13. Tita Amber

2.2K 101 5
                                    


He hugged me tightly after putting back my clothes. Siya pa mismo ang nagsuot sa akin nito. Nawala ang pag-aalala sa puso ko. Alam ko naman na hindi niya ako pababayan at alam kong mahal na mahal niya ako.

Tumigil na ang ulan at dumilim na ang langit. Tinapos lang ko lang din ang mainit na tsokolate na tinimpla niya bago kami bumaba ng tree house.

"Uuwi na ba si, Faith?" tanong ng katulong nila.

Nakatingin siya sa amin ni Lachie ngayon at may supot pa siyang bitbit.

"Oo, yaya. Ihahatid ko lang. Gagamitin ko ang kotse ni Daddy."

"Sige. Dalhin mo na 'to, Faith. Sa Mommy mo 'yan galing, Lachie," tugon ni Yaya sa kanya.

"Salamat po."

Nakababa na kami at ngumiti na ako sa kanya. Hinintay ko lang din ang sasakyan ni Lachie at tumabi na si Yaya Kuring sa akin. Nasa edad singkwenta'y kwatro na siya at naging matandang dalaga na.

"Hija, hindi naman sa nakikialam ako. Pero sana magtapos muna kayo ng pag-aaral ni Lachie. Mataas ang pangarap ng Daddy niya sa kanya. Kaya pinag-iigihan ang trabaho kahit na nalulugi na ang negosyo nila," seryosong tugon ni Yaya.

Napakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Parang sampal kasi sa mukha ko ngayon ang sinabi niya. Katangahan nadin siguro. Ang tanga ko talaga! But I'm hoping that whatever happened today will not bloom into something stupid. I'm in love and I can't deny that. Mahal na mahal ko siya at totoo nga naman, nagiging bulag na ako ngayon.

"Opo, Yaya... Alam ko po," hiyang tugon ko.

"Dalawang taon na lang at ga-graduate na si Lachie. Ikaw? Anong kurso mo, Faith?"

"Ho? Ah, E, wala pa po... Sa susunod na pasukan pa po ako papasok sa University. I might take up Accounting," ngiwi ko.

Hindi ko naman kasi type ito. Pero parang wala na rin akong choice, dahil ito rin naman ang kinuha ni Hope. At para ano pa kung iiba ako? E, sa negosyo lang din naman namin ang bagsak ko!

"Kung para kayo sa isa't-isa makakapaghintay ang tadhana, hija," ngiti niya.

Tumango na ako sa kanya. Tama nga naman siya. Nahinto lang din ang sasakyan sa harap namin at lumabas na si Lachie mula rito. Binuksan na niya ang passenger's side at maingat na pumasok ako.

Nakangiti akong nagpaalam at nagpasalamat kay Yaya Kuring. Mabait naman talaga siya. Pero mukhang alam niya ang nangyayari sa amin ni Lachie. Nakakahiya lang din.

Ang galit na mukha ni Tita Amber agad ang sumalubong sa amin.

"Faith! Kailan ka pa natotong magsinungaling?" Pamaywang niya. Nakataas ang kilay niya habang pinagmamasdan ang pagbaba ko sa kotse. Kinabahan na ako. 

Finally, she caught me. After all the lies, she probably knew everything by then.

"Maganda gabi po," bigay galang ni Lachie kay Tita Amber.

Hindi umimik si Tita at tumaas lang ang kilay niya kay Lachie. Nag-iwas siya nang titig sa akin at napako ang paningin kay Lachie ngayon.

"Ano bang pinag-gagawa mo sa pamangkin ko, Lachie? If you are sincere you should ask me and Jamie formally! Hindi iyong nagtatagpo kayo nang palihim!"

Napayuko na si Lachie at maingat akong humakbang palapit kay Tita.

"Your Mom is looking for you the whole day! Hindi ka man lang nag videocall kahapon. Hindi ka sumama sa Isla dahil sabi mo sasama ka kay Bebe. Iyon pala sa lalaking ito ka sumama, Faith!"

"Sorry po, Tita. Kasalanan ko po," si Lachie kay Tita Amber.

"Shut up, Lachie! Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

Tumakbo na papasok si Bria. Nasa gilid lang kasi siya. Halatang takot din sa Mommy niya.

"I'm sorry, Tita..." yuko ko.

"From now on, you can't go anywhere without your cousins!"

She darted her stare straight at Lachie. She was about to say something, but Tito Jamie came into the scene.

"Ano na namang eksena ito, Mahal." Yakap ni Tito kay Tita ngayon. Ngumiti agad si Tito sa akin at kinindatan niya lang si Lachie.

"This little girl here is giving me a headache! Venette will definitely kill me!"

"Ikaw naman. Hayaan mo na. Nag-eenjoy lang naman si Faith habang nagbabakasyon dito," yakap ni Tito kay Tita.

Sumenyas na si Tito sa akin na ibig sabihin pasok na ako sa loob. Tumango na ako at nilingon si Lachie. Kumaway na ako sa kanya at mabilis na humakbang papasok sa loob ng bahay. Nakita ko rin ang pagyuko ni Lachie kay Tito at Tita at ang pagpasok niya sa sasakyan. Umuwi na rin siya.

Hinila agad ako ni Bria papasok sa kwarto niya.

"I've told you to get home before us, right? Nahuli ka tuloy ni Mommy."

"E, umulan kasi ng malakas at 'di ako nakauwi agad." Sabay upo ko sa kama niya.

Hinubad ko na rin ang damit ko dahil basa ito. Lumapit agad siya at hinawakan ang likod ko.

"What happened to this?" Sabay turo niya sa likod ko.

Kinabahan na ako. Don't tell me Lachie leaves a kiss mark on me? Patay talaga oh!

"Ha? B-bakit? Anong meron sa likod ko?"

"Ba't may pasa ka?"

Nakataas na ang kilay niyang humarap sa akin. Ngayon ko lang naalala na tumama ang likod ko sa gilid ng puno. Meron kasing maliit na sanga ito. Nakuha ko ito sa pag-akyat ko sa puno, dahil hindi ko ginamit ang hagdanan noong nakaraang araw.

"Sa tree house," wala sa sarling tugon ko.

"You mean, pumunta ka sa tree house ni Lachie?" kunot-noo niya.

"Oo, imbes sa hagdanan doon sa puno kasi ako umakyat. Nagkatuwaan lang naman kaming dalawa. Umakyat lang din." Sabay iwas ko ng titig sa kanya. Kinabahan pa tuloy ako, baka kung ano na ang isipin niya.

"Hindi nga ako pinapayagan ni kuya noon na umakyat sa tree house na 'yon. Ikaw pa! Alam mo bang wala pang babaeng nakaakyat sa tree house niya? Ano bang nasa loob?" Ngiti niya habang nakatitig sa akin.

"Ha? Well, just a normal tree house... May maliit na ref at iilang kumot siya."

"Omg! Doon ba siya natutulog?" Kurap ng mga mata niya. Napalunok na ako.

"Ewan ko! Tumingin lang naman ako at bumaba na rin. Sa loob kami ng bahay nila ano!"

Tumayo na ako at nagtungo na sa banyo. Sinara ko agad ito. Kinabahan na kasi ako. Sa kwarto kasi ni Bria ako natutulog. Share kami ng higaan habang nandito ako. Kinatok na niya ang pinto ng banyo.

"Faith walang shampoo diyaan. Kukunin ko muna, okay."

"Sige!" pasigaw na tugon ko.

Nakahinga na ako nang malalim at tinangal ko na ang panghuling saplot na damit ko. Napatingin pa ako sa underwear na may bahid ng dugo. Bumalik lang sa alaala ko ang nangyari sa amin ni Lachie ngayon. Napapikit-mata na ako. Ang tanga ko talaga, pero hindi ko naman pinagsisisihan na siya ang naging una dahil mahal ko siya at alam ko na mahal niya rin ako talaga.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Everything After ✅Where stories live. Discover now