18. Russel

2.1K 89 2
                                    



The day was busy, may bisita na naman kasi si Tita Amber. Ngumuso pa si Ava dahil sa utos ng Mommy niya. Kailangan niyang ihatid sa kabilang Isla ang iilang gamit para sa kaibigan ng Mommy niya. I felt sorry for her, kaya sinamahan ko na. I've missed Lachie so much. It's been two days and we cannot do a video conversation because of the schedules. Kaya panay text lang din kami sa isa't-isa.

Nang makarating kami ni Ava sa bahay ng kaibigan ng Mommy niya ay agad naman na pinapasok kami sa bahay nito. I even looked at the antique collections in displays around. Ang dami nilang koleksyon at sa tingin ko mamahalin pa ang iba nito.

Dad is the same and Mom too, but Dad is worst when it comes to this. Kaya alam ko sa sarili ko kung ano ang mahal at kung ano ang hindi.

Napako ang mga mata ko sa isang abstract painting sa dingding. Napalunok pa ako dahil kilala ko ang tanyag na pintor na ito. Dad holds most of his possessions too. He's a friend, an old friend of Dad in Greece.

"Mahilig ka ba sa painting?" boses ng isang lalaki.

Hindi ko siya nilingon at nakatitig lang din ang mga mata ko sa painting sa dingding. Wala si Ava dahil nasa itaas siya at naiwan ako sa baba.

"Yes, my Dad is a big fan of theirs and he's a friend."

"Really? Alam mo ba na nahirapan akong kunin 'to. Kahit na ito ang pinakamura sa lahat ng obra niya ay nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay meron akong gawa niya sa koleksyon ko."

"Talaga? Ang hilig mo rin pala sa mga ganito," sabay tingin ko sa iba pa.

"I like them, and most of his abstract painting delivers a different story for me. Ang iba nakakakilabot at nakakalungot."

Napakunot noo na ako at nilingon ko na siya ngayon. Ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. I think he's on his twenties, o baka naman kasing edad na niya si Lachie. Pero ngayon ko lang siya nakita.

He look so neat and well preserved. Pormal ang tayo at pananamit niya. Hindi siya kagaya nina Tadeo at Riley, na kahit pa may pera ay walang silang pakialam sa hitsura nila. But this man in front of me is different. I somehow feel that he's a perfectionist too. Not just by the way he looks but by nature.

I smile at him and he did the same way. He was about to open his mouth to talk but then someone caught our attention.

"Russel?" ang boses ng isang babae na pababa sa hagdanan ng bahay nila.

"Oh, you never told me that you have someone with you, Ava?" arteng tugon ng babae. Kasing edad din siya ni Tita Amber.

"Sorry, Tita. Si Faith nga pala pinsan ko. Hindi siya tagarito, taga Italya po nagbabakasyon lang," tugon ni Ava sa kanya.

"Good afternoon, po," bigay galang ko.

Maarte siyang bumama ng hagdanan at nakatingin lang din sa painting na tinitigan namin ngayon ng anak niya. Katulad din nito ay prominante din ang hitsura. I can see that they are the same.

"Mahilig ka rin ba sa paintings, hija?"

"Ahm, slight lang, si Daddy ko ang mas mahilig po."

"Who's your mom?" arteng tugon ulit niya.

Napatingin na ako kay Ava na ngayon ay umiikot ang mga matang pababa ng hagdanan.

"Venette Benevente Turner-Mondragon," ngiti ko.

Namilog lang din ang mga mata niya at napalunok na din. Mariin niyang inayos ang salamin na suot at lumingon kay Ava na ngayon ay nakababa na.

"Ava, you never told me that Venette's daughter is here on this Island!"

"Sorry po, Tita. Ayaw kasi ni Mommy na ipagkalat. Alam mo na," ngiwi ni Ava.

"Oh, that makes sense anyway. This is my son, Faith, Russel. He's been to Rome, Greece and Italy. Studying and-"

"Mom that's enough, please," putol ni Russel sa ina.

Tumaas ang kilay ng ina niya at ngumiti nadin.

"Tita, we have to go. May gagawin pa kasi kami." Sabay hila ni Ava sa kamay ko.

"Oh, okay. Nice meeting you, Faith," arteng kaway ng ina ni Russel sa akin.

"Bye!" Pilit na ngiti ko kay Russel.

Mabilis ang hakbang namin at agad na pumasok sa kotse. Si Manong ang nagmaneho ngayon. Maglalakad sana kami pero alam mo naman si Ava, ayaw niyang maglakad kahit na malapit lang ito rito.

"Don't be friends with him. Ang weird ng lalaking iyon. I mean weird si Russel. He's always have this dark side na parang ewan. Eww, creepy." Sabay haplos niya sa balikat niya.

"Really? He seems okay to me. We had a quick chat and his interest are in paintings too."

"Don't be too close to him, Faith. I'm telling you now."

Hindi ko na pinansin si Ava at napalingon na ulit ako sa bahay niya. Hindi pa naman kami tuluyang nakaalis dito. Napako lang din ang mga mata ko sa bintana nila sa ikalawang palapag, at nakita ko tuloy ang mukha ni Russel. He's staring at us at this far.

Nang makabalik kami sa bahay ay nagutom at napagod ako. Tamang tama rin dahil nakahanda na ang hapunan naming lahat. Bumababa sina Lolo Liam at Lola Skye. Inalalayan ko pa sila. I haven't seen them for two weeks as they went to the separate Island.

The dinner was ended with so much laughter and chitchat. Everyone was happy and so is me. At nang matapos ang lahat ay agad lang din na nag ayos na ako. I take my time with my night time routine with Bria while waiting for Lachie's messages. Napapansin ko rin na medyo naging abala na siya. Mahigpit siguro ang turo sa kanila.

But what always gives me a surprise is Bria. Panay ang pakita niya sa akin sa mga litrato ng gig nila ng banda.

There was this picture of Lachie singing in one of the bar and a girl kissed him on his cheek. May isa pa na panay ang hawak sa kanya habang nag picture taking, at marami pa. I know he have to act nice to them. Pero bakit parang kinuhurot ang puso ko. Iba kasi ang ngiti ng mga mata niya. Umaandar ang pagiging pilyong ngiting chickboy nito! Ay ewan ko lang din ah!

Me to Lachie:
[Love, ang tagal mo.] Sad emoticon ko.

Lachie to Me:
[Sorry, Love. Ang abala kasi at ang daming tao. Nakakapagod na pero kaya pa naman. How are you? How's everything?]

Me to Lachie:
[Yeah, all good and the whole family is here. We're all having fun. Are you having fun there too?]

Gusto ko sanang magtanong tungkol sa iilang mga babae sa mga litrato. Pero alam ko naman ng mga fans lang din naman ito, kaya hindi na ako nagtanong pa.

Lachie to Me:
[Yeah, busy love. I'm so sleepy now... I'll talk to you tomorrow okay? Love you.] heart shape na emoticon niya.


C.M.LOUDEN/Vbomshell

Everything After ✅Where stories live. Discover now