33. Bygones

3.2K 132 3
                                    



I was furious with the two yaya's. Kinuha muna ni Bria si Ethan habang panay ang sermon ko sa kanilang dalawa. I've told them that they should stick like glue to Ethan. Nevertheless, they will go to the toilet.

Matagal na sa akin si Yaya Neyah. Mas mapagkakatiwalaan ko siya kaysa kay Fe. She was already with me before Ethan was born. Kaya alam niya ang pinagdaanan ko noon. Parang Ate ko na siya, pero minsan nalilimutan ko na ang estado niya sa buhay ko at parang yaya na lang din ang turing ko sa kanya.

Lumabas na si Yaya Fe at mas inayos ko na ang lahat ng gamit ko. Next week will be Maya's wedding and I want to end this vacation soon. Kaya napagdecisyonan kong mas mabuti ng bumalik na kami pagkatapos ng kasal ni Maya.

"Ma'am, Faith. . ." mahinang boses ni Yaya Neyah.

"Hmm?"

I turn towards her in a serious manner. I'm so occupied with other things and my mind is not working at it is. Kahit anong gawin ko ay hindi maalis sa isip ko ang walanghiyang mukha ni Lachie!

"I'm sorry, Faith. . ."

I sighed deeply while staring at her. When she called me by my name, she's reminding me of who I was before and what I was to her before. Hindi naman ako dating ganito at mas malapit ang puso ko sa kanya. Kaya higit na pinagkakatiwalaan ko siya.

"I'm sorry too, Yaya. Ibigay mo na ang ibang trabaho kay Fe at kay Ethan ka na lang din. Always stick to him even when it comes to playing."

"Oo, Faith. . . Tumawag nga pala ang Daddy mo kanina. Hindi ka raw sumasagot sa tawag kaya sa akin na siya tumawag," ngiti niya.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa gilid at tiningnan ito. Nakailang miscalls nga naman si Daddy sa akin. Tumango na ako kay Yaya at umalis na din siya sa harapan ko at lumabas na. I've dialled Dad's number and it rang.

"Faith," tigas na tugon ng ama ko.

Boses pa lang ng Ama ko ay agad ng napukaw ang utak ko. Sa kanilang dalawa ni Mommy ay kay Daddy ako natatakot talaga ng tudo. Kaya pinagbubutihan ko ang pamamalakad sa tatlong kompanya na pinagkatiwala niya sa akin. Pero tinangal niya ako sa isang branch namin sa Greece, dahil gusto niyang magkaroon ako ng oras kay Ethan.

"Dad. Sorry, I was busy fixing Maya's dress and - Ba't ka pala napatawag, Dad?"

I stopped at the first sentence. Ayaw kong sabihin sa kanya na nawala si Ethan kanina at naging abala ako na parang baliw dahil sa paghahanap sa anak ko.

"How's my little boy?" kalmadong tanong niya.

"He's okay, dad. Natutulog na."

"That's good that you're having quality time with him, hija. I'm happy. . . And by the way, the main branch in Makati can you manage it for the time being while you are there?"

I cleared my throat and swallowed hard. Kumunot na ang noo ko at hindi ko maintindihan ito. Gusto ko na sanang bumalik na kami ni Ethan sa Italya pagkatapos ng kasal ni Maya. Pero mukhang mahihirapan na naman ako nito.

"Your brother cannot make it through the board of directors meeting. May bago pa namang investor na nakapasok na. It is very important because a new project is on the line soon. I hope I can count on you, hija."

Napangiti na ako. I feel so confident that Dad trusted me again, and that alone completes me.

"I will, Dad. Don't worry."

"That's great. I'll get Anton to organize everything for you. Do you want to use the condo near Maxi or the one near Monde?"

Napaisip na ako. Mas iniisip ko ang pinakamalapit na condo sa building mismo para 'di na ako mahirapan. Nasa akin pa naman si Ethan. I was about to say it but he cuts me off.

Everything After ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon