21. Live

2.1K 93 6
                                    


Imbes na magkikita kami ngayon ay hindi na muna. The two families plan for a picnic in the other Island at nandito kami ngayon. Russel's family are here and so us. We are all complete and having a good time. Maliban nga lang sa akin na medyo naiinis nadin kay Lachy.

Naiinis ako dahil palagi niyang pinamumukha sa akin na kulang pa siya para sa lahat. Para sa akin hindi na kailangan na patunayan niya iyon, dahil siya lang mismo ay sapat na. Pero iba siya, ibang iba...

"Ready for a swim, Faith?" si Bria sa akin.

We are all in our bikinis. May malaking pool dito na nakaharap sa dagat. Lumundag na si Bria at Ava at sinadyang binasa ako ng tubig.

"Come on, Faith!" si Ava.

"Oo na," sabay lundag ko.

Nagkatuwaan kami sa pool habang pinagmamasdan ang grupo nina Tadeo. Russel is with them and every now and then he had his glance towards us. Panay ngiti lang din.

"Si Tadeo ba at Russel magkasama sa iisang school?" tanong ko.

Wala kasi akong alam, dahil hindi kasi ako interesado sa kanya. Pero ngayon na madalas kasama ang pamilya niya sa mga lakad namin at panay bisita sa bahay, ay na iintriga na ako talaga.

"Oo," sagot ni Ava.

"Pareho din sila ng kurso ni Kuya. Pero iba nga lang si Russel. He always like to do a short term course abroad. I believe he finished two short term courses in Greece and Italy," tugon ni Bria.

"Ah, okay. Napapansin ko lang kasi na panay ang bisita na nila sa bahay. Close ba sila ni Tita?" tanong ko ulit.

"Ay, oo! Best friend ni Mommy ang Mommy niya. And they used to own this Island too. Ang daming gustong bumili ng Islang ito noon at a peak price, pero hindi binigay ni Tita Emma sa iba, dahil gusto niya kay Mommy mapunta. Kaya heto kami na ang bagong may ari nito," tugon ni Bria.

Napatango na ako. That explains why...

"You've told me before that you find Russel weird? Why?" tanong ko sa kanya.

"Well, because he's so aloof. Ngayon lang din naman siya nagbago pagkalipas ng iilang taon. Probably the travel helps him coming out on his own shell," titig ni Bria sa kanya.

"He's not bad after all. Ang daming nga'ng may gusto sa kanya sa school. Kaso kagaya ni kuya ang snob lang din."

"But I'm so surprised because he's too affectionate on you, Faith. Hindi niya kinahihiya at lantaran talaga," si Ava.

"May ipinagmamalaki naman kasi." Pinaikot lang din ni Bria ang mga mata niya.

"I hate boys like that. Gusto ko iyong nagsimula sa wala tapos nagsisikap talaga," pagpatuloy ni Bria.

"Ang arte mo! As if naman ganyan ang ugali ng taong nagustuhan mo. E, ang badoy ng crush mo," kantyaw ni Ava sa kanya.

"Mas badoy ang sa'yo. Unrequited love!" Pabagsak niyang tawa kay Ava.

Natawa na akong nakikinig sa kanila. Nakakatawa nga naman silang dalawa. Napatingin ulit ako kina Tadeo at Rusell at kumayaw pa sila sa amin. Tinawag nadin ni Ava sila para lumangoy na.

Nang makaapak sa pool ay naglaro ng habulan at nakisali ako. It's boys vs girls. Ginawa naming patentero ang pool. Ang saya at nakakatawa. When it's my turn to run and Bria was on the other side, it was a thrill. Mabilis ang langgoy ko at ang ingay at kantyaw nila. I always get the score as Russel's was too shy to catch me.

"Ano ba 'yan, Russel! Sinasadya mo e. Hulihin mo na, dahil kung hindi ay maunahan ka at matatalo ka!" Pasigaw ni Seth, at natawa na ako.

The score is even, and if I can cross safely without Russel's catching me, we'll gonna win.

"Go, Faith!!" sigaw nilang lahat.

"Teka lang! Ang hirap kaya lumangoy!" tawa ko.

"Huliin mo, Russel! Yakapin mo! Shit!" mura at tawa ni Seth.

I looked at him and he's so damn serious! Kanina panay ngiti lang siya, pero ngayon iba na ang titig ng mga mata niya.

"Will you let me cross, baby?" Pa-cute ko, para-paraan ko lang para malinlang ko siya.

"Waa ang daya ni, Faith! Dinadaan sa sweet talk si Russel para manalo. Hey, that's bad!" kantyaw ni Riley.

"It's all a game!" sigaw ko at tawang tawa na.

"I'm gonna catch you, Faith and I are not gonna let go," tiim-bagang niya.

Natawa na ako. "Really?"

"Go!" sigaw ni Bria.

Sabay kami ni Bria, at mabilis ang langgoy niya. Nahuli ni Tadeo at si Ava at nakapasok na si Bria. Humarang si Riley at seryoso pa ako kay Russel. He look at me seriously and shifted his moves. Pumasok ako at lumangoy nang mabilis. Everyone is screaming and that includes our parents. They're all watching. I can see the finish line and I'm gonna win this!

"Got yah!" matinding yakap ni Russel sa akin.

Sumigaw si Tita at pati na rin ang Mommy ni Russel. Hiningal pa ako, sayang nahuli lang din at nahuli rin si Bria, kaya nagkakagulo na sila sa sobrang inggay.

"Ang daya niyo, kuya!" Pasigaw ni Bria.

Rinig ko lang din ang tawa ng lahat at mabilis ko nang pinunasan ang mukha ko. Umulan kasi ng tubig sa boung paligid kaya napapikit mata na ako. Hindi pa rin bumitaw si Russel sa pagkakayap sa akin kaya napatitig na ako sa kanya. Litaw naman ang dalawang dimple niya. Lumundag ang puso ko ng maalala si Lachie, meron din kasi siyang dimple sa bawat pisngi. Hindi ko napansin ito kay Russel, magkahawig pala sila.

"We won," ngiti niya at bumitaw nadin.

"Oo na ang daya..." Irap ko at lumapit na ako kay Bria.

When I looked at Tita Amber and Tita Emma they're on their phone, and seems like they're talking to someone. Nang umahon ako napansin kong sina Mommy, Daddy ang kausap nila. Kumaway na ako. Naka-live pala ito.

"I see that. Was that your boyfriend, Faith?" sing it ni Hope sa live video.

"Hindi ah!"

Pero mas humataw ang inggay ng lahat nang lumapit si Russel sa likod ko at kumaway sa mga magulang ko sa phone.

"Hello, Tita, Tito. I'm Russel De Falco," kaway niya at humawak nadin siya sa balikat ko. Pero madali lang naman ito dahil bumitaw din agad siya.

"Anak ko 'yan, Venette!" ang Mommy ni Russel. Tumabi na siya sa akin.

"Really? Si Russel ba 'yan ang laki na at ang gwapong bata," ngiti ni Mommy.

Umatras na ako at sumenyas lang din. Lumapit na ako sa mesa, dahil gutom na ako talaga. I grab a plate and put some food on top of it.

"Oh my god! Are we live?" si Bria kay Ava.

"Sinong nag live?" tanong ni Maya. Nasa gilid lang din siya.

"Ang Mommy ni Russel, at gamit ang account niya. Ang cute ah. Mama's boy talaga," pabulong ni Bria.

Ngumiti na ako at tumabi na sa kanila. Tiningnan ko pa ang video na naging live kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nabasa ko ang pangalan ni Lachie at ni-like niya ito. Kaya kinuha ko muna ang phone ni Bria at mas pinanood ang video. My jaw drop when I saw the video of us, when Russel caught and hugged me while everyone's teased and laughs.

Mabilis ko rin na binalik ang cellphone kay Bria at kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko. And I was right, I have one message from him.

His message to me:

"What a great video. Did you have fun with him while he's hugging you?" angry emoticon niya at napalunok na ako.

,

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now