5. Dare

2.8K 121 3
                                    



The surfing was excellent, and I had a good time. Well, most of it was just a deep stare from him. Until the night was over. Naging maingay ulit ang lahat sa loob bahay. The food was fantastic, and everyone was having a good time.

The next day, I woke up early to see the sunrise purposely. Nanna Skye told me that the sunset here on the Island is so beautiful, and she was right because I was smiling the whole time while watching it, dancing and climbing up high. After adoring the sun, I went to the kitchen straight away. I wanted to help the maids with cooking.

Ganito na talaga kahit sa Italya pa. Minsan may katulong kami at minsan naman wala. Maarte si Mommy, sobra, kaya minsan hindi rin nagtatagal ang mga katulong namin talaga.

"Wow! Ano 'to fiesta?" si Bria.

"Yaya ang bonga mo nama ah!" si Ava kay Yaya.

"Ay Ma'am si Faith po ang nag-ayos ng lahat ng ito hindi po ako. Siya rin po ang nagluto ng omelette at iba pa," ngiti ni Yaya sa akin.

Nilapag ko lang ang daing sa mesa. Napangiwi pa ako, dahil sa totoo lang hindi pa ako nakakain neto. Pero mukhang masarap naman 'ata ito. Sabi kasi ni Yaya mas masarap kapag maraming kamatis at sibuyas, kaya naghiwa na ako at ginawang decorasyon ito sa gilid ng daing.

"Wow, ang galing naman ng apo ko," si Lola Skye. Kakababa lang din niya mula sa hagdanan. Inalalayan pa siya ni Tadeo.

"Good Morning, Nana!"

Humakbang akong palapit at mahigpit na yumakap sa kanya. Mahina ang hakbang at naupo na sa mesa. Sumunod naman si Nonno rito. Nagmano na rin ang lahat sa kanila, at ng kompleto na ang lahat ay kumain na kami.

Like the other day, this day is no special at all. We looked around on everything, every shops and foods. Pasyal-pasyal at tingin tingin sa mga tao sa paligid. But what captures my attention is Lachie again. Nakaupo siya sa gilid na hawak ang gitara niya. Kasama niya sina Tadeo at Seth.

Lalagpas lang sana kami ni Bria, pero nahinto na rin at lumapit sa kanila. Napako lang ulit ang paningin ko kay Lachie, na ngayon ay nakangiti sa katabi niya.

"Faith!" si Anton sa gilid.

"I have something for you." Sabay bigay niya sa bulaklak na hawak.

Nag-ingay pa ang lahat na nandito at napuno ng kantyaw sila kay Anton.

"Pwede bang umakyat ng ligaw?" si Anton sa akin.

"Ha?"

"Oh no! Hindi pwede!" Irap ni Bria.

"Ang baduy mo, Anton at si Faith pa talaga! Noong nakaraang buwan si Anette ang nililigawan mo. Huwag na! Basted ka lang din kay, Faith," tawa niya.

Napailing na ako na natawa. Natawa kasi silang lahat at nakakatawa nga naman ang hitsura ni Anton ngayon.

"Ikaw naman. Wala na agad ako pag-asa!" reklamo niya.

"Wala, bro. May nagmamay-ari na niyan," pa-simpling tugon ni Tadeo.

Natawa na sila at napakamut na siya sa ulo niya.

"Join us tonight, Anton. We'll have a singing session. Kung papasa ang boses mo, may pag-asa ka kay, Faith," tawa ni Riley.

"Cool!" Taas kamay niya.

Natawa na ako. Nakakatawa nga naman siya. Naalala ko lang ang kaklase ko noong high school na si Medot Van. Parang baliw iyon at kagaya rin niya at hindi rin nagkakalayo ang hitsura nila.

Everything After ✅Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora