6. Butterflies and Pink Roses

2.7K 109 2
                                    





Dalawang araw rin akong wala sa sarili dahil panay ang kantyaw nila sa akin.

This is Tadeo's fault! Where did he get the idea of this anyway?

But Bria told me that it's not a big deal. Dahil hindi naman talaga nananalo ang team nila. They've been into this competition for the past three years, and they didn't won. Magagaling talaga ang mga kalaban at mahihirapan lang din na manalo sila ngayon.

I felt okay but at the same time I feel sad. E, sa gusto kong maka-date si Lachie! Wala naman sigurong masama kong mangarap ako 'di ba?

I shook my head while putting my morning routine on my face before getting downstairs and joining them for breakfast. Inayos ko na ang sarili pagkatapos nito at bumaba na ako.

"Good Morning, Faith. Pink Roses for you," bigay ni Yaya sa akin.

Tinangap ko naman 'to at ngumiti na. May maliit na mensahi ito sa ibabaw kaya binasa ko na.

Faith,
Sisimulan ko na talaga. Fresh morning roses for you.
Lachie

Napangiti na ako at inamoy pa ito. Nakita ako ni Yaya, kaya ngumit na din siya.

"Ang aga nga niya kanina, Faith. Pero huwag kang padadala sa mga da-moves niya! Kasi halos ganyan naman talaga si Lachie sa lahat ng babae rito," si Yaya sa likod ko.

"Talaga? Really? So mauubos ang pera niya kung gagawin niya 'to sa lahat ng babae rito?" Taas kilay ko. Nainis na tuloy ngayon.

"Ay, nagpadala din siya noon sa birthday ni Bria, Maya, Ava at iba pa. At kahit mga espesyal occasion pa. Mabait naman talaga...kaya huwag mo na bigyan ng malisya," sabay lapag niya ng niluto niya sa mesa.

Maaga pa kasi at tulog pa ang mga pinsan ko. And here am I again, waking up so early with all my morning routines. Hindi pa 'ata nakuha ng katawan ko ang adjustment dito.

"Ano bang meron ba't binigyan ka ng bulaklak?" si Auntie Bebe sa gilid. Kararating lang niya galing palenke.

"Ewan ko sa mga batang ito!" si Yaya sa kanya.

Lumapit na si Auntie Bebe at binasa ang mensahi dito.

"Ah, kay Lachie galing," ngiti niya sa akin.

"Porke't bago ka dito, Faith. Mukhang ikaw na naman ang pinag-fiestahan nila ha," namaywang na siya at inayos na ang pinamiling itlog at nilapag sa mesa.

Umupo na ako at nakangiting humarap sa kanya. Ava told me that Auntie Bebe knows everyone here in the Island. Kung may gusto raw akong itanong sa kanya na ako magtanong. Dahil lahat naman halos sa kanila walang alam masyado, dahil kagaya ko nagbabakasyon lang naman sila rito.

"Si Lachie, Auntie. Where is he from? What do his parents do?"

Huminto siya sa ginagawa at tinitigan na ako.

"Bakasyonista rin na kagaya mo. Pero mukhang dito na 'ata titira ang batang iyan. Ewan ko! Ang gulo din kasi ng mga magulang niya."

"What do you mean, Auntie Bebe?"

"May negosyo sila sa kabilang Isla, Faith. Doon sa pinakahuling bahagi rito. Malapit sa tabing dagat. Doon din ang bahay ko, anak," ngiti niya.

"Talaga po?"

"Kung gusto mo, bukas isasama kita mamalengke tayo at ng makita mo naman kung saan ako nakatira. Iyan ay kung gusto mo."

Kinuha na niya ang mga gulay at nilagay na sa basket ito.

"At ano na naman ang ituturo mo kay, Faith ha?" si Yaya sa kanya.

"Lahat sila tinuturuan mo talaga," tawa ni Yaya sa kanya.

"Ay, mas mabuti ng matutu si Faith. Para hindi maluko ng mga lalaki rito."

"Narinig mo, Faith? You learn from her advice and keep away from the boys here," si Yaya sa akin.

"Opo, I will..." Tango ko.

"Na hala. Let's prepare this all before everyone comes here."

"Oy English 'ata 'yan ah," kantyaw ni Yaya kay Auntie Bebe. Nagtawanan na sila at nakisali na ako.

Nang handa na ang umagahan ay nagising na ang lahat at sabay na kaming kumain. As usual, everything is the same. The noise, the fun and the excitement. Wala 'ata araw na hindi ako tatawa dahil sa mga pinsan ko.

I did email to Hope and she's busy with her summer on job training in the company. Iba nga naman siya sa akin, dahil napaka career minded niya talaga.

Dumating ang hapon at nag praktis na silang magbarkada ng banda. Mukhang seryoso nga naman sila, dahil siguro nakatingin kami ni Ava at Bria ngayon dito sa loob ng practice room. It's a sound proof area and was luxuriously built by Tito Luther, Tita Amber husband.

Puro kantyaw rin ang nangyayari rito. Wala pa si Lachie, dahil may inaasikaso pa, kaya panay lang din ang praktis nila na walang vocalist. Hanggang sa bumukas na ang pinto at iniluwa siya rito.

"Pasensya na. Nahuli ako." Sabay upo niya at hawak ang gitara.

Halata ang basa sa buhok niya. Umulan kasi sa labas, pero hindi naman malakas ito. Nahinto and laro ni Bria sa Ipad niya at kasamang nag-angat nang tingin kay Lachie ngayon. He brushed the strand of his wet hair using his band and smile towards us. Well, he actually smile to Maya and Bria first before looking at my direction.

My heart fluttered before he smiled at me. Malinaw pa sa sinag ng araw ang ngiti niya sa akin. Madali nga lang ito, pero nalusaw na ang puso ko. My goodness! If flirting is like this, then he has already blindly caught me.

"Woah! Ready na!" sigaw ni Maya.

Kanina pa rin kasi siya naghihintay na ma-tama ng husto and tugtug nila. Pumwesto na nang maayos si Bria at nakangiti na akong pinagmamasdan sila ngayon. Nang magsimulang pinatunog ni Riley ang drums hudyat na ang pansimulang kanta ng grupo. Natahimik na kami at napukaw ang puso ko ng marinig ang magandang boses ni Lachie.

Tumili na si Bria at Ava dito. I placed my hand in my chin while watching him singing. To tell you honestly, Lachie's got a golden voice. Siya 'ata ang nagbibigay kinang sa grupo ngayon. He's eyes were even shut when he started singing and I sing with him too. Parang musika ang tainga ko ang boses niya.

Maya took a video and Ava did the same. Samantalang ako? Ni walang nagawa rito. Panay lang din kasi ang titig ko sa kanya ngayon. Hanggang sa ang mga mata niya ay napako na sa direksyon ko.

I don't know what it is but I feel all the butterflies in my stomach jumping in pieces! Everything inside here is like a bed of butterflies and garden. Ito lang ang nakikita ko ngayon habang pinagmamasdan siya. Sana nga lang manalo sila, kahit papaano ay mas gusto ko pa siyang makilala ng buo.

He looked at me again and smile and I did the same. Tinulak na ako ni Ava ngayon, dahil nahahalata niya siguro ito.

Ano ba 'to! Ba't ba kinilig ako ng tudo! Imbes na yumuko sa sarili ay parang ang kapal na ng mukha ko. I won't turn away from him. Kung tititig siya, mas titig din ako. At kung ngingiti siya sa akin ay ganoon din ang gagawin ko sa kanya.

Uminit na ang mukha ko at naalala ko lang din ang bulaklak na bigay niya kaninang umaga. Nakangiti na ako na parang nasa ulap lang din ngayon. Ang baliw talaga ng puso ko at sana naman manalo sila sa pa-contest na ito.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now