Chapter 20 [Jowain]

1.4K 79 5
                                    

Chapter 20

Natahimik ang paligid nang pumasok si Bradly. His sudden entrance stunned all of us, even Tito was silenced. Kung may sariling buhay 'yong tv ay matatameme rin siya. Sa gulat ko naman ay ako ang naunang tiningnan ni Bradly at binati.

"Hey, Bitch." Nilapitan niya ako at tiningnan na para bang close kami.

"Akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ni Fhil kay Luke. Narinig ko siyang tumikhim at tumingin sa akin saka kay Bradly na katabi ko.

"Did I say that? Wala naman akong sinabi, ah?" ani Luke.

"Sino 'tong nasa tabi mo?" Napalingon ako sa gawi ng itinuturo ng daliri ni Brad-si Hyden.

"Si Hyden, bakit?"

Kumagat labi siya. "Hottie, chinito, mukhang nanununtok," aniya. Halos matawa ako sa kaniyang sinabi.

"Sa tingin ko kaya ka niyan suntukin, subukan mo lang." Mahinang natawa ang si Bradly sa tabi ko. "Sasapakin na lang kita puta ka."

"Ito naman seryoso palagi."

Inirapan ko siya at nakita kong tinungo ni Fhil at Elina ang daan patungo sa kusina. Sinundan iyon ni Wilbert at Luke kaya naiwan kaming apat dito sa sala.

"Anyway, bakit ka nga pala nandito?" usisa ko kay Bradly. Bad blood pa rin naman kami ng isang ito pero mas lamang ang inis at pagkakuryoso ko sa kaniya. Masarap din siguro makipagsampalan at bardagulan sa punyetang Bradly na ito.

War freak din.

"Wala, bet ko lang pumunta. Bawal ba?" Nauna siyang maupo kaya sinundan ko lang din siya.

"Hindi naman. Nagulat lang ako at sakto ka pa ngayon kasi mag-o-overnight kami rito, eh. Galing din ng timing mo," sagot ko.

Bradly smirked and focused his eyes on the television. "Well, lucky I. May kainan pa ata ngayon. I just wish kami magkatabi ni Collins at hindi kayo," aniya na para bang nagtatararay saka ako inirapan.

Lumuwa ang mata ko at bumagsak ang aking panga sa sinabi niya. Bradly is still not over yet? Sa amin ni Luke? Wala naman nang namamagitan pa sa amin, eh.

"Hanggang ngayon ba naman, Bradly, mag-aaway tayo sa isang lalaki?" Nagtaas ang kilay ko. "I don't know if it's going to be a TMI but we're in my BOYFRIEND'S house. I mean, his parent's house. But, yeah, payag naman sila."

Amusement crossed Bradly's eyes. Namilog din ang labi niya. "Oh, well, congrats then."

"Good luck na lang sa 'yo kay Luke." Matapos kong bitawan ang salitang iyon ay sinundan ko na sila sa kusina. Nakaupo sina Elina, Fhil at Luke sa dining table while Wilbert is helping Tita.

Sila Tita ang nilapitan ko upang tulungan dahil luto na ata ang pagkain namin ngayong hapunan.

"Where's Bradly?" Luke's voice from my back.

"Nasa sala, baka hinihintay ka na niya," my simple answer before bringing the bowl into the table. Tumayo si Luke at tumungo sa sala para siguro sunduin si Bradly.

"Nandito si Bradly?" tanong ni Tita. Napangiti nga ako dahil parang magkakilala na sila, when in fact, ngayon pa lang sila magkikita sa buong buhay nilang dalawa.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now