'm asking you. Why did you do that? You punched Luke right in front of his face, in front of us." He calmly uttered but a sense of disbelief is present on his face. "I didn't expect you'll ever do that." Nakailang beses pa akong huminga nang malalim bago nagkaroon ng lakas na loob na harapin siya.

"I worked for Luke as his sex slave months ago to get back the title of our land. Then our life was happy. Natanggap sila mama sa factory nila Fhil and hindi ko na kinakailangang bumalik sa trabaho ko kay Luke." Tiningnan ko si Wilbert para basahin ang ekspresiyon sa mukha niya kung galit ba siya o hindi.

After making sure he's not reacting negatively, nagpatuloy ako sa sinasabi ko. "Later that, he left this town for like days or even weeks, right?" He nodded. "That's when you started courting me and remember when he got back, he thought everything was just fine. Akala niya kaniya pa rin ako."

"Luke wanted your parents to be removed from their work?" tanong ni Wilbert.

I heaved a sigh. "Kanina ko lang nalaman. I've been noticing his actions these days and he's acting differently when you're around and when you are not. Gusto niya lang na bumalik ako ulit sa kaniya nang gano'n-gano'n na lang."

Mukhang hindi mapakaniwala si Wilbert sa mga itinuran ko sa kaniya. He slammed the steering wheel with both of his hands frustratedly.

"Fuck. Fhil must be worrying about you and your parents now." Pinaandar niya ang sasakyan at umikot kami pabalik sa bahay. Habang iniisip ko ang mga nangyari kanina, hindi ko pa rin maatim na magagawa ni Luke iyon. Such a desperate man.

Tiningnan ko ang kamao kong nakakuyom pa rin at nakitang may dugo rito. Siguro ay dugo ni Luke nang sinuntok ko siya. I could have done more if Wilbert just let me to. Alam kong hindi ako kayang saktan ni Luke dahil ako ang gusto niya.

To my surprise, Wilbert brought me home. Parang walang nangyaring iyakan kanina ngayong nakabalik na ako kasama si Wilbert. Lola's watching television, while mama is sipping her coffee with papa and Tito.

"Mano po." Nilapitan sila ni Wilbert na nagmano saka kami naupo sa papag.

"Anong nangyari, anak? May maganda bang balita?" Bumuntung-hininga ako kay mama at binigyan sila ng hilaw na ngisi.

"Sinuntok po ni Tristan si Luke kanina," Wilbert stated that made everyone gasped. Alam ko namang mali iyon, pero mas mali ang ginawa niya. Hindi ko talaga masikmura na kung ano lang ang gusto niyang gawin ay kaya niyang gawin. Siguro dahil may pera siya. Isa na iyon o iyon talaga ang malaking dahilan at rason kung bakit niya iyon ginagawa.

"Anak, baka mas lalo tayong mapahamak. Wala na tayong pagkukunan ng pera pagkatapos nito," nag-aalalang ani ni mama. Pinatay ni Lola ang tv kaya pumailanlang ang ingay ng electric fan sa sala.

Tumingin ako kay mama. "..."

Oo nga… paano na lang kami kung patuloy ang matatanggap naming galit mula kay Luke? Paano sila Mama, Papa, Tito at Lola na puros matatanda na rin? Laking dismaya ko sa aking sarili nang walang namutawing salita sa aking dila. Naramdaman ko na lamang ang mainit na kamay ni Wilbert sa likod ko na hinagagod ako.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon