Chapter 6 [Gentle]

2.9K 163 10
                                    

Chapter 6

Mag-aanim na buwan na rin siguro nang napadpad ako rito sa Cavite. All I can say is, the people that surround me are pretty good and decent. Dahil na rin siguro sa kasama ko si Luke, Hyden, Wilbert at Fhil sa buong anim na buwang nandito ako ay hindi naman ako tinatapunan ng kung ano sa mukha. Bow your head down, peasants.

Si Rowena? Hindi ko alam, pero ayos lang naman sa akin 'yon, abala siguro siya sa mga ginagawa niya sa buhay. Mabuti na rin na nabayaran na namin ang utang namin sa lupa na humigit kumulang isang daan at limampung libong piso. Hindi pa kasama ang tax na binayaran namin.

Noong bago mag-second semester ay halos nagmamakahirap kami sa paghahabol ng requirements. Hindi ako matalino pero may isip naman ako kaya kahit papa'no ay natutulungan ko sila Hyden, Fhil at Wilbert. I never knew that Luke was an engineering graduate.

He's taking business administration while ako naman ay accountancy, though, maliit lang talaga itong unibersidad na pinag-aaralan namin, ayos naman na dahil libre ang tuition dito para sa buong taon.

Rich families donates money every year for the scholarships that made me smile. Ayos na rin dahil hindi na kailangan pang magtrabaho ng sobra.

After ng first semester, binigyan naman kami ng ilang araw na break kaya ito naglulustay ng atay ang apat sa harapan ko.

"You sure na natanggap si mama sa kompanya nila Hyden? I'm worried about them. Kung ang pagtratrabaho ko sa 'yo ay sapat na, edi sana hindi na kailangang magtrabaho nila mama para sa amin." Narito kami sa fish farm nila Wilbert.

During La Niña, their pond got flooded, causing the fishes to escape. They have bangus, tilapia, tulingan, and even alimasag. Medyo malansa nga ang ihip ng hangin sa labas dahil nandoon ang palaguan nila ng isda.

"Oo naman. Hyden's very hands-on with their employees, so you don't have to worry about your parents." Luke handed me an iced coffee from the pitcher. Kinuha ko ito at uminom ng kaunti. They are having a little drink tonight to celebrate. Listed kaming lima sa dean's list last semester.

Napaangat ang tingin ko kay Fhil nang tumunog ang cellphone niya. That's Elina they were saying for sure. I'm not against it, but Luke. He wants to help him and so do I, tinutulungan ko rin naman sila sa pag-iisip ng ideya.

Pinapasok ko pa nga sa bagong bukas na candy factory nila Hyden sila mama para sa suporta. Sana naman hindi na kailanganin ni Fhil na makipagkasundo sa pamilya ng Elina na 'yon. At sana, makatulong itong magkakaibigan sa kaniya.

Minsan ko na siyang nakita and I'm not going to judge her but, yeah, she's beautiful, she's uhmm... she's wealthy and rich but her attitude sucks. I can't seem to get along with her. Ayaw ng presensiya niya sa akin pero mas lalong ayaw ko sa kaniya, 'no!

"You really don't like to drink?" I can feel Luke's warm breath on my neck as he whispers. Nangilabot ang balat ko nang dahil doon saka ko siya nilingon para umiling.

"No, Luke. Baka hindi na tayo makauwi kapag parehas pa tayong naglasing." I showed him a convincing smile and hoped he would be fine without me drinking. Umiinom naman ako kaso kaunti lang o kaya naman ay minsan lang talaga.

"You sure? You're fine with that iced coffee?" I nodded and showed a sweet-short smile again. Nang bumuntong hininga siya ay alam kong hindi siya makakatiis sa akin.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon