Chapter 19 [Sex]

1.5K 79 7
                                    

Chapter 19

"Ma, doon nga pala kami matutulog kila Wilbert," paalam ko sabay tungo sa kwarto. Pagkapasok ay hinubad ko ang bag saka ang damit bago nagpalit para presko naman. Lumabas ako sa sala at naroon na sina mama na nakaupong naghihintay.

"Sinagot mo na?" sindak ni Lola sa akin.

Napakamot ako ng batok sabay tango. "Opo, La. Papalagpasin ko pa ba?"

Bumuntong-hininga siya at lingon kay mama pati kay papa. "Kung saan ka masaya, masaya na rin kami." Tinungo ko sila na nakaupo sa papag saka niyakap habang namumutawi ang salitang pasasalamat sa aking labi.

Pagkabitaw ko sa yakap, tinanong ako ni mama kung sino ang nasa labas. Tanging tugon ko sa kaniya ay kaibigan ko si Hyden. Hindi naman sa hindi nila kilala si Hyden, pero minsan lang sila makapunta sa bahay. Kadalasan ganitong pagkakataon na kailangan agad naming umalis.

Naabutan ko siyang humihithit ng sigarilyo na itinapon niya kalaunan nang makita ako. Mabuti dahil hindi ako mahilig sa lalaking naglulustay ng baga.

"Let's go?"

"Hindi ka ba uuwi muna sa inyo para magpaalam?" tanong ko bago sumakay.

Umiling si Hyden. "Hindi na. Na-text ko naman na sina mama, eh. Ayos na 'yon."

Para kaming kidlat sa sobrang bilis ng patakbo ni Hyden bago makarating kila Wilbert. Kung hindi pa ako kakapit sa balikat niya ay nalapirot na ako ng kasunudan lang namin na sasakyan.

Naabutan namin na nanunuod ng football game si Tito Fed sa sala na sinaluhan ni Hyden, samantalang ako ay tumungo kay Tita na nasa kusina na naghahanda ng hapunan naming lahat. Sa pagtansiya ko ng oras, mga bandang alas sais trenta na rin ng hapon.

"Ano ulam natin, Tita?" tanong ko sabay dungaw sa kaldero.

"Naku, Tristan anak, hindi ko lubos na alam kung anong putahe ng ulam ang ipagluluto ko sa inyo." Batid ko na mayroong bahid ng tuwa sa kaniyang tinig sa pagkakasabing iyon. Maliksi ang kilos ni Tita at tuwang-tuwa pa na maraming kakain sa hapag nila ngayong gabi.

Nag-iisang anak si Wilbert kaya siyang-siya si Tita at Tito gayong halos mapuno ang bahay nila sa dami namin.

"Tulungan na kita, Tita, sa paghugas ng mga atay..."

Tinungo ko ang sink at hinugasan sa isang planggana ang atay ng manok. Nakakita ako ng kalabasa, okra, talong at sitaw sa isang tabi kaya siguradong pinakbet ang isa sa ulam ngayon.

"Paabot nga niyang vetsin." Turo ni Tita sa vetsin kaya ko ito inabot.

"Hindi ba, Tita, masama sa katawan ang vetsin?v hindi ko naiwasang pagtatanong. Hindi kasi kami gumagamit niyan sa bahay. Ang sabi ng lola eh baka wala pa kaming singkwenta, inuuod na ang labi namin.

"Hijo, masama ang sobra, alam mo iyan... mawala na ang lahat 'wag lang ang vetsin sa kusina. Mas masarap ang pagkain na may 'umami seasoning'," aniya. Nang mataktakan niya ang kalderong pinapakuluan ay lumapit si Tita upang ipakita ang label ng plastik ng ajinomoto.

"Oh, nakita mo iyan? Umami seasoning. Iyan ang nagpapasarap sa pagkain. Kumbaga, ito ang nagpapalabas ng tunay na sarap at lasa ng ulam," she explained. "But, the risk is maaari kang mahilo kapag so much intake."

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon