20. Misunderstanding

2.3K 90 11
                                    


I was so excited to see him today. Maaga pa akong nagising dahil alam kong ngayon ang dating nila galing Manila. Napansin pa tuloy ni Tita Amber ang sigla ko, kaya napangiti siya.

"Waiting for someone this early, Faith?"

"Um, no Tita. I'm just happy," ngiti ko at mas ngumiti siya.

"I've invited Russel's family tonight for dinner. Nanliligaw pala sa'yo si Russel? Do you find him cute and attractive?"


Napawi ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pangalan ni Russel sa kanya. I know that Russel's mom and Tita are close friend. Madalas din sila rito sa bahay. Napapansin ko ang madalas na dalaw ni Russel. Kahit na wala ng pabulaklak dahil inayawan ko, ay hindi naman nahinto ang mga padalang tinapay at minatamis niya sa akin.

Tinatangap ko ito mula sa kanya. Wala naman 'atang masama roon. At alam naman niya na may boyfriend na ako ngayon. Si Tita lang 'ata ang walang kaalam-alam na opisyal ko ng boyfriend si Lachie. Siguro sa tingin niya ay nanliligaw padin ito sa akin.


"Ahm, he's cool and nice, Tita. There's nothing wrong about him," tipid na ngiti ko.

"Oh, that's great! You know, Faith. Ang bata mo pa. And if ever ako si Venette. Hindi kita papayagan na mag-boyfriend. I know Lachie is courting you, Faith. Huwag mo munang sagutin, hija. Love can always wait in time. If it's meant to be then it's meant to be."

I swallowed hard while she was smiling at me. I felt so guilty in front of her. I lied and I don't know if I can tell her the whole truth. Lahat kami takot kay Tita.

"Anyway, have fun! Ngayon ang balik nina Tadeo at Riley kaya maghahanda na ako. Ipapasundo ko pa sila."

"Okay, Tita," ngiti ko.

Inayos ko na ang sarili at tinulungan ko na lang sina Yaya at Auntie Bebe sa kusina. I even send messages to Lachie asking if he'll visit tonight. Wala pang reply sa kanya, baka nasa himpapawid pa.


After five hours while busy yapping and chatting to Ava. We've heard the Van stopped in front of the Villa. Makikita naman kasi naman ito rito dahil nasa ikatlong palapag kami ng balkonahe ng bahay. At nang makita namin na lumabas sina Tadeo at Riley ay napasigaw si Bria rito.

Patakbo siyang bumama at sumunod na ako. Sinalubong namin sila lahat. They look exhausted, lalong lalo na si Tadeo. Si Riley naman ay hyper pa din ang dating. Bria only wanted one thing and that's the pasalubong, at marami nga naman ito. Siya pa mismo ang kumuha sa iba. Pero iba ang hinahanap ng mga mata ko... Si Lachie.

It was Tita Amber that came out last after everyone. Sinarado na niya ang van at wala ng tao pa rito. Nalungkot ako, akala ko kasi dadalo muna siya rito, pero hindi naman pala. Tiningnan ko ang cellphone, at naka-seen naman ang mensahi ko sa kanya. Meaning nabasa na niya.

"Si Lachie," tanong ko kay Riley.

"Oh, sinundo siya ng Mommy niya sa airport, Faith. Kaya hindi na siya sumabay sa amin," sabay lakad niya.

"Ah, okay, thanks!" At sumunod na ako sa kanila papasok.

After an hour the family of Russel arrived together with his Mom and Dad. Ang lawak pa nang ngiti sa labi niya ng makita ako, at may inabot lang din siya sa akin.

"You're spoiling Faith, Russel," si Tita Amber sa kanya.

"Oh, no, Tita. I know that she loves crinkles, kaya ako na mismo ang gumawa niyan sa bakery namin."

"Oh, Really? How sweet of you," si Tita Amber sa kanya.

"Ewan ko ba sa batang 'yan. I know he's busy with his school project, but since it's for Faith pinaglalaanan niya ng oras," tugon ng Mommy niya.

Ngumiti na ako. "Salamat ah." At tumango na siyang nakangiti.


Nagsimula na ang hapunan at masaya ang lahat. Nag send lang din ako ng mensahi kay Lachie. Asking him if how's everything. Hindi man lang kasi siya nag send ng mensahi sa akin. Hanggang sa natapos na ang lahat at umuwi na sina Russel at ang mga magulang niya.

We bid our goodbyes and everything went okay. The night went quiet and the boys went to bed early. Napagod siguro sila sa biyahe nila. I've heard that one company offered their band a contract, but because they prioritise their studies they didn't grab it.

Pinayagan lang sila nina Tita at Tito ng non-exclusive contract. Para hindi maapektuhan ang pag-aaral nila. Nag-ayos na ako at tapos ng naligo. I open the bathroom door to get inside the room when I heard Ava and Bria talking.

"Ba't naman nag-away sina Tadeo at Lachie?" si Bria.

Nahinto ako at nakining lang din. Nagtago ako sa gilid.

"Tadeo is protecting Faith, Bria. There's a misunderstanding I guess and that makes the two of them like this. Ang alam ko kasi may kumuha kay Lachie, pero inayawan naman niya ito."

"And so? Anong problema ni Tadeo roon?"

"Hindi ko alam. Russel is asking Tadeo about Faith and I think Lachie overheard it on the phone. Nag-uusap daw sila ni Russel in a full speaker volume and Russel keeps talking about, Faith. I think he's in love with Faith," si Ava kay Bria.

"Pero alam naman ni Russel 'di ba na hindi na pwede si Faith."

"Oo, E, kung ako si Lachie. Magagalit ako, girlfriend ko iyong tao," boses ni Bria.

Tumikhim na ako at humakbang na nahinto silang dalawa at iniba agad ang topic na pinag uusapan nila. Ngumiti na ako at binuksan ang closet para sa damit.

"Faith, did Lachie message you?" tanong ni Bria.

"Hindi pa. Mamaya na tatawagan ko na lang," ngiti ko.

After twenty minutes Bria and Ava leave the room. Tinawagan ko na si Lachie. Hindi pa naman masyadong gabi. The phone rang thrice until I heard his voice. It's in a deep low tune.

"Faith..." lalim na hininga niya.

"Are you sleeping? Did you read my messages?"

"Yes. I was talking to Dad and Mom and we had a serious conversation. Kaya hindi agad ako nakasagot sa'yo. I'm sorry," lalim na hininga niya.

"May problema ba? You can tell me."

"No, it's okay. It's just about school and stuff and priorities."

Natahimik kaming dalawa at rinig ko lang din ang bawat buntong hininga niya. Is he having a hard time? Why? I would love to know what bothers him, but it seems like he's not willing to tell it to me.

"Am I still your priority, Lach?" lihim na tanong ko.

He went quiet for a moment and then he took a deep breath.

"Yes, you are my priority, Faith. And that's why I'm doing this for us, for you. Para pagdating ng panahon na iyon ay kaya ko ng harapin ang lahat ng tao sa paligid mo," buntong hininga niya.

"Sino ba kasi sila? You don't have to think of them. Ang mahalaga tayong dalawa 'di ba?"

"I know, Faith. But sometimes some people are too dear to you and I don't want to hurt them. Anyway, I'm so tired. Can we talk tomorrow?"

"Okay, good night and sleep tight," pikit mata ko.

"Good night too," sabay patay niya sa tawag.

Napahiga na ako sa kama at nakatitig sa kisame ng kwarto. Somehow my heart is beating so tight to the point that it's aching inside. The type of feeling that you really wanted to kiss, hug and embrace him, but he is holding back. Hindi ko tuloy alam kung saan ako hahawak, dahil pakiramdam ko bumibitaw siya sa mga sandaling ito.

.

C.M. LOUDEN

Everything After ✅Where stories live. Discover now