Chapter 8 [Ride]

2.3K 136 2
                                    

Chapter 8

"Sir, the workers are doing good and fine. I think, all of our workers with this orphanage are happy because of their big salary in this project." I heard the engineer said. Nasa gilid ako ni Luke habang nasa harapan naman niya 'yong contractor nitong orphanage.

"Nice. Any materials? Sakto lang ba lahat?" Luke's question.

"Base on the operating manager, okay naman lahat. Kung sakaling may kulang, we will call you immediately, sir." Luke nodded his head. Hawak-hawak ko ang payong niya. This is my work here, holding this freaking umbrella para hindi kami mainitan.

We still have not speak to each other since earlier. Hindi ko alam nagtatampo rin pala itong lalaki na 'to. Bahala siya, pakamatay siya.

Sinusundan lang namin ang contractor habang naglalakad, ako naman tagapayong niya ay inililibot ko ang tingin ko. Maraming manggagawa rito at halos malapit nang matapos ang bahay-ampunan.

I heard it's from him cousin and sila 'yong kompanya na nilapitan para ipagawa. What a nice family huh?

"Sir, this is the place for the entertainment of the orphans. And this is the receiving area for those people who want to adopt." We are listening to the engineer's words.

Pinapasok niya pa kami sa iba't-ibang kwarto at sa bed capsules ng mga iiwan dito sa ampunan. I badly wanted to sleep with those bed capsules and I used to think about how it felt. Mukang masaya naman.

Napag-isip-isip ko rin na ang hirap maging ampon. Mahirap in terms of hindi mo alam kung sino ang totoo mong mga magulang. Alam kong blood is no longer thicker than water nowadays, pero alam kong darating din ang mga taong inampon sa puntong tatanungin nila ang sarili nila.

Gaya ng, "Bakit ako ipinaampon?", "Wala ba akong kuwenta?", "Nasaan na ang mga magulang ko?". Pero ang ninanais ko lang ngayon ay mapunta sa tamang pamilya ang mga batang maaampon na magmumula rito.

"Okay, we will be back here maybe next week, hindi ba?" Tumingin sa akin si Luke kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ng engineer, ngunit hindi ko pa rin ito pinansin, I just ignored his stare.

"Um, Danny, we will be here again next week siguro or anytime soon. I'll be with my cousin's vice president. He will be sending his vice here soon. Siya ang magtitingin-tingin dito at bubusisi ng mga gawa ninyo." Magiliw na tumango ang inhinyero saka kami naglakad paalis.

"Nakakangawit naman..." mahinang bulong ko. Ilang saglit pa, naramdaman kong hinawakan ni Luke ang kamay ko saka tahimik na kinuha ang payong.

"Why didn't you just say that your hands are already tired holding this umbrella? I should be the one carrying this If you can't."

Napaikot ang mata ko.

"Kasi naman po, senyorito, trabaho ko po ang pagsilbihan kayo," I speak with enough sarcasm on my voice to make him feel frustrated at the same time to understand I'm his servant.

"Don't use that kind of tone to me, hindi nakakatuwa."

"Tumawa ba 'ko?"

"Hayst."

Nang makasakay na kaming dalawa sa kotse, hinayaan ko na ulit siyang mag-drive. Lumiko kami sa isang daan na halos walang mga sasakyan at parang liblib ang lugar.

I don't know pero siguro kapag ibang tao ang kasama ko at magdadala sa akin dito ay baka nagpanik na ako pero kung siya naman ay ayos lang and I do feel safe when he is around me.

He stopped the car and I gazed around. May nakita akong kubo at sapa sa tabi nito. Lumabas kami ng sasakyan at nauna na akong lumabas at pumunta sa kubo. Naupo ako sa upuang gawa sa kawayan. Umihip ang malamig na hangin at tumama sa mukha ko, dinama ko ito at ipinikit ang mata ko.

Fontabella 1: The Businessman's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon